Archive | Rants RSS feed for this section

masiba ka!

14 Nov

halos sabay lang tayo sa kumpanyang ito. hindi ko na alam kung sino sa atin ang nauna ng isang linggo, kung ako ba o ikaw pero sigurado ako na halos iyon lang ang itinagal ng isa bago sumulpot ang isa dito. aaminin kong hindi naging madali para sa atin ang simula. naiilang ako sa’yo, kinikilala mo ako. nalilito akong intindihin ka at naninibago ka sa paraan ko ng pakikipag komunikasyon sa’yo. pero alam nating dalawa na kailangan natin ang isa’t isa. pinilit kong intindihin ka, sinikap mong sumabay sa akin.
masasabi ko na smooth naman kung anong relasyon meron tayo nun. pero isa itong tipikal na kwento na kung saan magulo ang simula na mauuwi sa isang magandang relasyon para lang magtapos sa mas magulong katapusan ng kwento. naging gahaman ka at hindi nakuntento. nawala ang dating pagkukusa sa mga kilos mo, naging mapaghanap ka at ginawa mong napakahirap ng buhay. ilang beses mo na akong sinira sa harap ng boss at mga kaopisina ko at hindi ko na mapapalagpas pa ‘yun lalo na’t alam ko naman na wala akong ginagawang mali para sa ‘yo. ibinigay ko na nga ang lahat. sinusubuan na nga kita kahit hindi naman ‘yun ang tama pero iba pa rin ang gusto mo, at ang gusto mo ang dapat laging nasusunod. nakakapagod ka ng intindihin. wala ka ng alam gawin kundi kumain at magbigay ng problema sa mga taong katulad kong umaasa sa’yo.
(more…)

akala mo cool ka? hindi.

10 Nov

alam mo kung anong nakakadiring tignan? ‘yung mga pinay na mga naglulumandi sa mga bar na may kasamang koreano tapos alam mo naman na hindi nila asawa ‘yun. ‘yung tipong isang tropahan sila ng mga babae tapos may nakilala lang silang mga koreano, nagkayayaan sa bar tapos salit salitan sila ng posing kasama ‘yung koreano na ‘yun para may panlagay silang picture sa facebook o friendster nila.. seryoso, kung akala n’yo cool ‘yun, HINDI. napansin lang naman ‘yang mga koreano na ‘yan nung pumutok ang meteor garden dito sa pilipinas e, dati ba pinapansin ‘yang mga ‘yan dito? hindi naman. mga pekeng intsik lang naman ‘yang mga ‘yan.  (more…)

kahapon

5 Oct

alam mo ang hirap sa ating mga tipikal na pilipino? ‘yung pagiging historian natin. ‘yung ang layo layo na ng narating ng kwento ng buhay mo pero babalik at babalik ka pa rin sa unahang bilang. andami dami n’yo ng pinagdaanan ng minamahal mo pero babalik at babalikan pa rin ng utak mo lahat ng nakaraan n’ya at hahalukayin mo pa rin ‘yung mga maling nagawa n’ya nung mga unang panahon pa. hindi tayo magkakaron ng bagong bukas kung hindi natin iiwan ang lumang kahapon, hindi p’wedeng magsabay ang kahapon at ang ngayon at hindi p’wedeng mag abot ang nakalipas at ang hinaharap. kailangan mong bumitaw sa isa para makakapit sa iba. kailangan mong talikuran ang lumipas para maharap mo ang bukas.
(more…)

oh hai sir

4 Sep

sir,
matinding awa ang naramdaman ko sa estudyanteng katabi mo. mula ata nung sumakay ka hanggang sa bumaba ako, sa ilong na lang nagpapalabas ng hangin para mapigilan ang paghinga n’ya.  nakita ko rin sir ‘yung bahagyang pag irap mo sa babaeng katabi ko nung nagparanig s’ya sa’yo ng isang pilit na ubo. gusto sana kitang abutan na lang ng dalawang piso para itapon mo ‘yung sigarilyo mo pero hindi ako nagkalakas ng loob para gawin ‘yun. ang totoo, maliban sa pilit na ubo na pinakawalan nung babaeng ‘yun wala na kahit isa sa loob ng sasakyan ang nagkalakas ng loob para sitahin ka o para paalalahanan man lang na hindi tama ang ginagawa mo. baka nung oras na ‘yun lahat kami natakot, mukha ka kaseng may pinag aralan at mukhang sa isang maayos na opisina nagtatrabaho.. at p’wede din na dahil sa anyo ng katayuan mong ‘yan, iniasa na lang namin sa lebel ng mentalidad mo kung ano ang tama at ano ang mali.
(more…)

overpass

19 Jul

sobrang lakas ang ulan nung isang araw. habang nasa bus ako pauwi parang gusto kong magsisi kung bakit ko pa pinahiram ‘yung payong ko dun sa babae sa personnel nung gabing ‘yun. tinanong n’ya ako kung papano ako bukas? tiwala akong sumagot, ok lang ‘yan pakiramdam ko naman hindi na uulan bukas. at eto ako ngayon, ginaw na ginaw sa loob ng bus at namumroblema kung paano ako pagbaba ko sa alabang. badtrip unang araw pa naman kagabi na sinuot ko ‘yung bagong sapatos ko, mabababad lang sa ulanan. naninibago ang paa ko sa bagong sapatos na ‘yun pakiramdam ko lagi akong matatalisod.
trapik pa pota! mabasa lang ng konti ang kalsada trapik na, putarages! nagugutom na ako, kakaisang oras lang pagkatapos kong kumain ng dalawang manok sa bucket na pinadeliver namin sa opisina pero pakiramdam ko nahihilo na ako sa gutom. pag ganitong ipit ka sa trapik dapat kang magpasalamat pag nagugutom ka, ibig sabihin lang nun imposibleng matae ka. matitiis ang kalam ng sikmura dahil sa gutom pero hindi ang pagtatae. may naimbento akong mabilis at panandaliang lunas sa gutom sa byahe, kailangan mo lang ng babolgum. ngunguyain mo ng mabilis ang chewing gum mo pero hindi ka lulunok ng laway iipunin mo. pag pakiramdam mo puno na ng laway ang bibig mo, uunti untiin mong lunukin ‘yun. epektibo ‘yan maniwala ka dahil sinabi ko. ‘yun nga lang kailangan mong ulitin ‘yan pagkatapos ng kinse minuto dahil hanggang ganun lang ang bisa n’yan. (more…)

bakit importante ang pagmumukha ng teacher ng anak ko

14 Jul

nakakontrata akong mag gawa ng project ni polin. isang bagay na buwisit na buwisit akong gawin. una, tapos na ako dapat sa mga proyektong pang eskuwelahan na ‘yan, at pangalawa, kabobohan ng teacher na magpa project sa estudyante n’yang bata at alam n’ya naman na magulang ang gagawa n’un. hindi ko makuha ang punto ng ganun.
kung tutuusin simple lang ang proyekto n’ya ngayon, hindi tulad dati na kailangan pang mag research sa net, gumawa ng rap tungkol sa kalikasan, o gumamit ng gunting. kailangan lang gumawa ng isang talata na merong apat na daang salita, bilang blogger alam natin na walang pinagkaiba ‘yang proyektong ‘yan sa pag aassemble ng isang panda ballpen na hiniwa hiwalay sa harapan natin, p’wede natin gawin ‘yun kahit habang sumisipol pa tayo o kahit pa habang lumilindol ng malakas. (more…)

im back

10 Jun

may isang mapait sa panlasa na hindi ko yata kakayaning hindi iluwa. kahit gaano kaganda ang intensyon ng taong basta na lang nagsubo sa bibig mo ng pagkain. hindi mo magugustuhan ‘yun. gaano kasimple at gaano kagulo ang pinaguusapan dito? nag alok ako ng pagkain, pinintasan ‘yung platong ginamit ko. inilaban ko na masarap ang pagkain, kinontra n’ya ‘ko na hindi bagay sa pagkain ang platong ginamit ko.
mas nagsusulat ako para sa sarili ko, kesa para sa mambabasa ko. isinusulat ko kung ano ‘yung mga naiisip at nararamdaman ko at madalas, wala akong pakealam kung magustuhan man ng mga mambabasa ko ‘yun. wala akong hinihinging kung ano sa ‘yo, ‘wag mong asahan na magpipiga ako ng utak para lang ma solb kita sa kung ano ang gusto mong mabasa. mas libangan at kagaguhan ang blog ko kesa tiga paghatid ng mga tama at hindi tama sa isang tao. katulad ng pangkaraniwang blog na wala naman direktang pinatutungkulan kaya binuo, nagsusulat ako ng mga entry na patungkol sa ilang mga tao ng hindi ko pinapangalanan at ang mga ganung mga bagay, iniaasa ko na lang sa intelligence level ng mga makakabasa. madalas ganun ang blog, tamaan ang tamaan. pag sumakto, jackpot. (more…)

wag mo sanang masamain

5 Jun

nakakatakot ang mga kabataang internet, pagketatapang. madali magkapangalan sa pagpapanggap na matapang ka kung ‘yan ang gusto mo pero may isang problema d’yan
… baka hindi mo mapanindigan, kid.
at alam mo kung saan kalimitan sumesemplang ang mga naggagaganyan? ‘yung kahilawan ng pinaglalaban mo na sa bandang huli dahil wala ka naman pinaghuhugutan, iikot ka rin sa kamay n’ya. papano ka lalaban kung ginalit mo lang naman ang sarili mo dahil ang totoo hindi ka naman talaga apektado? (more…)

ang entry na ito ay alay sa isang kaibigan

12 May

ang entry na ito ay alay sa isang kaibigan.

wala ng sampung araw bago ako mawala sa ere, muntik ng hindi umabot ang pabaon mong mga maaanghang na salita sa akin. kung gusto mong ibigay ko sa’yo ang pribilehiyo na mag iwan ng huling salita, sana man lang nilahukan mo ng kwenta ‘yang mga pinagsasabi mo. kaibigan, ilang buwan na ba ang nakakalipas nung napag usapan natin ‘yan? hindi ko na alam. ibig sabihin ba nun sa hinaba haba ng panahon hindi man lang umandar kahit bahagya ang buhay mo? nalulungkot ako para sa ‘yo, kaibigan.
hanggang ngayon ba nagigising ka pa rin sa gitna ng gabi dahil sa bangungot ng katotohanan na ako si jon cabron at wala akong pakialam sa mga gamu gamong dumadapo sa malagkit na sapot ng gagamba na may naka tattoo sa noo na “bawal pumasok malagkit, nakakasakit” ? dumadating din ba sa ‘yo ang mga pagkakataon na bigla ka na lang natutulala at tinatangay ang isip mo ng katotohanan na kahit gaano mo ‘ko pukpukin ng mga salita mong walang kwenta, hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo at hindi mo maitutuwid sa harapan ko ang baluktot na ugali kong nakikita mo. bakit? dahil wala kang kwenta, kaibigan.
kung tatayo lang ako sa tabi mo bilang kaibigan at hindi bilang karakter sa kwentong ito, isa lang ang sasabihin ko sa ‘yo. hindi ka na sana nagpakita nung gabing ‘yun dahil alam mo naman na lakad ‘yun ng mga taong may malayang utak, ayokong isipin na ikaw lang ang bobo nung gabing ‘yun. dahil kaibigan kita. pwede din na sana nanahimik ka na lang sa isang sulok habang tinatakpan ang magkabila mong tenga tuwing ibubuka ko ang bibig ko. normal pa sana ang pagtulog mo ngayon.
‘wag mong punahin ang puwing sa mata ng isang taong matapang na humarap sa hangin, habang nakalikod at nakapikit ka sa takot na mabura ng alikabok ang makeup mo. at bago mo punahin ang nakikita mong mantsa sa pagkatao ko, maghilamos ka muna.. baka nanggigitata ka na sa kasalanan.

bago mo isipin na traydor akong kaibigan dahil sa inaakala mong pagsasalita ko habang nakatalikod ka, mas gusto kong isipin mo na binibigyan kita ng pabor pag ginagawa ko ‘yun. dahil ayoko kitang masaktan, kaibigan.

gusto mo pangalanan pa kita? ‘wag na baka sumikat ka pa.

sa lalaking napapangiti habang nagbabasa ng text

19 Apr

hindi ko alam kung ako lang pero naiinis ako pag nakakakita ako ng lalaking napapangiti mag isa sa binabasa n’yang text sa pampublikong lugar. lalo na ‘yung senaryong tutunog ang celfone, dudukutin sa bulsa tapos babasahin ‘yung mensahe sabay tingin sa malayo o sa labas ng bintana ng bus na parang dinadigest pa ng maigi ng utak n’ya ‘yung mensahe tapos biglang susulpot ang ngiti sa gilid ng labi n’ya hanggang sa maging isang kumpletong ngiti. buti sana kung babae s’ya na alam naman natin na mabababaw ang kaligayahan pero sa isang lalaki, sa pampublikong lugar? seryoso, ansarap bigla na lang sigawan ng malakas na HOY! na sakto sa tenga n’ya.  (more…)

>