nung isang gabi, kakagising ko lang ng napatutok ako sa tv habang nanonood dun si mrs cabron at ‘yung anak namin. may isang batang sampung taong gulang nakarehistro sa tv, sabog ang luha n’ya habang kumakanta. pinoy dream academy little dreamers daw ‘yung palabas. malungkot ang itsura ni mrs. cabron at ni polin, nakikisimpatya sa bata na sumasabog ang boses habang kumakanta dahil sa pigil na emosyon ng pag iyak. dun ko lang nalaman na isa pala s’ya sa natanggal at huling kanta n’ya na ‘yun..
nahabag ako dun sa bata, parang naisip ko dagdag pabigat pa sa loob n’ya na pinakanta pa s’ya, naisip ko ‘yun dahil sanay ako sa paligsahan nung nasa elementarya pa ako, suki ako ng mga quiz bee at mga spelling contest dati at wala akong ibang naiisip pag natatalo ako kundi ang umuwi na sa bahay namin at tumakbo sa loob ng kwarto ko, isubsob ang mukha ko sa unan at umiyak ng umiyak habang isinusumpa ko ng mga malulubhang sakit ‘yung mga nakalaban ko.
(more…)