teh mighty JON CABRON show » pamilya cabron

andito na ang tatay ko
umuwi na ang tatay ko galing sa paglalayag sa dagat. tanghali ako gumising nung araw na ‘yun, kumpleto naman ang tulog ko pero pinipilit ko pa rin matulog dahil ayokong salubungin s’ya sa pinto. nahihiya ako, parang pakiramdam ko ang isip bata nung ganun.

nung pakiramdam ko parang uuudin na ‘yung mata ko kakapikit, naglibang muna ako sa harap ng internet. pero patingin tingin pa rin ako sa oras, parang antagal naman nila, ang rinig ko alas tres ang baba ng eroplano so dapat mga alas kwatro trenta andito na sila ah.

narinig kong nagkagulo na sa kabila, andun na malamang ‘yung balikbayan. nagpalipas pa ako ng thirty minutes bago kunyari nauhaw ako at kailangan kong uminom dun sa bahay nila. sakto, habang umiinom ako ng tubig lumabas s’ya galing cr.. tinangka n’yang yakapin ako at halikan sa pisngi habang sumisigaw s’ya ng joooooon! pero nakahulagpos ako at nagsara sa bahay namin. napahiya pa ako dahil hindi naman pala n’ya ako hinabol.

kinabukasan, maaga akong gumising. pasilip silip ako sa kabilang bahay. parang hindi ko yata naririnig at nakikita ang tatay ko. nahihiya naman akong magtanong sa nanay ko baka sabihin papansin ako o kaya nangungulila sa pagmamahal ng ama. naghintay ako ng tyempo, tapos nung pumasok ang nanay ko sa cr, sinilip ko ‘yung sapatusan namin kung andun ‘yung sapatos ng tatay ko… wala. kumpirmadong umalis, nag report siguro sa opisina. nanakbo ako nung bigla kong narinig na bumukas ang pinto ng banyo, paglabas ng nanay ko andun na ako sa lalagyan ng mga cd.. kunyari nagpapagpag lang ako ng alikabok dun.

buong araw kaming hindi ulit nakapag usap dahil hindi na ako nakalabas ng bahay maghapon nun dahil sa sakit ng tiyan. tuwing dumadaan sa kwarto si polin sinasabi ko sa kanya na masakit ang tiyan ko baka sakaling banggitin n’ya sa tatay ko at baka sakaling bisitahin ako sa kwarto. pero hindi nangyari ‘yun, nainis ako ng konti sa anak ko.

tuwing gigising ako, nagko computer muna ako. hinihintay kong sigawan nila ako para mag almusal pero walang ganun na naganap. pero tinatawag naman nila ako pag tanghalian na. pero gusto ko sana nakakandong ako sa tatay ko habang pinapakain n’ya ako pero inuunahan ako lagi nung anak ng kapatid ko na tatlong taon, papansin.

ilang araw na s’ya dito pero hindi pa kami nakakapag usap ng masinsinan. hanggang sa nat’yempuhan ko s’ya isang gabi na naninigarilyo sa may garahe. nagipon muna ako ng lakas ng loob para lapitan s’ya. inacknowledge n’ya naman ang presensya ko sa pamamagitan ng pag tango. nagsindi s’ya ulit ng yosi, kumuha ako sa kaha n’ya nagsindi din ako. nakaramdam ako ng pagkailang, ten minutes na siguro ang nakakalipas pero wala man lang nagsasalita sa aming dalawa. wala man lang naglalakas loob magbukas ng pag uusapan.  nawalan na ako ng pag asa, patayo na ako nung tumingin s’ya sa akin at nagtanong kaya napaupo ulit ako. at ang kauna unahan n’yang isang buong pangungusap mula nung umuwi s’ya na patungkol sa akin “kamusta ka na?” sinagot ko s’ya andami kong sakit nung last na medical sa trabaho namin. meron akong scolio, mataas sugar ko tsaka uric acid, cholesterol, tapos high blood ako. wala s’yang reaksyon, pagtingin ko nagbabasa s’ya ng dyaryo. taragis. nagsindi ako ulit ng sigarilyo sabay tayo, suko na ako talaga. bago ako pumasok ng bahay narinig kong tinawag n’ya ang pangalan ko. sinamsam ko ulit ang banderang puti na inilatag ko kanina lang.. tinanong ko kung bakit n’ya ako tinatawag, “wag kang pumasok sa bahay ng may sigarilyo ka alam mong may mga bata d’yan, anong klaseng sistema mo ‘yan?”

kinabukasan nun natyempuhan ko ulit s’ya, lumabas lang ako para bumili sa tindahan ng sigarilyo tapos nadaanan ko s’ya sa may terrace namin. tinawag n’ya ako, nahirapan akong ikubli ang ngiti sa bibig ko bago ako humarap sa kanya. tinanong n’ya ako kung bakit daw ‘di ako naglalalabas at bakit hindi ako pumapasok, sabi ko masakit ang tiyan ko. kung nakita ko na raw ba ‘yung pasalubong n’ya sa akin… pakiramdam ko maglalaglagan ang mga ngipin ko kung pipigilan ko pa ang ngiti ko sa mga oras na ‘yun. sabi n’ya saglit lang, pumasok s’ya sa bahay at naupo ako sa inuupuan n’ya kanina habang naninigarilyo, narinig ko sa loob na naghahalungkat s’ya andaming gamit na naiimagine kong kumakalat pag hinahawi n’ya ‘yung box para hanapin ‘yung kung ano mang simbolo ng pagmamahal ng isang ama na pasalubong n’ya sa akin.

umayos ako ng upo at pinatay ko ‘yung sigarilyo ko sa ashtray nung nakita ko na ‘yung anino n’ya sa screen ng pinto. paglabas n’ya may tinatago s’ya sa likod n’ya “ingatan mo ‘to, mahal ang bili ko dito” napatango lang ako at napangiti. hindi ko alam kung nahihiya ba ako sa senaryong ganun ng isang anak at isang ama na parang nasa komiks o nahihiya ako dahil ramdam ko na namumula ang pisngi ko. tapos dahan dahan n’yang inilabas ang kamay n’ya sabay sigaw ng “catch!” at matulin kong sinalo ang pasalubong n’ya sa akin na bonnet.

bakit importante ang pagmumukha ng teacher ng anak ko
nakakontrata akong mag gawa ng project ni polin. isang bagay na buwisit na buwisit akong gawin. una, tapos na ako dapat sa mga proyektong pang eskuwelahan na ‘yan, at pangalawa, kabobohan ng teacher na magpa project sa estudyante n’yang bata at alam n’ya naman na magulang ang gagawa n’un. hindi ko makuha ang punto ng ganun.

kung tutuusin simple lang ang proyekto n’ya ngayon, hindi tulad dati na kailangan pang mag research sa net, gumawa ng rap tungkol sa kalikasan, o gumamit ng gunting. kailangan lang gumawa ng isang talata na merong apat na daang salita, bilang blogger alam natin na walang pinagkaiba ‘yang proyektong ‘yan sa pag aassemble ng isang panda ballpen na hiniwa hiwalay sa harapan natin, p’wede natin gawin ‘yun kahit habang sumisipol pa tayo o kahit pa habang lumilindol ng malakas. pero may dalawang problema. una, may kalakip na hamon ang proyektong ‘yan dahil ang mapipili daw d’yan ipapasaulo sa bata tapos magkakaron ng competition.. hmmm may hamon pero ‘di ko masyadong nakikitang problema ‘yan kundi itong pangalawa, kontra ang paniniwala ko sa topic na pinapagawa nila. “bakit importante ang papel ng isang ama para sa tagumpay ng anak?” hindi naman sa pangwawalang bahala ko sa tatay ko pero seryosong wala akong nakikitang kaimportansyahan ng papel ng ama para sa tagumpay ng anak dahil sa simpleng dahilan na naniniwala ako na kung ano mang tagumpay meron ang isang tao nasa sarili n’yang suwerte at pagsisikap ‘yun. hindi ka naman prutas na nangangailangan ng makakapitang malusog na puno para mahinog ka ng maayos, ikaw ang may bitbit ng sarili mong ulo at ikaw ang humihila ng sarili mong paa. dalawang bagay lang ang nakikita kong papel ng isang ama sa usaping ‘yan, gawin mo s’yang inspirasyon kung naging mabuting ama s’ya sa ‘yo o magsumikap ka na ‘wag matulad sa kanya kung malayo ang loob mo sa kanya. dahil para sa akin dalawa lang naman ang papel ng ama para sa anak n’ya, magtrabaho para sa pagkain at pagpapaaral ng anak.. at mamalo.

madalas, tatay lang ako ni polin dahil asawa ako ng nanay n’ya.

happy fathers day
para sa tatay ko,

alam mo naman na busy ako. alam ko din na ito ang pagiging busy na matagal mo ng gusto kong pagka abalahan. hindi na ako tambay, hindi na ako pahataw hataw sa kalsada. ibang level na ng kabusyhan ‘to.. eto ‘yung uri ng pagka abala na maipagmamalaki mo sa mga kakilala mo. hindi tulad dati.

kakambal ng pagiging abala na ‘yan ang matulin na paglipas ng panahon at hindi ko namalayan na dumaan na pala ang fathers day. ngayon na tatay na rin ako, alam ko na ang lihim na saya na mabati ka ng anak mo sa araw na ‘yun. siguro pag nabasa mo ‘to katulad din ng naging reaksyon ko ang ipapakita mo, ngingiti lang sa isang sulok ng labi, walang reaksyon pero may lihim na saya sa loob na mahirap ipaliwanag. at katulad ng ibang tipikal na entry tungkol sa araw ng mga tatay gusto ko din ilista ang mga masasayang ala ala natin nung magkasama pa tayo mula pa nung bata ako..

wala akong natatandaan.

belated happy fathers day.

jon

putahe ng ina ko
mamatay na yata ako sa gutom. hindi ako magtataka kung habang nagtatrabaho ako o tumatawid sa kalsada bigla na lang akong matumba dahil sa hilo. dalawang araw na akong hindi nakakakain ng maayos. bukod sa nanay ko ang naglalaba at nagpaplantsa ng damit ko kahit naka bukod na kami, madalas sa kanya din ako kumakain ng tanghalian o hapunan. isa sa pinaka ayaw ko talagang ulam ang sopas dahil sa isang libo at isang dahilan, una na d’yan ang matindi kong paniniwala na hindi dapat inuulam ang sopas. inimbento ang sopas para sa mga taong tinatrangkaso at nanghihina naiimagine mo ba kung anong kapakinabangan nun sa isang taong tulad ko na masigla naman? hindi ka iinom ng biogesic kung hindi masakit ang ulo mo, hindi mo kailangan ng energy drink kung manonood ka lang ng tv sa bahay n’yo, at hindi mo kailangan ng tattoo kung hindi ka naman mayabang. ganun din ‘yan, hindi mo kailangan ang sopas sa pang araw araw na buhay mo. hindi pa d’yan natapos ang pagsubok ko sa hapag kainan. dahil kinabuksan nun, isang nakakalokong ulam ang nakipag titigan sa akin sa loob ng kaldero. ang misteryo ng tinolang baboy. hindi ko alam kung saan hinugot ni ginang cabron ang idea ng putahe na ‘yan. napaka gulong isipin ng ulam na ‘yun, habang kumakain ka nun didiktahan ka ng panlasa mo na tinola ang kinakain mo pero bago mo malunok ‘yun kokontrahin ka ng utak mo dahil alam n’yang baboy ang nakikita n’ya. napakahirap na senaryo, pakiramdam ko bago ako makaubos ng isang mangkok ng ulam na ‘yun sasabog ang utak ko at maglalabasan ‘yun sa lahat ng butas ng ulo ko dahil sa hindi n’ya kayang iprocess ang katakut takot na magkakakontrang impormasyon ng ulam na ‘yun.

dalawang araw na akong hindi kumakain ng maayos, at natatakot akong pumunta sa kabila mamaya para silipin ang ulam na naghihintay sa akin. napakaraming posibilidad. ginising pa ako ng nanay ko kahapon para magpa pasaload ng trenta, ang kapal ng feiz.

hapunan
alam mo kung ano ‘yung isang bagay na nakakapag pasaya sa isang pagsasama at alam mo ba kung ano ‘yung isang bagay na nakakapag angat ng ego ng isang ama ng tahanan? ‘yung malaman mo na pinapakinggan ang boses mo, kinakailangan ang suhestyon mo maging sa maliliit na bagay lang, at ramdam mo na mahalaga na maisa tinig mo ang gusto mo.

nakatanggap ako ng text kanina habang nasa opisina ako, galing kay mrs. cabron habang nasa trabaho s’ya.

mrs. cabron: anong gusto mong ulam mamaya?

jon cabron: ano bang meron sa bahay?

mrs. cabron: ano nga gusto mo?

jon cabron: porkchop

mrs. cabron: walang porkchop sa ref

.. ok, inisip ko na lang na baka nga mali ako.. walang porkchop sa ref, napakasama kong tao para humiling ng wala. nagreply ako.

jon cabron: para kang tanga, kaya ko nga tinatanong kung anong meron d’yan dahil hindi ko alam.

mrs. cabron: hotshots burger? bibili na lang ako dito?

jon cabron: sigeeeee! ‘yung ultimate cheese burger!

mrs. cabron: burger king na lang pala.

jon cabron: k

nakakapikon pero kalma lang ako, sino ako para tumanggi sa burger king na hapunan di ba?

pag uwi ko ng bahay…

.. spageti na may manok ng jollibee ang dinatnan ko.

wala pang balat, pinapak siguro ni polin.

pero at least kinuha n’ya ‘yung opinyon ko kanina.

shawarma sa tinderong nakabike, ang sarap ng pancit at ang nanay kong bastos ang bibig
hindi na bago sa akin ang pakiramdam na ‘yun. halos kasabay na yata ng pag idad ko ang pakikisalamuha sa panganib na ganun. napunta ako sa sitwasyon na kailangan kong magdesisyon at kailangan kong magdesisyon ng mabilis. at wala ng mas hihirap pa sa sitwasyon na ‘yun kung makikita mo ang sarili mo na nasa gitna ng kalsada. babalik ka ba sa opisina o didiretso ng lakad pauwi ng bahay n’yo? naisip ko na pwede akong sumakay ng pedicab pabalik ng opisina pero wala akong barya at malakas ang kutob ko na hindi ko na mahihintay na magbilangan kami ng sukli pag andun na ‘ko sa sitwasyon na ‘yun. naisip ko na pwede ko naman ikeep the change ang sukli, pero naisip ko na masyadong malaki ‘yun at kukulangin ako ng pamasahe pauwi.pikit mata kong idiniretso ang paglalakad palayo ng opisina. sa bawat sampung maliliit na hakbang na nagagawa ko, palayo ng palayo ang tsansa ko na makabalik at magbago ng desisyon. sumakay ako ng jeep at nag abang ng bus. sa bawat sandali ng byaheng ‘yun hanggang sumakay ulit ako ng isa pang jeep at bumaba sa kalsada namin, hindi ko na mabilang kung ilang libong beses akong bumulong ng panalangin.

kung nagkataon na nagunaw ang mundo nung mga oras na ‘yun, nasisigurado ko na isa ako sa unang unang maliligtas dahil sa pagiging biglaang saradong katoliko ko nung mga oras na ‘yun.

hindi ako nakapasok kinabukasan nun dahil sumasakit pa rin s’ya at pakiramdam ko masyado ng pahirap kung dadanasin ko pa ulit ‘yung pasakit na ‘yun sa byahe. wala pa akong kinakain na kahit ano dahil literal na isinusuka ko pag nagkakalaman ang tiyan ko. suspektado ang shawarma na inilibre sa akin ng kasama ko sa trabaho na binili sa tinderong naka bike. iyan lang ang huli kong kinain nung gabing ‘yun. isa sa pinakamahirap na pakiramdam ang magsuka’t tae ka, nakakawala ng moral. nakakatakot na baka bigla na lang malito ang sistema mo at maisuka mo ang tae mo.

.. ok, hindi nangyayari ‘yung ganyan.

hindi ako pwede sa ulam sa bahay ng nanay ko, mortal sin sa taong kinukumbulsyon ang tiyan na mag ulam ng ginataang langka. naghintay ako ng miryenda at humiling ng pancit. may isang buwan ko na yatang pinapangarap makakain ng pancit na totoo at hindi ‘yung lucky me lang. magpadeliver na lang daw, sabi ko sagot ko na ang bayad basta sila na ang tumawag. balik ako sa bahay at harap sa pc, pagkalipas ng kulang isang oras wala pa rin ang pancit. binalikan ko ang nanay ko para magulat lang sa realidad, pare pareho pala kaming naghihintayan. wala pang tumatawag sa magdedeliver ng pancit kesyo busy daw s’ya sa paglalaba kasabay ng paglilinis ng bahay at ang kapatid ko naman e naglilinis ng sasakyan n’ya, ako na lang daw kaya ang tumawag, bigla ang akyat ng dugo sa batok ko sabay aksidenteng kumawala sa bibig ko ang isang malakas na sumbat “ako na nga ang magbabayad ako pa ang tatawag? anong gusto n’yo nganganga at lulunok na lang kayo?” mas mabilis ang bibig ko kesa utak ko, huli na nung naisip ng utak ko na mali ang sinasabi ng bibig ko.. at bago pa ako tuluyang lamunin ng kaguiltihan, gumanti ng sigaw ang nanay ko “napakayabang mong magsalita!!” naisip ko, patay na.. napakasama kong anak para pasamain ang loob ng nanay ko ng dahil lang sa pancit

“..ikaw kaya maglaba ng boxers mong may tae!!”

… kung tutuusin masarap din naman ang lucky me lalo na kung pagsasama samahin mo ‘yung tatlong flavor. ‘yung dilaw, may kalamansi, tsaka ‘yung maanghang. champion talaga kase parang nagtatalo ‘yung lasa nilang tatlo. tapos sasabayan mo pa ng sprite..

pron
ginising ako ng nanay ko kani kanina lang, pinipilit n’ya akong sumama sa birthday ng tiyuhin n’ya parang reunion na rin daw dahil dun sa magkakapatid ‘yung lolo ko na lang na ‘yun ang natitirang buhay. tumanggi ako dahil unang una naiimagine ko na ang sandamukal na kailangan kong pagmanuhan dun, sangkaterbang “ah iyan na ba ‘yung bunso mo?” at “eto ang anak ko, nagtatrabaho ‘yan sa blah blah blah batugan ‘yan kaya tumaba ng ganyan at walang ginawa kundi humarap sa computer kaya bente nuwebe pa lang may highblood na” ayoko ng tao.

at isa pa, day off ko ngayon gusto ko naman gamitin ang literal na kahulugan ng tinatawag na REST day. andami kong narinig sa nanay ko, habang kumakain s’ya ng tinapay at humihigop ng kape sa lamesa namin. kesyo kung mga barkada ko ang nagyaya malamang kanina pa ako nakapaligo, kesyo magaling lang ako kung inuman ang lakad, kesyo hindi ako mapakinabangan sa mga ganung lakaran at lagi na lang s’yang mag isang representante ng buong mag anak namin pag may lakad na ganun.

hindi n’ya ako napilit. sabi ko nga di ba? isang batayan kung papano ginawang napakasimple ng buhay natin ang pag ayaw mo e di huwag.

halos kasabay ng huling lagok ng nanay ko sa kape n’ya ang pag suko n’ya na mapilit akong sumama sa kanya. padabog s’yang lumabas. diretso ako sa harap ng computer, sigurado akong hindi na ako makakagawa ng tulog ulit. may nakita akong link, porn site. browse browse, sipat sipat, zoom zoom, save image as.. nang biglang may sumigaw sa labas ng bintana sa likuran ko “SIGE D’YAN MO UBUSIN ANG MAGHAPON MO!” .. umikot ang nanay ko sa likod ng bahay para sumilip sa bintana ng kwarto ko. wala na akong nagawa kundi gumanti ng sigaw habang nagko close ng website na ‘yun “popup lang ‘yan dun sa binuksan kong website”

ilang beses na ba akong inilalagay sa alanganin ng mga porn site na ‘yan.. hindi ko na mabilang. andyan na habang tumitingin ako sa isang bagong tuklas na porn site sa opisina, sa sobrang pag eenjoy nawala sa loob ko ang pagka alerto napansin ko na lang na kalahati na ng katawan ng boss ko ang nakapasok sa may pintuan ng opisina, hindi ako pwedeng mag ALT + TAB, obyus masyado.. inunahan ng kamay ko ang utak ko na magdesisyon, pinatay ko bigla ang monitor sabay tingin sa boss ko at sa nakakaawang boses “sir, sira ‘yung monitor walang display” tumigil ang boss ko sabay sipat sa monitor, “parang hindi, parang nakapatay lang…” sabay pindot sa power button ng monitor.

naaalala ko dati, nanonood ako ng video ng scandal at s’yempre nakapatay ‘yung speaker. biglang pumasok ang nanay ko, sa kanila pa kami nakatira nun dati at iisa pa lang ang pc na ginagamit dun. pacheck daw ng email dahi baka nagreply na ‘yung kaklase n’ya nung highschool na nasa ibang bansa. nakaminimize lang ‘yung pinapanood ko at wala ng posibilidad para maiclose ko ‘yun. pinindot ko ‘yung WINDOW + L sa keyboard at pagkatapos n’yang mag login sa account ng guest sa pc, pumunta na ako sa kusina para uminom ng tubig, maya maya nakarinig ako ng maingay na halinghing na nanggagaling sa speaker ng pc ko.. takbo agad ako, binuksan n’ya raw ‘yung speaker dahil magbo voice chat daw sila nung kausap n’ya sa YM.

.. kakabalik lang ng nanay ko ngayon, para lang sabihin sa akin na mamamatay ako sa gutom pag hindi ako sumama dahil wala ang nanay ng anak ko at wala akong kakainin dito.

interes
nagkaron kami ng diskusyon ni mrs. cabron kagabi bago matulog. bertdey kase ng anak ng kapatid n’ya sa linggo at baka pumunta daw ng baguio, wala akong nakikitang problema dun kaya lang ang masama isinasama n’ya ako. ano ang nakikita kong problema pag sumama ako sa ganun kalayong lugar sa kanila kasama ‘yung mga bayaw ko? malaki.

parehong mahilig sa sasakyan ang asawa ng dalawang ate n’ya, naiimagine mo ba ang pagdudusahan ko sa ilang oras na b’yahe mula manila hanggang baguio kung ang pag uusapan nila e tungkol sa sasakyan? wala ‘yung pinagkaiba sa tatlong tao kayong isinilid sa kahon at ipinadala sa china.. at ang dalawang kasama mo ay intsik.

magmumukha akong alien sa sasakyan na ‘yun, magmimistula akong ligaw na multo na nakasabit sa b’yaheng ‘yun at hindi man lang ako makakapag paramdam.

ano ang posibleng senaryo pagkarating namin sa lugar na pupuntahan namin, habang abala ang mga kababaihan sa pag aayos ng mga gamit at pagtsitsismisan. aalukin ng isang bayaw ko ang isa pa na magyosi sa labas, s’yempre otomatik na susunod ako.. at pagdating sa labas pagkatapos namin pagusapan ang ginaw sa baguio at pagkatapos magkwento ng isa kung ilang taon s’ya nung una s’yang nakarating dito na susundan naman ng isa kung saang mga lugar s’ya tumira dito.. mapuputol ang usapan pagikot ng mesa sa akin, hindi pa ako nakakarating dun. wala akong maiaambag maliban sa ginoogle earth ko ang baguio at anlaki pala ng burnham park.

hindi ito ang tamang panahon para maiwan kayo sa isang lugar kasama ng dalawang tao na may parehong interes at ikaw lang ang naiiba. bakit? finals ng NBA ngayon at may batas ang mga ilang kalalakihan d’yan na kung wala ka rin lang maiaambag sa usapin tungkol sa event na ‘yun, ‘wag ka na lang lumabas ng bahay o makihalubilo sa iba. pag tinanong ako ng isa kung sino ang gusto kong manalo sa finals, lakers ang isasagot ko.. pero pag hinanapan n’ya ako ng dahilan kung bakit o kung sino ang paborito kong player ng lakers maliban kay kobe bryant malamang lunukin ko sa harapan n’ya ‘yung sigarilyo ko para madivert lang ang usapan.

iyan ang pagkakaiba ng lalaki sa babae, magbagsak ka ng sampung babae sa isang kwarto at iwan mo ng isang oras, magugulat ka pagbalik mo dahil may makikita ka ng naghihingutuhan, naguusap tungkol sa presyo ng bilihin at mga katitian ng mga ex boyprends nila. subukan mo namang mag iwan ng limang lalaki sa isang kwarto at balikan mo pagkalipas din ng isang oras. aabutan mo silang nasa magkakaibang parte ng kwarto at natutulog. isang bagay ang importante sa mga lalaki para makasundo n’ya ang kaharap n’ya.. parehong interes. sa babae, timing lang.

isang bagay lang ang nakikita kong posibilidad para makasama ako sa lakad na ‘yun. inuman. dahil para sa akin, parang relihiyon ang inuman. wala ‘yang pakealam sa kung saan kang bansa nanggaling o kung anong mga kultura ang baon mo. sama sama kayong magkakaharap sa isang mesa, may kanya kanyang paniniwala.. pero may iisang diyos na sinasamba.

regalo
sa ilang malalapit kong kaibigan sa online world at sa ibang mga mambabasa kong malalakas ang pakiramdam, alam kong hindi nalihim sa kanila ang mahaba haba ding panahon na magulo at madilim ang mundong pinag dadaanan ko nitong mga nakaraang buwan dahil sa hindi namin pagkikibuan ni mrs. cabron. hindi n’yo na kailangang mahaplos pa ang lalim ng mga papagaling kong sugat na ibinunga ng ilang beses na pagko cross stitch ko ng pulso para malaman n’yo ang sitwasyon na pinagdadaanan ko, kung babasahin n’yo ang karamihan sa mga entry ko ng mga nagdaang buwan masisilip n’yo dun ang isang manunulat na alipin ng kalungkutan. isang payasong nagpapaligaya ng mga tao habang may saksak ng kutsilyo sa likod. balon na walang tubig, iced tea na walang yelo, pintong walang doorknob, motel na bawal ang short time, seksing menor de idad… ok, kalimutan n’yo na ‘yung huli.

ang totoo n’yan maayos na sana ang lahat sa amin ilang araw bago pa mag araw ng mga puso. otomatik na ‘yun e kahit sinong magkarelasyon kahit pa gaano kalaki ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan n’yang mga ‘yan at kahit pa gaano kalalim ang sakit na idinulot n’on maghihilom sa araw na iyon, nakaprogram na ‘yan. walang nakakailag sa pana ng tinaguriang sto niño ng pebrero. (imbento ko lang ‘yan)

magkaaway ulit kami ngayon at balik sa dati, at ang dahilan? naging maaalahanin kase ako at nag effort ako na magregalo sa kanya sa mismong valentines day. ipinagkatagu tago ko pa naman, alam ko kase na hindi din s’ya pwede dahil busy s’ya at salungat ang sked namin. andaming bayarin mula pa nung january at sa tancha ko sa march pa ‘ko makakahon sa gastusin kaya mura lang ang regalong kinuha ko, hindi s’ya kasing bango ng bulaklak at hindi s’ya kasing tamis ng chocolate pero nakakakilig din s’ya. hindi s’ya sale pero may promo s’ya.

kulang isang linggo mahigit na sa akin ‘yun ng magkaron ako ng pagkakataon na ilabas ang surpresa sa kanya. maganda pa naman ang simula sana. nasa kwarto kami nun kakauwi n’ya lang galing trabaho at tulog na si polin.

JON: naaalala mo ba ‘yung tinext kita na may regalo ako sa ‘yo pero tsaka mo na malalaman kung ano?

MRS. CAB: oo, akina.

tumayo ako at kinuha sa kailalim ilaliman ng mga nakatuping damit sa cabinet ang supresang regalo

JON: dyaran!

MRS. CAB: tangina! ano ‘to?!

JON: premiere dotted condom na may naka bundle na ez lubricating jelly. mura lang, binili ko sa convenient store.

MRS. CAB: eto ang regalo mo sa akin? anong klaseng regalo ‘to!!?

JON: nagkakamali ka, … hindi iyan ang mismong regalo. IYAN ANG PAMBALOT NG REGALO..

.. naisip ko na kung game show lang ang mga sandaling ‘yun, siguro may mga confetti ng umulan galing sa kisame namin at may mga babaeng nakasuot ng balahibo ng manok at naka litaw ang pusod na magtatakbuhan papalapit sa akin kasabay ng game show host para batiin ako ng congratulations.

pero ‘yun nga, hindi natuloy at magkaaway ulit kami ngayon. ang dahilan, malinaw na nakasulat sa kahon na ‘yun na tatlo dapat ang laman nun pero dalawa lang ang nakita n’ya. sinubukan kong magdahilan na may nanghingi akong kasamahan sa trabaho pero tinraydor ako ng sachet ng lubricating jelly na nakabukas na. nagsalita ako ng mabilis na mabilis at malakas para pagtakpan ang pagkataranta ko. hanggang sa nilamukos n’ya ang bunganga ko. bumagsak ang balikat ko tanda ng pagsuko.

sa mata ni mrs. cabron, may babae akong pinag gamitan nun. naiintindihan ko s’ya dahil iyon naman talaga ang pinaka lohikal na dapat mong maisip sa sitwasyon na ‘yun. tinanggap ko na ang pagkatalo ko sa laban na ‘yun at inihagis ang puting bandera tanda ng pagsuko ko. hindi na ako nagsalita.

sa isip ko, mas mabuti na sigurong iyon ang tumatak sa isip n’ya na dumating sa akin ang sitwasyon na kailangan kong patunayan sa sarili ko na tao din ako. natutukso at nagkakasala. mas mabuti ng sumama ang tingin n’ya sa akin sa ganung paraan kesa malaman n’ya ang katotohanan na mag isa ko lang ginamit ang nawawalang pirasong ‘yun nung minsan na wala akong pasok at hindi naman ganun kaginaw ang panahon at pwedeng magbabad sa banyo.

walang pinagkaiba ‘yun sa sarap nung una mong nadiskubre ang amoy ng utot mo pag kinulob mo sa kamay mo. nakakapag paligaya, pero hindi mo ‘yun pwedeng ibulgar sa iba. nakakahiya.

buhooo!
wala na talagang gagaling pa sa nanay ko sa paghahatid ng masamang balita.

ilang linggo pa lang ang nakakalipas, panggabi pa ako nun sa trabaho at nasa china pa s’ya para magbakasyon

ng ginising ako ng text n’ya isang tangali.

ginang cabron: jon, baka naman pwede kang magleave sa wednesday. walang susundo sa akin, uuwi ng bulacan ang kuya mo dahil patay na si mareng ine.

- biyenang babae ng kapatid ko ‘yung mareng ine at malapit sa pamilya namin ‘yun. nanay ang tawag ko dun at kakuwentuhan ko lang ‘yun nung december.

nung biyernes lang.

nasa opisina ako at nakaramdam ako ng gutom. dahil kakatapos lang ng birthday ng anak ko, naisipan kong sa bahay na lang kumain. tinext ko si ginang cabron.

jon: may ulam pa ba?

ginang cabron: meron pang hamonado. patay na si kuya benjie mo, kaninang 10pm pa.

nanginig ang katawan ko at bigla akong gininaw. napakatindi, muntik na ‘kong lumubog sa kinauupuan ko.

nakaisip ako ng magandang pambawi, pag  namatay ang tatay nitong nanay ko at ako ang unang nakaalam,

pipicturan ko ‘yun gamit ang celfone ko habang nakahiga s’ya tapos ipipicture message ko sa kanya.