Archive | pamilya cabron RSS feed for this section

andito na ang tatay ko

6 Aug

umuwi na ang tatay ko galing sa paglalayag sa dagat. tanghali ako gumising nung araw na ‘yun, kumpleto naman ang tulog ko pero pinipilit ko pa rin matulog dahil ayokong salubungin s’ya sa pinto. nahihiya ako, parang pakiramdam ko ang isip bata nung ganun.
nung pakiramdam ko parang uuudin na ‘yung mata ko kakapikit, naglibang muna ako sa harap ng internet. pero patingin tingin pa rin ako sa oras, parang antagal naman nila, ang rinig ko alas tres ang baba ng eroplano so dapat mga alas kwatro trenta andito na sila ah.
narinig kong nagkagulo na sa kabila, andun na malamang ‘yung balikbayan. nagpalipas pa ako ng thirty minutes bago kunyari nauhaw ako at kailangan kong uminom dun sa bahay nila. sakto, habang umiinom ako ng tubig lumabas s’ya galing cr.. tinangka n’yang yakapin ako at halikan sa pisngi habang sumisigaw s’ya ng joooooon! pero nakahulagpos ako at nagsara sa bahay namin. napahiya pa ako dahil hindi naman pala n’ya ako hinabol.
(more…)

bakit importante ang pagmumukha ng teacher ng anak ko

14 Jul

nakakontrata akong mag gawa ng project ni polin. isang bagay na buwisit na buwisit akong gawin. una, tapos na ako dapat sa mga proyektong pang eskuwelahan na ‘yan, at pangalawa, kabobohan ng teacher na magpa project sa estudyante n’yang bata at alam n’ya naman na magulang ang gagawa n’un. hindi ko makuha ang punto ng ganun.
kung tutuusin simple lang ang proyekto n’ya ngayon, hindi tulad dati na kailangan pang mag research sa net, gumawa ng rap tungkol sa kalikasan, o gumamit ng gunting. kailangan lang gumawa ng isang talata na merong apat na daang salita, bilang blogger alam natin na walang pinagkaiba ‘yang proyektong ‘yan sa pag aassemble ng isang panda ballpen na hiniwa hiwalay sa harapan natin, p’wede natin gawin ‘yun kahit habang sumisipol pa tayo o kahit pa habang lumilindol ng malakas. (more…)

happy fathers day

7 Jul

para sa tatay ko,
alam mo naman na busy ako. alam ko din na ito ang pagiging busy na matagal mo ng gusto kong pagka abalahan. hindi na ako tambay, hindi na ako pahataw hataw sa kalsada. ibang level na ng kabusyhan ‘to.. eto ‘yung uri ng pagka abala na maipagmamalaki mo sa mga kakilala mo. hindi tulad dati.
kakambal ng pagiging abala na ‘yan ang matulin na paglipas ng panahon at hindi ko namalayan na dumaan na pala ang fathers day. ngayon na tatay na rin ako, alam ko na ang lihim na saya na mabati ka ng anak mo sa araw na ‘yun. siguro pag nabasa mo ‘to katulad din ng naging reaksyon ko ang ipapakita mo, ngingiti lang sa isang sulok ng labi, walang reaksyon pero may lihim na saya sa loob na mahirap ipaliwanag. at katulad ng ibang tipikal na entry tungkol sa araw ng mga tatay gusto ko din ilista ang mga masasayang ala ala natin nung magkasama pa tayo mula pa nung bata ako..
(more…)

putahe ng ina ko

7 Jul

mamatay na yata ako sa gutom. hindi ako magtataka kung habang nagtatrabaho ako o tumatawid sa kalsada bigla na lang akong matumba dahil sa hilo. dalawang araw na akong hindi nakakakain ng maayos. bukod sa nanay ko ang naglalaba at nagpaplantsa ng damit ko kahit naka bukod na kami, madalas sa kanya din ako kumakain ng tanghalian o hapunan. isa sa pinaka ayaw ko talagang ulam ang sopas dahil sa isang libo at isang dahilan, una na d’yan ang matindi kong paniniwala na hindi dapat inuulam ang sopas. inimbento ang sopas para sa mga taong tinatrangkaso at nanghihina naiimagine mo ba kung anong kapakinabangan nun sa isang taong tulad ko na masigla naman? hindi ka iinom ng biogesic kung hindi masakit ang ulo mo, hindi mo kailangan ng energy drink kung manonood ka lang ng tv sa bahay n’yo, at hindi mo kailangan ng tattoo kung hindi ka naman mayabang. ganun din ‘yan, hindi mo kailangan ang sopas sa pang araw araw na buhay mo. (more…)

hapunan

27 Jun

alam mo kung ano ‘yung isang bagay na nakakapag pasaya sa isang pagsasama at alam mo ba kung ano ‘yung isang bagay na nakakapag angat ng ego ng isang ama ng tahanan? ‘yung malaman mo na pinapakinggan ang boses mo, kinakailangan ang suhestyon mo maging sa maliliit na bagay lang, at ramdam mo na mahalaga na maisa tinig mo ang gusto mo.
nakatanggap ako ng text kanina habang nasa opisina ako, galing kay mrs. cabron habang nasa trabaho s’ya.
(more…)

shawarma sa tinderong nakabike, ang sarap ng pancit at ang nanay kong bastos ang bibig

14 Jun

hindi na bago sa akin ang pakiramdam na ‘yun. halos kasabay na yata ng pag idad ko ang pakikisalamuha sa panganib na ganun. napunta ako sa sitwasyon na kailangan kong magdesisyon at kailangan kong magdesisyon ng mabilis. at wala ng mas hihirap pa sa sitwasyon na ‘yun kung makikita mo ang sarili mo na nasa gitna ng kalsada. babalik ka ba sa opisina o didiretso ng lakad pauwi ng bahay n’yo? naisip ko na pwede akong sumakay ng pedicab pabalik ng opisina pero wala akong barya at malakas ang kutob ko na hindi ko na mahihintay na magbilangan kami ng sukli pag andun na ‘ko sa sitwasyon na ‘yun. naisip ko na pwede ko naman ikeep the change ang sukli, pero naisip ko na masyadong malaki ‘yun at kukulangin ako ng pamasahe pauwi. (more…)

pron

7 Jun

ginising ako ng nanay ko kani kanina lang, pinipilit n’ya akong sumama sa birthday ng tiyuhin n’ya parang reunion na rin daw dahil dun sa magkakapatid ‘yung lolo ko na lang na ‘yun ang natitirang buhay. tumanggi ako dahil unang una naiimagine ko na ang sandamukal na kailangan kong pagmanuhan dun, sangkaterbang “ah iyan na ba ‘yung bunso mo?” at “eto ang anak ko, nagtatrabaho ‘yan sa blah blah blah batugan ‘yan kaya tumaba ng ganyan at walang ginawa kundi humarap sa computer kaya bente nuwebe pa lang may highblood na” ayoko ng tao.
at isa pa, day off ko ngayon gusto ko naman gamitin ang literal na kahulugan ng tinatawag na REST day. andami kong narinig sa nanay ko, habang kumakain s’ya ng tinapay at humihigop ng kape sa lamesa namin. kesyo kung mga barkada ko ang nagyaya malamang kanina pa ako nakapaligo, kesyo magaling lang ako kung inuman ang lakad, kesyo hindi ako mapakinabangan sa mga ganung lakaran at lagi na lang s’yang mag isang representante ng buong mag anak namin pag may lakad na ganun.
hindi n’ya ako napilit. sabi ko nga di ba? isang batayan kung papano ginawang napakasimple ng buhay natin ang pag ayaw mo e di huwag.
(more…)

interes

2 Jun

nagkaron kami ng diskusyon ni mrs. cabron kagabi bago matulog. bertdey kase ng anak ng kapatid n’ya sa linggo at baka pumunta daw ng baguio, wala akong nakikitang problema dun kaya lang ang masama isinasama n’ya ako. ano ang nakikita kong problema pag sumama ako sa ganun kalayong lugar sa kanila kasama ‘yung mga bayaw ko? malaki.
(more…)

regalo

25 Feb

sa ilang malalapit kong kaibigan sa online world at sa ibang mga mambabasa kong malalakas ang pakiramdam, alam kong hindi nalihim sa kanila ang mahaba haba ding panahon na magulo at madilim ang mundong pinag dadaanan ko nitong mga nakaraang buwan dahil sa hindi namin pagkikibuan ni mrs. cabron. hindi n’yo na kailangang mahaplos pa ang lalim ng mga papagaling kong sugat na ibinunga ng ilang beses na pagko cross stitch ko ng pulso para malaman n’yo ang sitwasyon na pinagdadaanan ko, kung babasahin n’yo ang karamihan sa mga entry ko ng mga nagdaang buwan masisilip n’yo dun ang isang manunulat na alipin ng kalungkutan. isang payasong nagpapaligaya ng mga tao habang may saksak ng kutsilyo sa likod. balon na walang tubig, iced tea na walang yelo, pintong walang doorknob, motel na bawal ang short time, seksing menor de idad… ok, kalimutan n’yo na ‘yung huli.
ang totoo n’yan maayos na sana ang lahat sa amin ilang araw bago pa mag araw ng mga puso. otomatik na ‘yun e kahit sinong magkarelasyon kahit pa gaano kalaki ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan n’yang mga ‘yan at kahit pa gaano kalalim ang sakit na idinulot n’on maghihilom sa araw na iyon, nakaprogram na ‘yan. walang nakakailag sa pana ng tinaguriang sto niƱo ng pebrero. (imbento ko lang ‘yan)
magkaaway ulit kami ngayon at balik sa dati, at ang dahilan? naging maaalahanin kase ako at nag effort ako na magregalo sa kanya sa mismong valentines day. ipinagkatagu tago ko pa naman, alam ko kase na hindi din s’ya pwede dahil busy s’ya at salungat ang sked namin. andaming bayarin mula pa nung january at sa tancha ko sa march pa ‘ko makakahon sa gastusin kaya mura lang ang regalong kinuha ko, hindi s’ya kasing bango ng bulaklak at hindi s’ya kasing tamis ng chocolate pero nakakakilig din s’ya. hindi s’ya sale pero may promo s’ya.
(more…)

buhooo!

2 Feb

wala na talagang gagaling pa sa nanay ko sa paghahatid ng masamang balita.

ilang linggo pa lang ang nakakalipas, panggabi pa ako nun sa trabaho at nasa china pa s’ya para magbakasyon
ng ginising ako ng text n’ya isang tangali.

ginang cabron: jon, baka naman pwede kang magleave sa wednesday. walang susundo sa akin, uuwi ng bulacan ang kuya mo dahil patay na si mareng ine.

- biyenang babae ng kapatid ko ‘yung mareng ine at malapit sa pamilya namin ‘yun. nanay ang tawag ko dun at kakuwentuhan ko lang ‘yun nung december.

(more…)

>