huwala lang
18 Jul
ayoko talaga ng mga lutong bahay na kinukumbinasyon na magkahalo kahit hindi naman dapat talaga ganun ang luto, pakiramdam ko nalilito ang sistema ko. katulad ng adobong manok na may baboy, pancit na bihon at canton, tsaka ‘yung spaghetti na pasta ng sopas ang inilalagay. yuck!
Parang medyo katulad din na entries:

also tinolang baboy…arrrrrghhh! nasan ang pagmamahal dun?
wala kang ideya kung gaanong napakasarap namang tunay ng tinolang baboy ng nanay ko.
hahaha! pero alam mo parehas lang naman lasa. baka ako lang ‘yun. hehe
tinolang isda…hopia palaman baboy(nasanay ako na matamis ang hopia),tortang talong na inilaga ang talong at hindi inihaw..argh!! ang dami..most specially,macaroni salad..confused ako kung pang pasta sya or dessert…
Hahahhaa! pero alam mo masarap ng combination? Chicharong Bulaklak sa spaghetti!
party food na ayaw na ayaw kong makita: potato salad.
Teka ano ba yung pasta ng sopas? Di ba may ganon talaga na spaghetti? Haha.
Ah basta ako ang ayoko lang eh ISDANG MAY SABAW! NAKAKADURDUR! :))