lakbaydiwa

13 Jun

may kakayahan ang utak para labanan ang sakit pag sobra na, may paraan ang isip na pamanhidin ang sistema mo pag talagang hindi mo na kaya ang sakit. kung dumadaan ka ngayon sa sitwasyon na pakiramdam mo sobra na at hindi mo na kaya, ‘wag kang sumuko hintayin mo lang na utak mo mismo ang gumawa ng paraan. minsan nalilito tayo kung saan nanggagaling ang sakit, kung dahil ba sa taong umalis o dahil lang sa relasyong naiwan, at minsan din gusto mo ‘yung relasyon kahit hindi mo naman mahal ‘yung tao. anim na araw kang malungkot at isang araw na masaya, ayos na raw ‘yun sabi nila at least sumasaya ka naman daw ‘yung iba nga isang buwan ng malungkot hindi pa rin nakakakita ng magpapasaya sa kanila, kabobohang katwiran, bakit mo ikukumpara sa mga taong walang suwerte ‘yung sarili mo kung hindi naman imposibleng maranasan mo ‘yung nararanasan ng mga ibang pinalad na isang buong taon na puro kasiyahan lang ang nararanasan dahil kasama nila ‘yung totoong nagmamahal sa kanila? ‘wag kang makuntento sa “ayos na ‘to kesa wala” para hindi ka ituring ng iba na “ayos na ‘to pansamantala”.
lahat ng babae may naghihintay na prinsipe sa kanila pero minsan kailangan mo munang magkamali sa paghalik sa mga palaka para matagpuan mo ‘yun. lahat ng tao may katapat na magmamahal talaga sa kanila ng lubos sa isang sulok ng mundong ‘to hinihintay ka lang, kung nasa isang relasyon ka at hindi mo naman maramdaman na s’ya ‘yung taong tinutukoy ko ngayon pa lang kumawala ka na, maawa ka sa taong naghihintay sa’yo. milyong tao na ang nagsabi at sa ilang libong lengguwahe na naisalin, ‘wag kang manghinayang sa taong hindi ka naman panghihinayangan pag nawala ka..

wala sa tagal ‘yan lalo na kung alam mo naman na kaya lang kayo tumagal dahil nagpapakatanga ka.

maniwala ka, dahil sinabi ko.

RSS feed

9 Comments »

Comment by dyosah
2010-06-13 04:38:51

naniniwala ako…totoo yan.

 
Comment by prinsesa ng drama
2010-06-13 19:41:55

nakarelate ako bigla Sir Jon! hahaha.

agree ako dito! wala sa tagal yan! enough said. LOL :grinnod:

 
Comment by angel
2010-06-14 02:23:44

lahat ng babae may naghihintay na prinsipe sa kanila pero minsan kailangan mo munang magkamali sa paghalik sa mga palaka para matagpuan mo ‘yun.
:nod: totoo

 
Comment by Anonymous
2010-06-16 18:10:12

Napakahusay mo ginoo! hanga ako sa paraan ng iyong pagsulat at kakayanang magpaliwanag ng bagay-bagay na sasapul sa mga mambabasa mo.Aray!Sapul na sapul ako dito. Napakahusay po ninyo talaga! :grinnod:

 
Comment by Anonymous
2010-06-16 18:13:13

Napakahusay mo ginoo! hanga ako sa paraan ng iyong pagsulat at kakayanang magpaliwanag ng bagay-bagay na sasapul sa mga mambabasa mo.Aray!Sapul na sapul ako dito. Napakahusay po ninyo talaga! :grinnod:(Sobrang pagkasapul ko nakalimutan kong ilagay kung sino ako. :lol: )

Comment by Jon Cabron
2010-06-16 19:01:47

naniniwala ako sa sinabi mo dahil dalawang beses mong sinabi ‘yun.

pwede kitang pakasalan kung babae ka. ..sinasabi ko lang naman.

Comment by akosikulay
2010-06-16 19:49:56

Babae po ako!Ginoo, hangang hanga po talaga ako.Pakasalan?Sinabi rin po iyan ng palakang hinalikan ko.Ay!Paumanhin! :grin:

(Comments wont nest below this level)
Comment by Jon Cabron
2010-06-17 13:24:51

.. at dahil hindi nga patas ang mundo, madalas kinakailangan mo talagang humalik sa isandaang palaka at mabigo bago mo matagpuan ang prinsipeng para sa iyo.

 
Comment by akosikulay
2010-06-17 14:48:55

Ayos!Nakahanda na po ako sa siyamnapu at siyam pa!

 
 
 
 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>