‘yung mga kabataang nakaputing tshirt, lawlaw na pantalon, tapos kalbo

28 Jan

alam mo eto sa totoo lang, nakakatakot nang maglalabas ng bahay ngayon sa mga panahon na ‘to. bakit? dahil sa dami ng mga tatanga tangang kabataan na umiidulo kay jason ivler. nakita mo na ba ‘yung fan page n’ya sa facebook? nabasa mo ba ‘yung mga komento ng mga kabataan? ‘yung mga “ang gwapo mo jason, sana sa amin ka na lang nagtago” , “idol magpagaling ka tapos tumakas ka d’yan resbakan mo sila”, “idol pag yumaman ako itatakas kita d’yan tirahin natin lahat ng umaapak sa atin” hahaha tangena n’yo! eto ang hirap sa ating mga pinoy, ke sumikat ka dahil pumatay ka ng tao o sumikat ka dahil namaril ka ng pulis, kumain ng tae, o lumunok ng piso astig ang tingin sa’yo ng mga kabataaan, sikat ka eh.
nung nakita ko sa facebook ‘yan kanina akala ko maliit na bagay lang pero habang nasa jeep ako pauwi, may sumakay na binatilyo.. nakaputing tshirt, lawlaw na pantalon, kalbo, at may nakasinding yosi sa bibig. pagupo n’ya sa jeep tinitigan n’ya lahat isa isa ‘yung mga kasakay n’ya pati ako. lumaban ba ako ng titigan? tangena, s’yempre hindi. bakit? dahil malamang papatayin ako ng taong ‘yun dahil kakapanood n’ya lang kay jason ivler kagabi. sa labas ng jeep sa maynila, lahat ng kabataan na nakatambay pakiramdam mo naghihintay lang ng away, lahat handang makipagsagupaan. taragis, napapaligiran na tayo ng mga kabataang pahiphop hiphop at hindi natatakot manakit ng tao, lahat ng kabataang tambay mala jason na. at alam mo kung sino ang nakikinabang sa pagkakataong ‘to? ‘yung mga barbero sa barberya sa dami ng nagpapakalbong kabataan ngayon. buti na lang din last day ko na ng panggabing shift kanina, ayoko ng maglakad sa kalsada ng gabi, nakakatakot. hindi naman sa duwag o ano dahil ano naman ako e, ahhhm sa totoo lang handang mamatay.

yeah men.




Parang medyo katulad din na entries:

  1. lola na lumuwas ng maynila kasama ‘yung apo n’ya na pamasahe papunta lang ang bitbit at hindi man lang sila nasabihan na nakalipat na pala ng tirahan ‘yung kamag anak na pupuntahan nila kaya wala na silang pamasahe pauwi ng probinsya

RSS feed

5 Comments »

Comment by lambing
2010-01-28 14:01:37

nakakatakot nga :nod:

iniidolo pa yun mga ganong klase ng tao.. haizzz iba na talaga ang panahon ngayon :no:

 
Comment by ann
2010-01-28 18:35:41

nyaahahaha..!!! tgal ng uso yng gnyang porma pro di ko akalain n yng mga gnyang porma pla dpat ktakutan..heheheh!!! :grinnod:
pnahon p lng n Ivler s TGIS, nkikita ko n nun n may pkasinto sinto un :lol: ooppppsss sori s mga ng iidolo s knya

 
Comment by carelesshush
2010-01-28 20:42:33

korek! ang mga kabataan ngayon wala ng pinipili..tsk tsk tsk. e kun si jon cabron na lang sana idolohin nila. mas asteeeg diba? nyahahahahah

 
Comment by Ate Sienna
2010-01-30 01:24:30

QUE BARIBARIDAD!!!!

 
Comment by boi
2010-01-31 21:48:56

ano daw po un ate sienna?

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>