katitian

25 Jan

at kahit gaano pa kapait ang naging dahilan ng paghihiwalay n’yo, kahit gaano pa kaganda ang pinagdaanan na nauwi din sa wala dadating pa rin minsan ang pagkakataon sa inyo matapos ang mahabang panahon na hindi n’yo maiiwasan.. ang pagkakataong magusap at dalawa lang ang posibleng kalabasan ng paguusap na ‘yun. manumbalik ang dating pakiramdam o maibigay ang closure na matagal mo ng hinihintay.
may kung ilang taon din kaming nawalan ng komunikasyon matapos ang hindi masyadong magandang paghihiwalay na ‘yun. dati kahit papano may mga naririnig pa rin akong balita patungkol sa kanya galing sa mga kaibigan namin hanggang sa dumalang ng dumalang. basta ang huli kong balita, nasa ibang bansa na raw s’ya at may asawa na.
nagulat ako ng nakatanggap ako ng email mula sa isang pamilyar na pangalan. tungkol daw ito sa reunion namin sa katapusan ng january, may isang kaklase daw ng highschool ang nagbigay ng email address ko sa kanya dahil ako daw ang nakakaalam ng mga detalye sa reunion na ‘yun. hindi nakaligtas sa mga mata ko na pangalan pa rin n’ya nung dalaga pa s’ya ang ginagamit n’ya. matapos ang ilang palitan ng mensahe at detalye, nagpasya akong ibigay ang YM id ko sa kanya, para mas mabilis. real time.
mas naging mabilisan ang palitan namin ng impormasyon sa YM. sakto daw ‘yung reunion dahil paalis na rin s’ya pabalik ng ibang bansa sa kalagitnaan ng susunod na buwan. kamusta na raw ako, mabuti naman ako at mabuti din naman daw s’ya, masaya, at hiwalay sa asawa. madami pa kaming napagusapan na walang kinalaman sa gaganaping reunion, medyo personal ang iba pero masaya ako na walang sumbatang naganap. may mga pahaging na usapang mapapadako sa kumbinasyon ng alak at betsin pero kung hindi ako, s’ya na rin ang naglilihis ng usapan. siguro nga, kahit papano napatawad n’ya na rin ako.
madami pa kaming napagusapan. kamusta na ang nanay ko, ayos naman. at ang tatay n’ya gago pa rin. hanggang sa bigla na lang pumasok sa isip ko na unti unti ng nawawalan ng buhay ang usapan at nawalan ako ng kontrol naramdaman kong malapit na s’yang bumitaw sa usapan. at sa desperado kong pagtatangka para sumubok bigyan ng hanging mahihinga ang usapan hindi ko alam kung saan nanggaling basta naitanong ko lang sa kanya kung nanonood s’ya ng PBB, alam ko wala akong kwenta. oo daw. tinanong ko kung kilala n’ya si rocky salumbides ‘yung girlfriend ni amor powers. oo daw ulit. nararamdaman ko na nasa mga kamay ko na ang panibagong buhay ng usapan, eh nakita mo na ba ‘yung hubong picture ni rocky?

Jon: ang liit no?
Ex: ganyan naman talaga pag malambot ‘di ba? tsaka mas malaki pa nga ‘yan kesa sa’yo.
Jon: … hindi ako artista.

RSS feed

9 Comments »

Comment by kuting
2010-01-25 08:17:00

hahahahah, napatawa talaga q ng bongga…Ü nakita q na ung pic na yan ng buong buo..Ü at nagulat aq sa nakita q..Ü matas lang cguro expectation q..Ü isa lang ibig sabihin nian, hindi lahat ng artista/model eh, malaki ang chever..Ü tsaka wala naman sa laki o liit un, nasa performance pa rin un….Ü

Comment by Jon Cabron
2010-01-26 23:36:08

hmmm ako lang ba o talagang tinotonohan mo ‘ko ng posibilidad ng isang relasyon sa pagitan natin?

Comment by kuting
2010-01-27 21:33:17

hahahaha, naq mr. cabron wala akong ganong ibig sabihin, nag comment lang aq ng bongga..:) pero pedeng totohanin..:)

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by ethel
2010-01-25 15:15:58

ampf! kase kase.. pag may titi tlga sa taytol ay napapabasa ako. hmpf! weno nemen kung maliit? :roll:

Comment by Jon Cabron
2010-01-26 23:37:13

parang eto ding akin ‘yan.. e ano naman kung maliit di mo naman matitikman!

 
 
Comment by boi
2010-01-25 18:01:23

wahahahahaha…solve ang mga virgin jan pare..

Comment by Jon Cabron
2010-01-26 23:38:30

ahhhm nadidiri akong isipin kung papano ka nadevirginized ng maliit, sir.

 
 
Comment by antuken
2010-01-26 21:00:31

crap. ansakit naman magsalita ng ex mo. hehehe. at i agree with kuting. nasa performance. hehehe. although, hindi rin masama kung malaki. hehe.

Comment by Jon Cabron
2010-01-26 23:39:18

parang niroller coaster mo ang ego ko sa mga pinagsasabi mo

 
 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>