deja vu

21 Jan

late ako kaninang dumating sa opisina, bali kagabi ‘yun dahil kakauwi ko lang ngayon galing sa panggabing shift. nasiraan ‘yung bus na sinasakyan ko sa mismong kalagitnaan ng skyway. ganda pa naman ng katabi ko. kung kelan nahuhuli ko s’yang tumitingin sa akin at kung kelan sinasadya ko ring mahuli n’ya akong nakatingin sa kanya. sabi nung kunduktor baba daw muna lahat ng pasahero ayaw daw pumasok ng clutch ng sasakyan, hihintayin pa daw ‘yung susunod na kaparehong bus tapos dun daw kami ililipat o kaya kung may nagmamadali daw at tyempong may dumaan na kalabang bus at tumigil sa tapat namin, ipakita lang daw namin ‘yung tiket namin sa kanya tapos irerefund n’ya daw ‘yung pamasahe lumipat na lang daw kami dun. hindi ako umalis sa kinauupuan ko hanggat hindi ko nasigurado na bababa na ‘yung babaeng katabi ko. umiling ako nung nagkatinginan kami, ngumiti s’ya tapos bumulong ng “malas”. sabay kaming bumaba. pinanonood ko ‘yung kunduktor at drayber habang magkatulong nilang kinukumpuni ‘yung bus, nasa tabi ko ‘yung babae nagtetext.
maya maya may dumaang bus na iba ‘yung tatak, pinara ng kunduktor namin nagusap sila saglit ng kunduktor sa kundukor maya maya sumigaw s’ya sumakay na raw ‘yung nagmamadali, tayuan nga lang. nag unahan sa pagsakay ‘yung ibang kasakay namin kanina, lumingon ako sa kanya tapos tumingin s’ya sa akin.. naiwan kaming dalawa tsaka may walo pang ibang pasahero sa skyway. binilang ng kunduktor namin ‘yung nabawas at sumakay sa kabilang bus, nagusap sila ulit ng kunduktor sa kunduktor may inabot s’yang pera tapos umalis na ulit ‘yung bagong dating na bus.
anlamig ng hangin, nakakainip ‘yung susunod na bus. naiinip na ‘yung ibang kasakay namin kanina na mga nagpaiwan din katulad namin, nagtetext pa rin ‘yung babae sa tabi ko, at pinapanood ko pa rin ‘yung kunduktor at drayber ng bus. nagtext ako sa supervisor na male late ako tapos sinabi ko ‘yung dahilan. pag angat ng ulo ko kausap na nung babae ‘yung kunduktor, kinukuha n’ya ‘yung bayad n’ya lalakarin n’ya na lang daw hanggang baba tapos dun s’ya magaabang ng bus na galing sa ibaba. kinuha ko din ‘yung bayad ko, sabay kaming naglakad. sa isip ko anlayo pa, halos hindi ko matanaw ‘yung dulo ng kalsada. anlamig ng hangin, nakakatakot ‘yung mga ibang sasakyan na nakakasabay namin at nanggagaling sa likod. pinarinig ko sa kanya ‘yung malakas na bulong ko “malas” hindi s’ya kumibo pero tinignan n’ya ako. medyo malayu layo na ‘yung nalalakad namin maya maya tumigil s’ya, hindi ako nagpahalata pero binagalan ko ang lakad ko naiwan ko s’ya ng mga ilang hakbang , pagtingin ko sa likod ko pabalik na s’ya sa bus na pinanggalingan namin. hindi pa rin umaandar ‘yung bus at wala pa din namang paglilipatan na sasakyan, siguro napagod na lang s’ya at sumuko dahil alam n’yang malayo pa ‘yung lalakarin namin. nahiya na akong sundan s’ya, pinangatawanan ko ‘yung paglalakad kahit mag isa na lang ako. malamig pa rin ‘yung hangin at mas lalong naging delikado ‘yung mga sasakyan sa likuran ko dahil mag isa na lang ako. tatlong bus siguro ‘yung lumagpas sa akin bago ako nakarating sa dulo at hindi ko alam kung nakasakay na s’ya sa isa dun.

.. naalala ko ‘yung girlfriend ko dati.

RSS feed

14 Comments »

Comment by etchosera
2010-01-21 11:58:15

ok lang na nalate ka kung nakuha mo sana ung name at number ng babae na kasabay mo :)

Ano nman kaya ang naalala niya sa gf nia dati? :)

Comment by Jon Cabron
2010-01-23 23:48:37

welcome to my blog, virgin.

 
 
Comment by Rian Marley
2010-01-21 12:03:48

:| awwww

Comment by Jon Cabron
2010-01-23 23:49:43

:sad:

 
 
Comment by carelesshush
2010-01-21 20:50:39

ay sabi nga BETTER LATE THAN LATER :grin:

Comment by Jon Cabron
2010-01-23 23:50:14

hmmmkei

 
 
Comment by chyng
2010-01-22 04:16:55

yari kay mrs.cabron! haha

bakit floral pink ang new layout? Ü

Comment by Jon Cabron
2010-01-23 23:47:38

dahil ang pink ay pag ibig… ok, wala akong batayan sa sinabi ko na ‘yan

 
 
Comment by ann
2010-01-22 18:02:16

uhummm c mr. cabron prang dming EXs :nod: playboy ata ah.! hehe :P
kakacurious k tlaga…mukhang npaka misteryo ng pgkatao mo :wink:

Comment by Jon Cabron
2010-01-24 00:00:03

seryoso, parang ikaw na lang sa buong mundo ang gumagamit ng salitang “playboy” ahhhhm naisip ko tuloy na parang tiyahin na siguro kita.

Comment by ann
2010-01-26 09:43:54

cguro nga mr. cabron :grinnod: :lol:

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by ethel
2010-01-24 14:31:33

wala ka pa rin kupas G.Cabron sa pagsusulat mo. bahagi na tlga to ng pagkatao mo. uyy nakita ko yung pibertdei pics mo. nice.

pasulpot sulpot lang ako dito. nakikidaan lang din. anyway nice layout, di ako fan ng pink pero bagay din naman sayo kahit di pa kita nasilayan nang personal *ehem walang ibig sabihin un*

keep it up! :wink:

Comment by Jon Cabron
2010-01-25 02:23:17

keep it up… :roll:

Comment by ethel
2010-01-25 15:21:04

may pa-roll my eyes ka pa dyan. sos.

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>