Archive | January, 2010

tanong sagot 6

31 Jan

mga tanong na sinagot.
formspring.me/joncabron

T. pakyu ka bakit ang dami mong alam?haha

S.
lahat tayo henyo at mga mangmang, depende sa pinaguusapan.

T.
ano na ngyari sa plano mo pa dubai?

S. tuloy yun.

T.
totoo bang 3 inches lang yan? o mas maliit pa?
(more…)

adik ka ba?

30 Jan

may isang batayan akong naisip kung papanong mapapatunayan na  hindi talaga patas dito sa pilipinas. naisip ko lang,
pag ang mga babae ipinamukha mo sa kanya ‘yung pagiging mahina n’ya, magagalit ang mga feminista at maghuhurementado ang gabriela. (more…)

‘yung mga kabataang nakaputing tshirt, lawlaw na pantalon, tapos kalbo

28 Jan

alam mo eto sa totoo lang, nakakatakot nang maglalabas ng bahay ngayon sa mga panahon na ‘to. bakit? dahil sa dami ng mga tatanga tangang kabataan na umiidulo kay jason ivler. nakita mo na ba ‘yung fan page n’ya sa facebook? nabasa mo ba ‘yung mga komento ng mga kabataan? ‘yung mga “ang gwapo mo jason, sana sa amin ka na lang nagtago” , “idol magpagaling ka tapos tumakas ka d’yan resbakan mo sila”, “idol pag yumaman ako itatakas kita d’yan tirahin natin lahat ng umaapak sa atin” hahaha tangena n’yo! eto ang hirap sa ating mga pinoy, ke sumikat ka dahil pumatay ka ng tao o sumikat ka dahil namaril ka ng pulis, kumain ng tae, o lumunok ng piso astig ang tingin sa’yo ng mga kabataaan, sikat ka eh.
nung nakita ko sa facebook ‘yan kanina akala ko maliit na bagay lang pero habang nasa jeep ako pauwi, may sumakay na binatilyo.. nakaputing tshirt, lawlaw na pantalon, kalbo, at may nakasinding yosi sa bibig. pagupo n’ya sa jeep tinitigan n’ya lahat isa isa ‘yung mga kasakay n’ya pati ako. lumaban ba ako ng titigan? tangena, s’yempre hindi. bakit? dahil malamang papatayin ako ng taong ‘yun dahil kakapanood n’ya lang kay jason ivler kagabi. sa labas ng jeep sa maynila, lahat ng kabataan na nakatambay pakiramdam mo naghihintay lang ng away, lahat handang makipagsagupaan. taragis, napapaligiran na tayo ng mga kabataang pahiphop hiphop at hindi natatakot manakit ng tao, lahat ng kabataang tambay mala jason na. at alam mo kung sino ang nakikinabang sa pagkakataong ‘to? ‘yung mga barbero sa barberya sa dami ng nagpapakalbong kabataan ngayon. buti na lang din last day ko na ng panggabing shift kanina, ayoko ng maglakad sa kalsada ng gabi, nakakatakot. hindi naman sa duwag o ano dahil ano naman ako e, ahhhm sa totoo lang handang mamatay.

yeah men.

hindi ko gustong sa ganyang pagkakataon mo ako unang masilayan

26 Jan

syet! wala akong gel nun at paki unawa naman na magdamagan ang skedyul ko tapos wala pang kuryente kanina sa bahay kaya kulang kulang na talaga ‘yung tulog ko tapos kakatapos lang ng pasko at bagong taon kaya normal lang naman siguro talaga na medyo nagdagdag ng timbang ang mga tao di ba? (more…)

katitian

25 Jan

at kahit gaano pa kapait ang naging dahilan ng paghihiwalay n’yo, kahit gaano pa kaganda ang pinagdaanan na nauwi din sa wala dadating pa rin minsan ang pagkakataon sa inyo matapos ang mahabang panahon na hindi n’yo maiiwasan.. ang pagkakataong magusap at dalawa lang ang posibleng kalabasan ng paguusap na ‘yun. manumbalik ang dating pakiramdam o maibigay ang closure na matagal mo ng hinihintay.
(more…)

deja vu

21 Jan

late ako kaninang dumating sa opisina, bali kagabi ‘yun dahil kakauwi ko lang ngayon galing sa panggabing shift. nasiraan ‘yung bus na sinasakyan ko sa mismong kalagitnaan ng skyway. ganda pa naman ng katabi ko. kung kelan nahuhuli ko s’yang tumitingin sa akin at kung kelan sinasadya ko ring mahuli n’ya akong nakatingin sa kanya. sabi nung kunduktor baba daw muna lahat ng pasahero ayaw daw pumasok ng clutch ng sasakyan, hihintayin pa daw ‘yung susunod na kaparehong bus tapos dun daw kami ililipat o kaya kung may nagmamadali daw at tyempong may dumaan na kalabang bus at tumigil sa tapat namin, ipakita lang daw namin ‘yung tiket namin sa kanya tapos irerefund n’ya daw ‘yung pamasahe lumipat na lang daw kami dun. (more…)

tanong sagot 5

21 Jan

mga tanong at tugon.
formspring.me/joncabron

T. matagal na akong lurker ng blog nato pero wala pa akong nakikita na pix ni mrs cab. (more…)

tnay na lalake

18 Jan

mga kabataan, kelan kayo matututo.

“bigyan mo nga ng site dyan,,pampa himbing ng tulog, yung alam mo na,,site ng mga tnay na lalake”

(more…)

proseso

18 Jan

sa isang relasyon na nabuo at nabuhay sa online world hindi porke’t ayaw n’yo na sa isa’t isa ganun na lang ‘yun. may mga batas ‘yan na dapat sinusunod bago n’yo masabing talagang tapos na ang lahat. bago kayo makipag relasyon sa iba o bago n’yo ipagpatuloy ang buhay n’yo na mag isa na lang kayo kailangang pagdaanan n’yo muna ito, walang pinagkaiba pag kinasal kayo sa totoong mundo hindi porke’t hindi na kayo magkasundo e ayaw ayawan na, (more…)

buhai

16 Jan

kakaiba sa akin ang pakiramdam na ‘to dahil  ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. parang hindi ako, ewan ko pero sobrang positibo ang tingin ko sa taon na ito. hindi ordinaryo sa akin ‘yung ganito na pag lumalabas ako ng bahay ang gaan ng pakiramdam ko. parang lahat ng bagay at sitwasyon pag tinitignan ko ibang mata na ‘yung ginagamit ko, lahat ng sitwasyon otomatik na nahahanapan ko na ng kapositibuhan. siguro nga dahil sa taon na ‘to trenta na ako nag iba na ‘yung anggulo ng tingin ko sa mundo, sabi nga kahit ‘yung basong may basag sa labi pag tinignan mo ng ibang anggulo makikita mo rin ‘yun ng buo. (more…)

>