maniwala ka, alam ko.

1 Dec

naaalala mo ‘yung palagian kong sinasabi dati na “maniwala ka dahil sinabi ko?”
naaalala mo nung sinabi ko dati na walang tao na maglalagay ng tatlo o higit pang tuldok sa hulihan ng pangungusap n’ya kung wala s’yang nakatagong mensahe sa sinasabi n’ya? napatunayan naman natin na totoo ‘yun di ba? maniwala ka dahil sinabi ko.
habang nasa bus ako nung isang gabi, isang bagay ang naisip ko at katulad ng dati siguradong sigurado ako na tama ako dun sa naisip ko na ‘yun. simple lang ang hamon, papatunayan ko sa lahat na hindi nagbibigay ang mga babae ng atensyon sa mga simple at inaakala nilang maliliit na bagay lang.
simple lang ang tanong,
ano ang pangalan ng barko na sinakyan ni simoun sa pagsisimula ng el filibusterismo?
ilalaban ko ng kung ano man na walang babae ang nakakaalam n’yan. ayaw mong maniwala?

1. b

2.
4

3. c

4. d

5.
f

mandaraya, at sinubukan pa ako..

g

at ang pinaka safe na answer sa lahat..

h

.. maniwala ka dahil sinabi ko.
walang babae ang nakakaalam ng sagot sa tanong na ‘yan, kung meron man nandaya.
maniwala ka, alam ko.

update:
oo na, para sa patas at walang kinikilingan na pagba blog.
sa kasamaang palad, may nakasagot

i

at isa lang ang ibig sabihin n’yan.
may TSAMBA din na tinatawag ang ilang babae.
maniwala ka, bakit?  alam mo na kung bakit.

last na UPDATE
alam n’ya raw talaga ‘yan dahil nakikinig daw s’ya nung second year high school s’ya.
ayoko ng maga ano pa pero gusto ko lang klaruhin na ang el fili e pang fourth year at florante at laura sa second year. ayokong sabihin na nandaya s’ya o ano at ayoko din sabihin na naniniwala ako na ampatuan ang may gawa nung masaker sa maguindanao.

RSS feed

28 Comments »

Comment by Jon Cabron
2009-12-01 12:09:47

at kung magko comment ka dito ng tamang sagot sa tanong na ‘yan. tumigil ka.

 
Comment by angel
2009-12-01 12:14:53

hindi mo ko na ym dyan, favorite ko pa namang subject yung rizal :roll:

Comment by Jon Cabron
2009-12-01 12:19:03

papano invisible woman ka :|

 
 
Comment by Liz Velasco
2009-12-01 12:33:55

sino ba yang mga babaeng yan at di alam ang sagot sa tanong na yan???

Comment by Jon Cabron
2009-12-01 12:40:33

ewan ko ba sa mga yan haha

 
 
Comment by binx
2009-12-01 12:55:02

dapat ba akong mahiya at kitang kita ang pangalan ko dto? :roll:

Comment by Jon Cabron
2009-12-01 12:56:58

hindi, ang ibig sabihin lang normal na babae ka. :)

 
 
Comment by ana banana
2009-12-01 12:58:47

FYI… inde yun tsamba, talagang 2nd year pa lang ako alam ko na yun…. hahaha
Best in Filipino :lol:

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:28:49

ohhhhhhhmkei

 
 
Comment by jen
2009-12-01 13:05:38

parang ang yabang nung ana :lol: just my thought’

overheard : fave subject nya yan, how true :no:

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:28:33

pagkeyabang yabang nga

 
 
Comment by geraldine
2009-12-01 18:00:25

semi-normal ako? pero yung noli at fili ko ay nasa bookshelf namin sa sala, kasama ang mga lord of the rings at iba pang mga libro. normal ba na idispley yun? haha

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:28:14

nerd

 
 
Comment by Pryss
2009-12-01 23:07:46

yung tinola alam ko talaga..pero yung bapor parang about tabo nga..i can still remember kasi katapos ko lang highschool hehehe lolz..

Comment by Pryss
2009-12-02 21:07:20

naalala ko pa nga na nabadtrip si damaso kasi pakpak napunta sa kanyang part..eh di pa uso ang steroids nun kaya payatot yung part nya..asar daw..

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:27:54

wow tama! ang galeng! .. at ang ibig kong sabihin ng salitang “ang galeng” e magaling kang mag google. nice.

(Comments wont nest below this level)
 
Comment by Saminella
2010-02-11 14:10:55

ang pagkakaalala ko eh leeg yung napunta sa kanya. huweleleng. at @joncabron alam ko na bapor tabo yan, so hindi ako babae? :(

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by popoy
2009-12-02 14:20:53

may putok yung titser namin sa noli at el fili nung highschool kaya hindi ko natandaan yung mga yan.

mahilig din kasi syang sumayaw ng chacha kapag papasok sya sa room namin kasi after ng class nya eh Values Education namin kung saan nageefort kami sa mga drama drama at kung ano pang pakulo. eh ayun sya di na nagtuturo puro syaw inatupag. patay na si mam ngayon sana nagbaon sya ng tawas sa langit. :|

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:26:41

ako naman nakaka el yung teacher ko sa noli kaya wala akong naintindihan masyado, patapos na ‘yung libro nung may naintindihan ako dahil may nagsubtitute sa kanyang teacher na matanda dahil nabuntis s’ya.. isa sa mga una kong kabiguan sa pag ibig ‘yun… haaays

 
 
Comment by lambing
2009-12-03 15:54:18

bwahahaha ang galing galing talaga ni ana wohoooo

pero nun second year daw bwahahah patay tayo dyan…

ahmmm pero hindi ko din alam ang answer.. anu ba?? :blush:

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:25:13

dahil isa kang normal na babae, and dat is wai

 
 
Comment by ate sienna
2009-12-05 00:59:26

alam mo, come to think of it, parang gusto ko ngang basahin ulit ang noli at fili. baka ngayon na mas matanda na ako, mas ma-appreciate ko na sya.

i lab ging talaga! hehehehehe

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:24:47

bibili ako ng el fili ulit bago magpasko. isa sa mga una kong paboritong libro ‘yan

 
 
Comment by chyng
2009-12-05 06:53:10

ang hirap na tanong ha. at nawala ako sa gusto ko dapat icomment! haha

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:23:54

mahirap na tanong para sa isang babae

 
 
Comment by joshmarie
2009-12-05 17:48:52

nyahaha.familiar sakin yung tanong. prang nabasa ko sa isang thread sa plurk.:)) :grin:

Comment by Jon Cabron
2009-12-06 12:23:12

lols @ plurk

 
 
Comment by antuken
2009-12-07 21:50:49

baket kami 2nd year din ang el fili. freshman ang noli namin e. hindi namin napag-aralan ang florante at laura. (i know, hindi normal ang hs na pinanggalingan ko, hehe)

pero dahil isa yan sa mga hindi ko gustong subject, at laging dun lang kami sa nabibiling guide booklet nagba-base ng mga sagot ng mga tinatanong ng teacher namin, hindi ko rin alam ang sagot. hahaha.

aber, sino naman sa mga lalaki ang natanong mo sa survey mo at alam ang sagot? i’m sure wala rin. hehe.

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>