sink or swim

26 Nov

alam mo ‘yung sitwasyon na para kang nasa kalagitnaan ng isang malalim at malawak na dagat? wala kang mahihingan ng tulong, walang malalapitan at walang makakapitan.
hahayaan mo bang lumubog ang sarili mo at papabayaang unti unti kang lamunin ng lalim ng dagat o susugal ka ba sa paglangoy at magbabakasali na mailigtas mo ang sarili mo kahit sa tingin mo imposibleng laban ‘yun.
isa daw sa pinaka brutal na paraan ng pagkamatay ang pagkalunod, kusang gagalaw ang katawan mo para labanan ang unti unting pagpasok ng tubig sa baga mo hanggang kusa n’ya din isusuko ang sistema mo pag hindi n’ya na nakayanan, pero hanggang dun lang ‘yun dahil mas mauunang magcolapse ang utak mo kesa ang vital organs mo. pag nangyari ‘yun wala ka ng mararamdamang sakit o hirap, payapang kamatayan pa rin kung tutuusin.  hindi rin naman sobrang mali ‘yung piliin mong kusang ilubog ang sarili mo kung alam mong wala ng pag asa na naghihintay sa’yo kung lalangoy ka pa, tipong para matapos na lang lahat.
at hindi din naman puro positibo ang pagsubok lumangoy at isugal ang sarili mo dahil papano kung nagsasayang ka lang pala ng oras at lakas
at sa kahuli hulihan, dun din pala ang bagsak mo sa gitna ng dagat?
natatakot akong baka masayang lang ang lahat,
katulad ng takot ko kung ano ang naghihintay sa akin sa pinakailalim ng dagat.
madalas nililinlang lang tayo ng pagkakataon,
ang totoo n’yan madalas, wala din naman tayo talagang pagpipilian.

RSS feed

10 Comments »

Comment by iya
2009-11-26 13:51:19

nadepress naman ako

Comment by Jon Cabron
2009-11-27 19:28:58

:sad:

 
 
Comment by MINE
2009-11-26 16:38:42

nu daw??? :D
eka lang, tym pers,

iba kc yung pagsuko sa isang bagay na alam mong sa umpisa pa lang eh walang kakahinatnan kesa sa pagsuko na dahil lang sa pagod ka na lumaban kahit alam mong may kapupuntahan, napakahirap nga lang.

” the serenity to accept the things i cannot change, the courage to do the things i can and the wisdom to know the dif’rence” ….

P.S.
tigilan mo na kc yang pambababae mo ng di ka naglalalim laliman jan. isa lng nmn ang gus2 mo talgang malalim eh… cleavage!!! :p :lol:

Comment by Jon Cabron
2009-11-27 19:29:54

pakibalik ang ilang segundo kong nasayang sa mga pinagsasabi mo. tnx

 
 
Comment by ann Subscribed to comments via email
2009-11-26 17:08:30

lalim nman ng gusto mong ipahiwatig kung meron man po..! :|

Comment by Jon Cabron
2009-11-27 19:35:12

th_Nom5161091.gif

 
 
Comment by popoy
2009-11-27 15:47:38

nalunod ako sa entri na to. di ko kinaya ang lalim :|

Comment by Jon Cabron
2009-11-27 19:37:52

‘di mo man lang tinangkang lumangoy :no:

 
 
Comment by babydoll Subscribed to comments via email
2009-11-29 00:18:35

ride the wave and flow…

with me’

No? K. :no:

 
Comment by Lyzius
2009-11-29 20:10:21

love life… i suppose…

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>