sampung tips para sa ikaliligaya ng buhay pagibig

17 Nov

ikaw ba ay isa sa milyong tao na nasa loob ng isang  relasyon na pakiramdam mo ay nasa huling hininga na? isa ka ba sa nanghihinayang na lang o talagang ayaw lang bumitaw at naguguluhang nagiisip ng paraan kung papano maisasalba ang relasyon na ‘yan? o ikaw ba ay nasa kabilang grupo naman ng nilalang na ang hangad ay lalo pang mapabuti ang isang relasyon? pwes, magbasa ka. importante ‘to.

1. resolbahin ang problema bago matulog -  ‘wag mong itrato ang problema sa isang relasyon na katulad lang ng sakit ng ngipin na pag itinulog mo baka sakaling maging maayos na kinabukasan.
2. komunikasyon – iwasan mong magpalipas ng dalawa o higit pang araw na wala kayong komunikasyong dalawa. ‘wag mo s’yang sasanayin na hindi ka nakakausap dahil baka dumating ang araw na pag naghiwalay kayo magkikibit balikat na lang s’ya na parang wala lang.
3. tiwala – mahalin mo ang iyong pinagkakatiwalaan at pagkatiwalaan mo ang iyong minamahal.
4. pasensya at pang unawa – para hindi maubos ang pasensya mo sa karelasyon mo.. ‘wag laging pasensya ang gamitin mo sa kanya subukan mo rin yung “pang unawa”
5. bukas na isip – dapat mong malaman na kahit pa s’ya daw ang kapitan ng sarili n’yang barko, may mga pangarap at pangako pa din na hindi n’ya matutupad. nakadepende sa hangin at alon pa rin ang lahat at dapat mong malaman na walang nananalo sa kumbinasyon ng dalawang ‘yun.
6. kalayaan at karapatan – kalayaan na sabihin ang nararamdaman mo at karapatan n’yang isaboses ang naiisip n’ya. kung ayaw mo sabihin mo, kung gusto mo iparamdam mo. dalawang bagay ang kalimitang pinagsisisihan sa isang nasirang relasyon. una, ‘yung mga bagay na kung hindi mo sana kinimkim sa loob mo hindi sana maiipon at lilikha ng ganun kalaking pinsala nung sumabog na at pangalawa, ‘yung mga bagay na sana isinatinig mo na bago pa matapos ang lahat, bago ka pa mawalan ng oras at pagkakataon.
7. paalala – pudpurin mo ang dila mo o hayaan mong mabura ang letra ng keyboard mo kakapaalala sa kanya kung gaano mo s’ya kamahal. idikdik mo sa kukote n’ya ‘yan!
8. pagpaparamdam – itrato mo s’yang sanggol at dedede s’ya sa ‘yo.
9. hahaha – pasensya na wala lang talaga akong maisip na.
10. mga dapat – dapat pala sinabi ko na lang nung una pa lang na pito lang ‘yung tips ko, hindi sana ako naobliga kumumpleto ng sampu.

at sa huli.
‘wag kang matakot magmahal at masaktan, ‘wag kang matakot mabuhay at matuto.
bubuhayin ka ng pagmamahal at tuturuan ka ng kabiguan, ‘wag kang mag alala
hindi ka malulugi.




Parang medyo katulad din na entries:

  1. survival tips for newbies
  2. isang munting payo para sa mga kababaihan
  3. buhay
  4. buhay online
  5. tae ng buhay to

RSS feed

32 Comments »

Comment by chyng
2009-11-17 23:40:51

yung #9 ang sinasabuhay ko!

Comment by Jon Cabron
2009-11-18 17:31:45

:(

 
 
Comment by carelesshush
2009-11-18 00:41:59

hehe..isheshare ko toh sa facebook ha :D
may friend lang akong siguradong makakarelate! hehe

Comment by Jon Cabron
2009-11-18 17:32:00

go

 
 
Comment by aling baby
2009-11-18 01:58:40

hehehe…
tamang-tamang mga tips.
natawa ako dun sa #10 :lol:

Comment by Jon Cabron
2009-11-18 17:32:19

salamuch

 
 
Comment by rbsoriano Subscribed to comments via email
2009-11-18 07:50:53

natumbok mo! :nod:

Comment by Jon Cabron
2009-11-18 17:32:32

yehes!

 
 
Comment by Saminella
2009-11-18 08:11:47

tinamaan ako sa 6 at sa huling phrase.

Comment by Jon Cabron
2009-11-18 17:32:48

cyberhug? no? k.

 
 
Comment by popoy
2009-11-18 08:51:58

isa sa mga entries mong seryoso. medyo seryoso. pero oo tama lahat ng nilista mo sir. for sure ginagawa mo ito kay Mrs. Cabron ano?

sana meron ding sampung lista kung paano mapapanatiling masaya ang buhay pag-ibig ng isang single. di pwede? k. thnxbai.

Comment by Jon Cabron
2009-11-18 17:34:02

ginagawa ko? ahhhm hindi ako nagbabasa ng blog ko e haha
also, hindi na kailangan ng sampung lista kung papano mapapanatiling masaya ang buhay ng isang single, isa lang… SALTIK!

 
 
Comment by Bins Subscribed to comments via email
2009-11-18 10:21:27

repost ko to master cabron

Comment by Jon Cabron
2009-11-18 17:34:30

no prob, boss :wink:

 
 
Comment by MINE
2009-11-18 15:58:23

tips galing sa isang lalake na nambababae?

hmmn.. mukang may pinaghugutan kaya may katuturan…
and sana nga, practice wat u preach or else, papa don’t preach! lols :lol:

Comment by Jon Cabron
2009-11-18 17:35:30

ahhhm mine kung hindi ka naman busy try mong lumagok ng bagong kulong tubig baka sakaling mapaso yang dila mo. tnx

 
 
Comment by antuken
2009-11-20 00:15:12

tips mo tong mga to, pero ginagawa mo ba? :)

sobrang guilty ako sa #1. minsan, tinutulog ko na lang pag magkaaway kami ng mr. antuken ko. malimit kse, pag-gising sa umaga, di yun makakatiis. mangangalabit din. hehe. downside, di pa rin napagusapan ang pinagkatampuhan the previous day. ayos lang, masaya naman ang gising eh. hehehe.

Comment by Jon Cabron
2009-11-22 07:10:32

ahhm hindi, dahil nga hindi naman ako nagbabasa ng blog ko :P
pakiklaro ‘yang masaya ang gising na ‘yan

Comment by antuken
2009-11-23 19:06:41

alam mo na yun. i’m sure ikaw ginagawa mo rin kay mrs. cabron yun paminsan-minsan. ;)

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by Pryss
2009-11-20 00:37:40

You’re back…im glad.

Talking from experience ba ‘to?

Comment by Jon Cabron
2009-11-22 07:57:43

tnx. syempre
.. hindi.

 
 
Comment by ann Subscribed to comments via email
2009-11-21 23:41:52

wow ! ngaun lng ako nkbasa ng love tips ky mr. cabron ah :grin:
saludo ako s lhat ng tips po sir :wink:

Comment by Jon Cabron
2009-11-22 07:59:16

salamat ann, saludo din ako sa’yo ahhhm at hindi ko alam kung bakit

Comment by ann Subscribed to comments via email
2009-11-24 16:46:04

:lol:

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by babydoll Subscribed to comments via email
2009-11-22 02:28:08

gusto kitang maging boyfriend.. :blush:

Comment by Jon Cabron
2009-11-22 07:59:55

ako din! gusto ko din maging boyfriend ang sarili ko … ok, hindi naman lagi pero may mga pagkakataon na ganun

 
 
Comment by kuting
2009-11-22 18:50:44

tagasubaybay lang ako ng site mo…. at parang ang sarap mong mahalin kahit may polin ka pa…:)

Comment by Jon Cabron
2009-11-22 18:56:07

salamat, ikinalulungkot kong hindi.

 
 
Comment by lex Subscribed to comments via email
2010-01-20 15:57:32

tama po mga sinabi nyo sir!!! sana mahanap ko na po ung taong magmamahal sa akin. Nagmahal po ako ng sobra-sobra sa isang tao akal ko ay kaya nya ring suklian un pero hindi pala. Ginawa ko naman po ung mga sinabi nuo pero bakit ganun, bigo po ako. D pa rin sapat sa kanya, d ko pa rin siya napapsaya, d siya na kontento at hinanap pa sa iba. O baka may kulang pa sa ginawa ko? Ganunpaman, masarap na masakit ang magmahal… totoo yon.

Comment by Jon Cabron
2010-01-24 01:32:31

images6765896.jpeg

Comment by jeff Subscribed to comments via email
2010-03-06 16:31:31

sir patulong nman poh oh”
:no:

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by jeff Subscribed to comments via email
2010-03-06 16:26:18

huh 2long nman poh oh’

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>