happy fathers day

7 Jul

para sa tatay ko,
alam mo naman na busy ako. alam ko din na ito ang pagiging busy na matagal mo ng gusto kong pagka abalahan. hindi na ako tambay, hindi na ako pahataw hataw sa kalsada. ibang level na ng kabusyhan ‘to.. eto ‘yung uri ng pagka abala na maipagmamalaki mo sa mga kakilala mo. hindi tulad dati.
kakambal ng pagiging abala na ‘yan ang matulin na paglipas ng panahon at hindi ko namalayan na dumaan na pala ang fathers day. ngayon na tatay na rin ako, alam ko na ang lihim na saya na mabati ka ng anak mo sa araw na ‘yun. siguro pag nabasa mo ‘to katulad din ng naging reaksyon ko ang ipapakita mo, ngingiti lang sa isang sulok ng labi, walang reaksyon pero may lihim na saya sa loob na mahirap ipaliwanag. at katulad ng ibang tipikal na entry tungkol sa araw ng mga tatay gusto ko din ilista ang mga masasayang ala ala natin nung magkasama pa tayo mula pa nung bata ako..
……

..
wala akong natatandaan.

belated happy fathers day.

jon




Parang medyo katulad din na entries:

  1. fathers day
  2. ok, happy new year na lang my ass!

RSS feed

4 Comments »

Comment by popoy
2009-07-07 09:14:16

naexcite ako dahil akala ko mukhang mahaba yung listahan.lol. HAPPY FATHER’s Day kahit late na!!!

 
Comment by Meryl
2009-07-07 09:22:28

Ang sweet ni Jon Cabron ah? Kinilig ako ng konti. (unsure)

 
Comment by potsquared
2009-07-07 09:25:00

tapos na pala fathers day… wala akong kwentang anak… at walang kwentang anak ang anak ko.. hindi ako binati.. syet..

 
Comment by azul
2009-07-07 10:12:27

better late than never.. :wink:

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>