pron

7 Jun

ginising ako ng nanay ko kani kanina lang, pinipilit n’ya akong sumama sa birthday ng tiyuhin n’ya parang reunion na rin daw dahil dun sa magkakapatid ‘yung lolo ko na lang na ‘yun ang natitirang buhay. tumanggi ako dahil unang una naiimagine ko na ang sandamukal na kailangan kong pagmanuhan dun, sangkaterbang “ah iyan na ba ‘yung bunso mo?” at “eto ang anak ko, nagtatrabaho ‘yan sa blah blah blah batugan ‘yan kaya tumaba ng ganyan at walang ginawa kundi humarap sa computer kaya bente nuwebe pa lang may highblood na” ayoko ng tao.
at isa pa, day off ko ngayon gusto ko naman gamitin ang literal na kahulugan ng tinatawag na REST day. andami kong narinig sa nanay ko, habang kumakain s’ya ng tinapay at humihigop ng kape sa lamesa namin. kesyo kung mga barkada ko ang nagyaya malamang kanina pa ako nakapaligo, kesyo magaling lang ako kung inuman ang lakad, kesyo hindi ako mapakinabangan sa mga ganung lakaran at lagi na lang s’yang mag isang representante ng buong mag anak namin pag may lakad na ganun.
hindi n’ya ako napilit. sabi ko nga di ba? isang batayan kung papano ginawang napakasimple ng buhay natin ang pag ayaw mo e di huwag.
halos kasabay ng huling lagok ng nanay ko sa kape n’ya ang pag suko n’ya na mapilit akong sumama sa kanya. padabog s’yang lumabas. diretso ako sa harap ng computer, sigurado akong hindi na ako makakagawa ng tulog ulit. may nakita akong link, porn site. browse browse, sipat sipat, zoom zoom, save image as.. nang biglang may sumigaw sa labas ng bintana sa likuran ko “SIGE D’YAN MO UBUSIN ANG MAGHAPON MO!” .. umikot ang nanay ko sa likod ng bahay para sumilip sa bintana ng kwarto ko. wala na akong nagawa kundi gumanti ng sigaw habang nagko close ng website na ‘yun “popup lang ‘yan dun sa binuksan kong website
ilang beses na ba akong inilalagay sa alanganin ng mga porn site na ‘yan.. hindi ko na mabilang. andyan na habang tumitingin ako sa isang bagong tuklas na porn site sa opisina, sa sobrang pag eenjoy nawala sa loob ko ang pagka alerto napansin ko na lang na kalahati na ng katawan ng boss ko ang nakapasok sa may pintuan ng opisina, hindi ako pwedeng mag ALT + TAB, obyus masyado.. inunahan ng kamay ko ang utak ko na magdesisyon, pinatay ko bigla ang monitor sabay tingin sa boss ko at sa nakakaawang boses “sir, sira ‘yung monitor walang display” tumigil ang boss ko sabay sipat sa monitor, “parang hindi, parang nakapatay lang…” sabay pindot sa power button ng monitor.
naaalala ko dati, nanonood ako ng video ng scandal at s’yempre nakapatay ‘yung speaker. biglang pumasok ang nanay ko, sa kanila pa kami nakatira nun dati at iisa pa lang ang pc na ginagamit dun. pacheck daw ng email dahi baka nagreply na ‘yung kaklase n’ya nung highschool na nasa ibang bansa. nakaminimize lang ‘yung pinapanood ko at wala ng posibilidad para maiclose ko ‘yun. pinindot ko ‘yung WINDOW + L sa keyboard at pagkatapos n’yang mag login sa account ng guest sa pc, pumunta na ako sa kusina para uminom ng tubig, maya maya nakarinig ako ng maingay na halinghing na nanggagaling sa speaker ng pc ko.. takbo agad ako, binuksan n’ya raw ‘yung speaker dahil magbo voice chat daw sila nung kausap n’ya sa YM.
.. kakabalik lang ng nanay ko ngayon, para lang sabihin sa akin na mamamatay ako sa gutom pag hindi ako sumama dahil wala ang nanay ng anak ko at wala akong kakainin dito.

RSS feed

21 Comments »

Comment by joshmarie
2009-06-07 11:14:35

nyahaha. nahuli. hehe. :) dumaan sir!

Comment by Jon Cabron
2009-06-07 11:20:41

hahahahakei

 
 
Comment by joshmarie
2009-06-07 11:15:17

nyahaha. nahuli. hehe. :) dumaan sir! :lol:

Comment by Jon Cabron
2009-06-07 11:21:02

dalawang beses ka dumaan?! :wow:

 
 
Comment by taympers
2009-06-07 11:23:30

ayan! huli!!!!!!!!!! hahahahaha

 
Comment by arjay
2009-06-07 13:14:01

mga nanay talaga. tsk tsk tsk

natawa ako kay joshmarie. parang nanay mo lang din. bahahaha

 
Comment by Yaiboy
2009-06-07 14:21:42

Haha! Minsan talaga masyadong maraming nalalaman ‘yang mga nanay natin. Tsk tsk.

Saludo ako sa’yo, Jon Cabron. :nod:

Comment by Jon Cabron
2009-06-08 02:18:38

salamat :wink:

 
 
Comment by Gino
2009-06-07 19:47:43

wala ka.

ako, sinumbong ako ni JV sa ermats ko na nagbabate ako.

Comment by Jon Cabron
2009-06-08 02:20:08

ahhhm 4th yir hayskul na ba ‘tong pinaguusapan natin na ‘to? :grinnod:

 
 
Comment by Pryss
2009-06-08 00:05:23

libog mo kasi eh… :lol:

di ka pa nahuhuli ni esmi?..dapat mahuli ka..tapos..gayahin nyo yung pinapanood nyo..yihaa!!! :cool:

Comment by Jon Cabron
2009-06-08 02:21:15

hmmmkei :roll:

 
 
Comment by alaehboi
2009-06-08 01:12:32

hmmm…suspetsa ni mader….

:love: :lol: :grinnod:

 
Comment by vito
2009-06-08 09:02:34

pwned ka talaga ng nanay mo! ginang cabron is the best ya’ll. 29 ka na? hmmmkei!!!!

Comment by Jon Cabron
2009-06-11 11:17:25

ako lang ba o ang ibig sabihin n’yan e bentenwebe na ‘ko at napaghuhuli pa ako ng nanay ko sa mga ganyan ganyan? :sad:

 
 
Comment by joan
2009-06-09 19:32:56

..ayus!

..haha… kabado!?

..har har!

 
Comment by jao220
2009-06-10 19:14:04

:cool: Sana naiintindihan ng mga ina yun na yun nlng ang katuwang ng isang lalaki kapag walang sex life!!!!!joke….

Comment by Jon Cabron
2009-06-11 11:17:52

hahahahaha pakyu!

 
 
Comment by ate sienna
2009-06-11 02:25:06

hehehe.. ano ang soundtrack ng pc mo, “careless whisper” mwahahahaha!!

eh kasi naman ikaw, bad boy ka, manood ka ba naman ng bomba sa computer sa opis… hehehehhe

Comment by Jon Cabron
2009-06-11 11:18:47

ahhm ano lang ‘yun pop up lang dun sa binubuksan kong site na hindi naman porn :blush:

 
 
Comment by feth102
2009-06-11 18:16:13

pareho tayo ng escape goat…..pop lang lang….

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>