interes

2 Jun

nagkaron kami ng diskusyon ni mrs. cabron kagabi bago matulog. bertdey kase ng anak ng kapatid n’ya sa linggo at baka pumunta daw ng baguio, wala akong nakikitang problema dun kaya lang ang masama isinasama n’ya ako. ano ang nakikita kong problema pag sumama ako sa ganun kalayong lugar sa kanila kasama ‘yung mga bayaw ko? malaki.
parehong mahilig sa sasakyan ang asawa ng dalawang ate n’ya, naiimagine mo ba ang pagdudusahan ko sa ilang oras na b’yahe mula manila hanggang baguio kung ang pag uusapan nila e tungkol sa sasakyan? wala ‘yung pinagkaiba sa tatlong tao kayong isinilid sa kahon at ipinadala sa china.. at ang dalawang kasama mo ay intsik.
magmumukha akong alien sa sasakyan na ‘yun, magmimistula akong ligaw na multo na nakasabit sa b’yaheng ‘yun at hindi man lang ako makakapag paramdam.
ano ang posibleng senaryo pagkarating namin sa lugar na pupuntahan namin, habang abala ang mga kababaihan sa pag aayos ng mga gamit at pagtsitsismisan. aalukin ng isang bayaw ko ang isa pa na magyosi sa labas, s’yempre otomatik na susunod ako.. at pagdating sa labas pagkatapos namin pagusapan ang ginaw sa baguio at pagkatapos magkwento ng isa kung ilang taon s’ya nung una s’yang nakarating dito na susundan naman ng isa kung saang mga lugar s’ya tumira dito.. mapuputol ang usapan pagikot ng mesa sa akin, hindi pa ako nakakarating dun. wala akong maiaambag maliban sa ginoogle earth ko ang baguio at anlaki pala ng burnham park.
hindi ito ang tamang panahon para maiwan kayo sa isang lugar kasama ng dalawang tao na may parehong interes at ikaw lang ang naiiba. bakit? finals ng NBA ngayon at may batas ang mga ilang kalalakihan d’yan na kung wala ka rin lang maiaambag sa usapin tungkol sa event na ‘yun, ‘wag ka na lang lumabas ng bahay o makihalubilo sa iba. pag tinanong ako ng isa kung sino ang gusto kong manalo sa finals, lakers ang isasagot ko.. pero pag hinanapan n’ya ako ng dahilan kung bakit o kung sino ang paborito kong player ng lakers maliban kay kobe bryant malamang lunukin ko sa harapan n’ya ‘yung sigarilyo ko para madivert lang ang usapan.
iyan ang pagkakaiba ng lalaki sa babae, magbagsak ka ng sampung babae sa isang kwarto at iwan mo ng isang oras, magugulat ka pagbalik mo dahil may makikita ka ng naghihingutuhan, naguusap tungkol sa presyo ng bilihin at mga katitian ng mga ex boyprends nila. subukan mo namang mag iwan ng limang lalaki sa isang kwarto at balikan mo pagkalipas din ng isang oras. aabutan mo silang nasa magkakaibang parte ng kwarto at natutulog. isang bagay ang importante sa mga lalaki para makasundo n’ya ang kaharap n’ya.. parehong interes. sa babae, timing lang.
isang bagay lang ang nakikita kong posibilidad para makasama ako sa lakad na ‘yun. inuman. dahil para sa akin, parang relihiyon ang inuman. wala ‘yang pakealam sa kung saan kang bansa nanggaling o kung anong mga kultura ang baon mo. sama sama kayong magkakaharap sa isang mesa, may kanya kanyang paniniwala.. pero may iisang diyos na sinasamba.

RSS feed

13 Comments »

Comment by popoy
2009-06-02 10:08:42

ahoooyyy.. onga no. hindi ako lasenggo pero gusto ko ng alak. malapit naman sa entry mo yung comment ko diba? k?k. :)

Comment by Jon Cabron
2009-06-02 10:17:32

alak lang ang kayang magpatigil ng lahat ng gera sa mundo… ok, wala akong batayan sa sinabi ko na ‘yan

 
 
Comment by JohnLloy
2009-06-02 10:09:40

masarap uminom sa BAGUIO lalo n pag madaling araw yung tipong urong bayag ka sa lamig hahaha tapos may hawak kang pale pilsen sarrrap!

Comment by Jon Cabron
2009-06-02 10:16:23

parusa makaramdam ng pagtatae sa ganun kalayong lugar.. ‘yun pa ang isang malaking kasiraan ng baguio sa akin

Comment by vito
2009-06-02 22:53:54

oo, habang nasa byahe. magbaon ka na ng arinola, okaya wag mo itapon yung plastic cup na ginamit mo sa huli mong stop over. :lol:

(Comments wont nest below this level)
Comment by Jon Cabron
2009-06-03 11:21:34

hindi ko maimagine ang sarili ko na tumatae sa plastic cup sa loob ng sasakyan sa harap ng mga bayaw at hipag ko :sad:

 
 
 
 
Comment by binx
2009-06-02 10:25:10

Sa totoo lng, ang pagtatae ang unang pumasok sa isip ko na dahilan mo para di sumama sa baguio… :lol:

Comment by Jon Cabron
2009-06-03 11:22:31

wala kang kwentang kaibigan :no:

 
 
Comment by azul
2009-06-02 11:28:21

uhmmmm biglang pumasok sa isip ko yung entry mo dati tungkol sa pagsuka mo sa bintana ng bus..ahmmm yun din ang una kong naisip na dahilan kung bakit ayaw mong sumama..

sori na po! :roll:

Comment by Jon Cabron
2009-06-03 11:23:01

napakasama ng pagkakakilala n’yo sa akin

 
 
Comment by Pryss
2009-06-02 20:25:56

ok nga yun eh..malay mo sa lamig ng baguio,bumalik ang init ng pagmamahalan heeheh lolz…

Comment by Jon Cabron
2009-06-03 11:24:02

mas malaki ang posibilidad na rayumahin ako sa idad na bentenwebe sa malamig na lugar kesa magpainit ng pagmamahalan

 
 
Comment by antuken
2009-06-06 07:38:31

nasabing mong hindi ka pa nakakarating ng baguio. isa lang ang masarap gawin sa baguio (ay, 3 pala)… mag-inom, mag-yosi at palagay ko, alam mo na yung pangatlo… the only bad thing is… malamig. pero pag malamig, masarap uminom ng alak (hindi beer, kundi maiihi ka lang lagi). tipong vodka o tequila. o di kaya gin bulag. hehe. matulog ka na lang sa mahabang biyahe. at i-look forward mo ang inuman. hehe.

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>