sine
29 Jun
isa pang matibay na ebidensya kung gaano ako kaboring na tao, hindi ako mahilig manood ng sine. kung isa sa depinisyon mo ng tinatawag na “date” ay ang panonood ng sine, ikinalulungkot ko na kahit gaano na katagal ang pinagsamahan at kahit gaano kadami na ang pinagdaanan natin hindi ako ang lalaking nakatakda mong makasama sa pagtanda mo.
hindi ako ang tao na may pinakamalaking pagpapahalaga sa oras pero nasasayangan ako sa dalawa hanggang tatlong orasĀ na ilalagi ko dun. mas gusto ko pang manood ng pelikula sa harap ng computer ko ‘yung tipong maipopause ko pag iihi ako o magyoyosi, makakain ko kung anong gusto kong kainin. at maipo forward ko ang palabas para lagpasan ang mga nakakatamad na eksenang usapan. (more…)
