parang tulad nung mga bata pa tayo
29 May
sana pare minsan laro naman tayo ng mga laruan ko,
28 May

kakadating ko lang sa bahay galing sa trabaho. naabutan ko ang nanay ko na nakikinig ng balita, sabi sa DZRH binatukan daw si hayden kho ng isang dating nasa NBI na si abner afuang pala. ang dahilan, baboy daw kase si hayden kho.. saan n’ya kaya nakuha ‘yung idea na ‘yun? saglit na nagkagulo, ang ingay na at nangingibabaw ang boses ni pareng senadora jamby madrigal.
(more…)
27 May
pangkaraniwan ng followup na tanong sa unang tanong na “ilan na ang anak mo?” ang tanong na “oh bakit hindi n’yo pa sundan?” kadalasan, sasagot ako na mahirap kase ang buhay, mahirap din magpalaki ng anak lalo ngayon na pareho kaming nagtatrabaho ni mrs. cabron. .. na kadalasan mauuwi lang ang usapan na ‘yun sa kesyo mas maganda pag sunod sunod ang anak dahil tatanda kayo na parang kapatid mo lang ‘yung mga anak mo kaya masusubaybayan mo talaga ‘yung paglaki nila, na kesyo mahirap pag malaki ‘yung agwat ng idad dahil maninibago na naman sa panganganak si misis.
sa totoo lang, madaling harangin ‘yang tanong na ‘yan e, medyo hindi lang magandang pakinggan. pero sa sitwasyon ko, eto ang realidad..
26 May

kung merong tinatawag na pagkaing luto ng diyos, hindi ako magtataka kung ito ang eksaktong pinapatungkulan ng salitang ‘yun. hindi ako magugulat kung pagkatapos kong kainin ang malaking burger na ‘yan lalapit sa akin ‘yung lalaking waiter na nagserved sa akin para isiwalat ang sikreto ng produkto nila “sir jon, andun si jesas sa kitchen. s’ya ang nag flame grill ng patties n’yan at s’ya ang metikulosong nag salansan ng mga gulay gulay sa kinain mo.” (more…)
24 May
kilala mo kung sinong nakita ko sa kalsada kanina nung bumili ako ng yosi? ‘yung babae na nakatira dati sa tapat ng bahay namin sa paupahan ng tita ko nung mga bata pa kami. kung pagbabasehan ang porma ng katawan n’ya mukhang may asawa at anak na rin s’ya, at kung pagbabasehan ang matagal at dalawang beses na pagtitig n’ya sa mukha ko kasabay ng alanganing ngiti at nahihiyang pagtaas ng kilay malamang nakilala n’ya rin ako kanina.
(more…)
22 May
matagal ko ng iniiwasang pumunta sa clinic dito sa opisina, dalawang magkasunod na annual medical exam ang ibinagsak ko at laging nakapaskil ang pangalan ko sa bulletin board ng kumpanya para bumalik sa clinic. wanted ako, pero hindi ako bumabalik dun dahil kahit alam ko naman na may sakit ako dahil nararamdaman ko, ayokong kumpirmahin. naranasan ko na dati ‘yan, kelan nagsimula na magsasakit ang ulo ko at mahilo pag nabubusog ako? nun lang nalaman ko na may hypertension ako.
pero sa hindi maiiwasang pagkakataon, kinailangan kong sumilip dun nung isang araw dahil ayaw pirmahan sa personnel ‘yung sick leave ko nung nakaraang linggo na nanaginip akong isa daw akong dalagita na excited na sumisigaw dahil unang pagkakataon akong reglahin.. at nagising akong basa ang boxer shorts ko.
pagkakita pa lang sa pangalan ko nung nurse, hinalungkat n’ya na ‘yung records ko dahil pamilyar daw. sinermunan n’ya ko kung bakit hindi ako bumalik, hindi ko raw ba alam na pinapabalik ako nung isang taon pa daw blah blah blah..
nung tinanong ko ang sakit ko, pati ako nagulat.
(more…)
19 May
hindi ako magaling sa ganito, para sa akin mas madaling mang away ng babae kesa magpasalamat sa kanila. mas totoo ang mga salitang mahirap ilabas sa pagsusulat. ilang ulit kong tinangkang maglaro ng mga salita tungkol sa taos pusong pasasalamat para sana magandang basahin pero dobleng ulit nun ang pagkabigo kong makagawa ng ganun. lalabas na peke, parang ulam na sobra sa betsin.
salamat, wimmens
pag namatay ako sa mga oras na ‘to diretso ako sa langit dahil sa mga kabutihang naiisip ko para sa inyo.
‘chos!
19 May
at gaya ng isang tipikal na pelikulang pilipinong aksyon, muling babalik ang bida mula sa pakikipag engkuwentro sa anim napu’t anim na kalaban na gamit lang ang isang baril na hindi nauubusan ng bala, hubad, sugatan, labas ang bituka pero hindi pa patay. bakit? para may part two.

isa sa pinakamadilim na araw ng buhay internet ko ang mga nagdaang araw na ‘yun at lalo kong ininda ang dilim sa pakiramdam na mag isa lang ako. napakahirap maghanap ng makakapitan habang tinatangay ka ng agos ng oras. napakaliit ng itinaning na panahon sa akin para sagipin ‘yung blog ko, ginulat ako ng balita at nilito ng deadline hindi ako makapag isip ng maayos. may mga nag alok na ng tulong pero malilipat ako, hangga’t maaari ayokong mawala ang joncabron.com sa akin.
(more…)
17 May
.. dahil ang buhay ay walang hanggang paalam at ang lahat ng nag umpisa sa tuldok,
sa tuldok din magtatapos.
15 May
![]()
alam mo ‘yung pakiramdam ng may mahal ka sa buhay na tinaningan ng duktor na ilang araw na lang ‘yung buhay n’ya tapos naubusan ka na ng paraan kaya hihintayin mo na lang dumating ‘yung tinakdang araw na ‘yun? ganun ang pakiramdam ko ngayon.
limang araw na lang bago matapos ang kontrata ko sa host nitong blog, andami pa sanang kwento at napakadami ko pang gustong sabihin pero hindi talaga kaya. alam kong dadating ang sitwasyon na ‘to, hindi naman surpresa sa akin ‘to dahil eto ang kapalit ng pagtanggi ko dati na pagkakitaan ang espasyo nitong blog ko. baka hindi ako makapag kwento ng maayos nun.
(more…)