Archive | March, 2009

papano ba magblog?

30 Mar

galing sa aking cbox.
pano ba maging isang blogger tulad mo?

baguhin natin ang tanong
papa’no ba mag blog?

(more…)

kung masakit ang ulo mo uminom ka ng biogesic..

28 Mar

naranasan n’yo na ba ‘yung bagong trapik mula alabang hanggang bago umakyat ng skyway? grabe no! nakakapag init ng ulo, ilang araw na tuloy akong hindi nakakakain ng tanghalian dahil bago pa makaluto ang nanay ko kailangan ko ng umalis ng bahay para makipag buno sa mahabang trapik na ‘yun para mapaligaya ang boss ko sa pagdating ko ng maaga at mapasaya si mrs. cabron sa araw ng sweldo.
ang maganda lang sa ganyang matagalang byahe, otomatik na nagiging malikot ang utak mo sa mga posibleng maiblog na pangyayari o mga bagay na dahil mas matagal na napagmamasdan mo ngayon dun mo lang mapupuna ‘yung mga bagay na hindi mo napapansin dati, tulad nito..
(more…)

diyeta

25 Mar

papano mo malalaman kung kinakailangan mo na ngang mag diyeta?

sa internet:
alam n’yo ‘yung “friends for sale” na application sa facebook? hindi ako sigurado sa konsepto nun pero ang intindi ko, magkakaron ng presyo ang mga nasa friends list mo tapos may mga bibili dun sa mga ‘yun para maging virtual alipin nila. puwede nilang utos utusan kunyari, pwede nilang pangalanan ng kung anu ano, at pagmukaing tanga. ahhhm hindi ako sigurado d’yan dahil hindi ako sumali d’yan.. wala akong pakelam sa pambatang laro na ‘yan.
… may humugot sa account ko sa listahan ng kung sino, pinangalan n’ya akong botyog.
(more…)

good yuck sa ‘yo

21 Mar

sandoboi nagkasalubong kami ni cyber ex sa online kanina. ilang beses ko na rin nakikita sa status sa YM n’ya ang anunsyo kung gaano s’ya kasaya sa buhay n’ya ngayon at kung paano n’ya natagpuan ang kakuntentuhan sa buhay ng dahil sa lalaking iyon. tapos na kami at kung tutuusin wala naman talaga dapat akong pakialam pa pero dahil iba ang may pinagsamahan at dala na rin siguro sa paniniwala ko na kahit kailan hindi naman nagtatapos ang obligasyon mo sa isang tao na dati mong minahal lalo na ‘t kung ‘yung kaligtasan naman ng tao ang pinaguusapan.
matagal din kaming hindi nakapag usap ni cyber ex kaya sinimulan namin sa tipikal na kamustahan ang lahat.  kinumpirma n’ya na may boyprend na nga s’ya at bilang pagpapatunay ‘yung picture pa ng lalaki ang ginawa n’yang avatar. at dun na medyo uminit ang usapan. sabihin n’yo ng makaluma ako o ano pero wala akong nakikitang respeto sa sarili ng isang taong ikakalat ang picture n’ya habang naka sando s’yang puti, maikling shorts, at nakasabog ang buhok sa kilikili. (more…)

magandang balita

20 Mar

isang magandang balita ang hatid sa atin ng pilipinas. ikaw ba ay isang ordinaryong lalaki na nagtatrabaho sa isang pangkaraniwang kumpanya at walang mapasagot na babae dahil sa liit ng iyong kinikita? o ikaw ba ay isang matandang binata na nagtuturo sa isang eskuwelahan at may natitipuhan kang babaeng estudyante na hindi mo madiskartehan dahil bawal daw sa batas ng pinapasukan mo ang relasyon ng estudyante at guro? pwes, magsumikap ka, pagbutihin mo ang trabaho mo, magpayaman ka, at gahasain mo.
(more…)

patuka sa utak ng mga alipin ng putangenang pag ibig

18 Mar

malawak at walang pintong nasasarhan ang daan palabas ng isang relasyon kaya walang natitirang dahilan sa’yo para magbitiw ng salita pagdating ng araw na pinag mukha ka lang tanga ng isang tao dahil walang ibang makakagawa sa’yo n’yan kundi ang sarili mo lang.  walang saysay ang isang relasyon na hindi nakakatulong sa ‘yo para lumago bilang tao, pagsasayang ng panahon na manatili sa agos ng tubig na babahagya naman gumagalaw. malaking kasalanan sa sarili mo kung naramdaman mo na nga ang bagal ng tubig, natanaw mo na nga na ang kadulu duluhan ng agos ay pabalik din sa simula at paikot ikot lang, hindi ka pa rin gumawa ng paraan para umiwas.
(more…)

may bago

13 Mar

may bagong pasok sa department namin. limang buwan ang pinakamatagal na kontrata n’ya at depende pa ‘yun sa performance n’ya, ibig sabihin pwedeng mas maikli pa dun. nakakailang pasok na s’ya bago nagkasabay ang oras ng pasok namin. tahimik naman s’ya nung una, tipikal na baguhang salta sa isang lugar na puro magkakakilala na ang inabutan n’ya. patingin tingin lang sa tao at sa paligid n’ya. nakikiramdam. tumatancha. (more…)

sa babaeng nakikipaglaplapan sa saint rose na bus nung sabado ng gabi

10 Mar

alam kong hindi mo na kailangan pang maging pinakamatalinong tao sa buong mundo para maniwala sa akin pag sinabi ko na hindi ako ang pinaka konserbatibong lalaki sa mundong ‘to. at alam ko din na hindi ka maniniwala pag sinabi ko na ako ang pinaka maginoong lalaking blogger na makikilala mo.
sabado ng gabi habang sakay ako ng bus pauwi ng alabang galing ng trabaho. sa kaliwa ko, isang upuan ang lamang mula sa hanay ng kinauupuan ko napansin ko agad ‘yung lalaking nakasubsob sa leeg ng babaeng katabi n’ya na nakapwesto sa may bintana. pumasok agad sa isip ko bago pa man magtagpo ang puwet ko at ang upuan ko na “showtime!” ‘to.
pumwesto na ako ng maganda, napansin ko na ‘yung nasa likod nila at kahanay ng inuupuan ko nakatingin din sa kanila tapos pag mukhang naghahalikan ‘yung dalawa, umuubo s’ya. iniilang n’ya. seryoso, gusto ko s’yang talunin sa kinauupuan n’ya para sakalin s’ya at ilawit ang ulo n’ya sa bintana ng bus hanggang sa malunod s’ya sa hangin.
pero bumagsak ang balikat ko nung dumating ang konduktor sa tapat ng magsyota para kunin ang bayad nila at naging dahilan ng pagkakakalas nilang dalawa sa mainit na paglilingkisan.
naka uniform ang babae, kolehiyala. ‘yung lalaki naka polong checkered na itim at pula, naka sobra sobrang fit na pantalon, at natatakpan ng bangs ang kaliwang mata. mas madalas pa s’yang maghawi ng buhok n’ya kesa sa gelpren n’ya. at kung hindi ka pa kinikilabutan sa imaheng ‘yan na nabubuo sa utak mo, may kadena din s’ya sa tagiliran n’ya na nakakunekta sa pitakang de velcro sa likurang bulsa ng pantalon n’ya.
pag alis ng konduktor, balik na naman sila sa pagsusukatan ng init… sa bus. pero napansin ko din na parang may mali nung nakita ko ‘yung kuko ng babae na naka french tip pa nga na pumipigil sa kamay nung lalaking ‘yun. pero wala din s’yang nagawa.. syempre naman.
hanggang ngayon may pakiramdam ako na may parte ng kunsensya ko na natangay ng bus na ‘yun nung bumaba ako dahil wala akong ginawang aksyon para sagipin ‘yung babaeng ‘yun sa kamay ng isang lalaking mahilig sa dilim. talo pa ako nung lalaki sa likod nila na paubo ubo.  gusto kong bumawi, alam kong suntok sa buwan na ‘to pero mas mabuti na ‘to kesa wala. walang pinagkaiba ‘to sa pag susulat ng number mo sa likuran ng bus sa pag asang matagpuan mo sa pamamagitan nun ang babaeng makakasama mo habang buhay.
(more…)

siyam na dapat tandaan para hindi mahilo sa byahe

8 Mar

nagkaron ako ng idea sa entry na ito kahapon lang sa bus. sinulit ko ang buong apatnapung minuto ng biyahe para tapusin sa isipan ko ang entry na ‘to at marahas na gahasain ng siko ko ang braso ng isang estudyanteng nag aaral ng medisina sa hindi ko nalamang eskuwelahan.

1. unang una na dapat mong tandaan, kailangang  piliin mo ng mahusay ang bibiktimahin mo. halimbawang sampu ang pinakamaganda, hanggang sa number one at  number three ka lang na itsura ng babae.
2. at ang unang aksyon, ang pagdukot sa bulsa mo o ang pagkakamot ng tiyan mo kunyari para maidantay ang siko mo sa braso n’ya. pag umiwas, subok ulit. pag umiwas pa rin sa pangalawa, may pangatlo pa at marami pang pagkakataon hanggang sa mapagod s’ya sa pag iwas at bago mo mailabas lahat ng laman ng bulsa ng pantalon mo at malapnos ang tiyan mo kakakamot.
3. pangalawang dapat mong tandaan, ‘wag kang titingin ng direkta ng mata sa mata sa kanya. manyak lang ang gumagawa nun. gamitin mo ang salamin sa bus para mahuli mo ang mga mata n’ya.
4. pag nagkahulihan na kayo ng mata, kindatan mo tapos ilabas mo ‘yung dila mo at gayahin mo ang dila ng ahas o ang dila ng asong umiinom ng tubig.
(more…)

isang pagpapatotoo

1 Mar

biglaang lakad ‘yun, nagtext ‘yung isang kumpare at nagkayakagan sa mall. madalas na mas natutuloy pa ang ganung biglaang lakad kesa sa planado. ang problema lang nun dahil sa sobrang biglaang lakad ‘yun, hindi ko napaghandaan.
nag inom akong mag isa kagabi at lason ang pulutan ko. isang nagarayang pula na malaki at isang malaking growers. hindi ako kumakain ng mani pag alam kong may lakad ako kinabukasan o lalo na kung may pasok sa opisina. andami ko pang kinain nung tanghalian na at uminom pa ‘ko ng ilang baso din na iced tea at nagpanghimagas ako ng tsokolateng iniinom ng pamangkin ko. pag pinagsama sama mo ang chemical composition ng mga nabanggit ko katulad na katulad na ‘yan ng kemikal na ginagamit sa pampupurga. ok, imbento lang ‘yan.
(more…)


>