regalo
25 Feb
sa ilang malalapit kong kaibigan sa online world at sa ibang mga mambabasa kong malalakas ang pakiramdam, alam kong hindi nalihim sa kanila ang mahaba haba ding panahon na magulo at madilim ang mundong pinag dadaanan ko nitong mga nakaraang buwan dahil sa hindi namin pagkikibuan ni mrs. cabron. hindi n’yo na kailangang mahaplos pa ang lalim ng mga papagaling kong sugat na ibinunga ng ilang beses na pagko cross stitch ko ng pulso para malaman n’yo ang sitwasyon na pinagdadaanan ko, kung babasahin n’yo ang karamihan sa mga entry ko ng mga nagdaang buwan masisilip n’yo dun ang isang manunulat na alipin ng kalungkutan. isang payasong nagpapaligaya ng mga tao habang may saksak ng kutsilyo sa likod. balon na walang tubig, iced tea na walang yelo, pintong walang doorknob, motel na bawal ang short time, seksing menor de idad… ok, kalimutan n’yo na ‘yung huli.
ang totoo n’yan maayos na sana ang lahat sa amin ilang araw bago pa mag araw ng mga puso. otomatik na ‘yun e kahit sinong magkarelasyon kahit pa gaano kalaki ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan n’yang mga ‘yan at kahit pa gaano kalalim ang sakit na idinulot n’on maghihilom sa araw na iyon, nakaprogram na ‘yan. walang nakakailag sa pana ng tinaguriang sto niño ng pebrero. (imbento ko lang ‘yan)
magkaaway ulit kami ngayon at balik sa dati, at ang dahilan? naging maaalahanin kase ako at nag effort ako na magregalo sa kanya sa mismong valentines day. ipinagkatagu tago ko pa naman, alam ko kase na hindi din s’ya pwede dahil busy s’ya at salungat ang sked namin. andaming bayarin mula pa nung january at sa tancha ko sa march pa ‘ko makakahon sa gastusin kaya mura lang ang regalong kinuha ko, hindi s’ya kasing bango ng bulaklak at hindi s’ya kasing tamis ng chocolate pero nakakakilig din s’ya. hindi s’ya sale pero may promo s’ya.
(more…)

