makalat na organisado

13 Jan

ano ang konsepto ng makalat na organisado?
pagkakatapos kong maligo para pumasok sa trabaho, diretso ako sa computer table ko para kunin ‘yung rosary bracelet ko tapos isang hakbang mula dun diretso ako sa aparador para mag deodorant at magpahid ng lotion tapos nun kukuha ako ng dalawang cotton buds at habang nililinis ko ‘yung tenga ko isusuot ko  ‘yung pantalon kong nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto. iiwan ko ‘yung cotton buds sa ibabaw ng ref tapos kukunin ko dun ‘yung mp3 player ko na ilalagay ko sa kaliwang bulsa ng pantalon ko at ‘yung celfone ko. tatalikod ako para abutin ‘yung coin purse ko na nakasabit sa sabitan ng mga susi. iikot ako pakaliwa para abutin ang gel ko at ang suklay tapos babalik ako sa kwarto para isuot ‘yung naka hanger na polo sa aparador. at ang pinakahuli, babalik ako sa cr para kunin dun ang lighter at yosi ko.
lahat ng pwestong ‘yan isa o dalawang beses ko lang babalikan at dadaanan ng tingin, naka program na sa ‘kin ‘yan.
isang bagay lang sa mga ‘yan ang malipat ng pwesto, panigurado ako na kung hindi ko pa kakailanganing gamitin ang gamit na ‘yun, hindi ko pa malalaman na hindi ko pala nadala.

.. at tulad ng dati, hindi ko alam kung saan n’yo magagamit ang mga impormasyon na ‘yan.

patawarin n’yo ko sa mga minuto n’yong nasayang ko.

RSS feed

5 Comments »

Comment by Angel
2009-01-13 10:22:40

hindi mo tinatapon yung cotton buds na ginamit mo :wow:

 
Comment by Pryss
2009-01-13 15:00:50

hmmm…dapat ko ba tong gayahin?..lahat ng kailangan,isang ikutan lang..

 
Comment by antuken
2009-01-14 03:06:42

naaliw akong basahin ang routine mo bago pumasok sa trabaho. andami mo naman dinadaanan bago umalis.

 
2009-01-14 04:46:33

Naku, oo nga bakit hindi kasama sa eksena na itinapon mo ung cotton buds :wow: kaloka…parang eksena sa pelikula ni dolphy heheheh

 
Comment by jhaynee
2009-01-18 00:51:41

alam ko na kung bakit hindi kasama ang pagtapon ng cotton buds…

kasi hindi pa nagamit ang kabilang dulo… :nod:

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>