siyam na taon na ang anak ko at naiintindihan n’ya na kailangang matulog ng ama na magdamag nagtrabaho sa opisina.
30 Jan
maganda ang plano ko sa bertdey ng anak ko e, gagawa ako ng invitation card para sa mga kaklase n’ya tsaka ‘yung nanay ko daw may mga bisita din, gawaan ko rin daw. ‘yung mga pinsan ni polin hindi na kailangang bigyan, pasasabihan na lang daw. nung gabi pa lang bago ako pumasok naririnig ko na silang naguusap tungkol sa handa. andaming iluluto. mula miryenda hanggang hapunan ang handaan. engrande.
pumasok ako, nagtrabaho magdamag. pag uwi ko ng umaga, naguumpisa na ang lahat na mag asikaso ng mga lulutuin, pumunta pa ‘yung tita ko para tumulong at hindi pumasok si mrs. cabron. si polin nasa eskuwelahan pa nun. pagkakita pa lang sa nila sa akin kinamusta nila agad ‘yung invitation na ginawa ko, patingin daw. sabi ko may nagawa na ako pero hindi pa napi print. matagal ng walang tinta ang printer sa bahay at bawal mag print sa opisina. ang natitira na lang na paraan ay makiprint sa computer shop malapit sa amin… maaga pa naman. mamaya na siguro ‘yun. (more…)

