Archive | 2008

tony bangkay

18 Nov

read: ang bangkay ng isang lalaking nakilala lamang sa taguring “tony bangkay” ay natuklasan sa isang manhole sa reclamation area sa roxas boulevard kamakalawa ng tanghali sa pasay city. …
(more…)

pakyu world

18 Nov

isang relasyong kailangan ng matapos pero hindi pwede.
isang tiyuhing nakaratay sa ospital at naghihintay na lang ng oras n’ya.
at hindi lang s’ya basta tiyuhin sa akin.
isang pinsan na matagal ng itinakwil, pero hinahanap hanap.
pero walang makitang dahilan para makipag ayos.
depresyon na bumubulong na takasan na lang lahat.
pinakamabilis na paraan, at minsan… ‘yung na lang ang naiisip mong solusyon sa lahat.
perang patuloy na dumadating, para dumaan lang sa mga kamay mo.
mga maling desisyon na habang buhay kang hinahabol.
sa pagtulog mo, sa ilalim ng kama mo, sa trabaho, sa kusina, sa bus, sa loob at labas
.. pag mag isa ka lang.
mga sakit na iniinda mo pero hindi mo pwedeng ibulgar,
dahil sa mga bisyong hindi mo kayang talikuran.
mga isang damukal na sana at sana hindi na lang.
sampung dakot ng sana nuon pa, sana ayos na ngayon, at sana iba na bukas.
hahanapin n’yo rin ako pagkatapos ng lahat
.. lahat ultimo kaliit liitang bahagi ng pagkatao ko.

ginang cabron

16 Nov

dahil naglalaro ng bigas ang pamangkin kong babae na bata pa pero hindi ko alam ang idad.
sinaway s’ya ng nanay ko.


ginang. cabron:
tigilan mo ‘yan magagalit si god
… nakita n’ya kong tinatawanan s’ya sa isang tabi
ginang cabron: gago! ganun talaga ang sinasabi sa mga bata!
jon cabron: sinungaling!
(more…)

sa timog

15 Nov

makalipas ang dalawang taon mahigit, makalipas ang ilang pagkakaibigan sa net na nabuo at nasira, ng pagpapakita ng kahinaan at pagpapadama ng kalakasan, ng pagmamahal at pagkabigo, pagkasawi, at pagtatae ng wala sa oras at tamang lugar, nakatakda na akong makipag kita sa ibang tao, bilang si jon cabron. hindi lang bilang blogger kundi bilang tao. mataba at maputi.
magkikita kami ni lenggai mamaya sa timog, hindi ko alam kung saan ang timog at hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya, bahala na. inilabas ko na dati ang listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako masayang makita at makausap ng personal at ngayong gabi masusubok ang mga bagay na ‘yun. at dahil bago sa akin ang magaganap mamaya, nagbigay ako ng ilang puntos para kay lenggai.. at ng iba pang tao na makakakita sa akin sa mga dadating na panahon pa.
1. lagi mo lang tatandaan na ito ay isang friendly meet up, hindi ito date.
2. ayokong maging ungentleman pero kaklaruhin ko lang na walang malisya ‘to.
3. ‘wag sanang sasama ang loob mo kung sakaling tatanggi ako.
4. bawal ang hawak.
5. pero depende ‘yun sa napagusapan.
6. hindi ito fans day.. bawal akong interviewin.
7. bawal ang camera.
8. pwedeng magpapirma.
9. hindi ako nakikipag apir.
10. matutong idecode ang ibig sabihin ng paghihikab at pagtingin sa malayo.
11. at paglalaro ng snake sa celfone habang nagkukuwento ka.
12. ayoko ng naghihintay.
13. hindi ako nanlilibre ng malakihan.
14. hindi ako mahihiyang hingian ka ng ambag mo.

at para kay lenggai at sa iba pang baka sakaling dumating ang araw na makadaupang palad ko rin ng personal, gusto ko rin ibigay sa inyo ang ilang trivia, para hindi kayo mabigo sa inaasahan n’yo… at hindi n’yo ako iwasan pagkatapos ng araw na ‘yun.

1. hindi ako madaldal, kinakailangan ko munang makiramdam ng matagal bago ako maging normal.
2. mas guwapo ako sa gabi
3. napakaguwapo ko pag bagong paligo ako at may tatlong oras lang bago ako bumalik sa normal na…. basta gwapo lang.
4. sana umulan mamaya, mas gwapo akong tignan pag medyo umuulan ulan.
5. malamang sa hindi, naka hoodie ako… naaastigan ako sa sarili ko pag naka suot ako nun.
6. ayoko sa masyadong mataong lugar.
7. ayoko ng nagsisigawan tayo dahil sa tugtog
8. soft spoken ako.
9. pag may mga tambay tayong madadaanan, ‘wag mo kong papansinin pag nagpilay pilayan ako.. diskarte ko ‘yun para maawa sila at hindi ako pagtripan.
10. at sa maniwala ka man at sa hindi, mahiyain akong tao.

‘yan lang po at sana ay maging tagumpay ang maging pagkikita natin, oh at kung sakaling malapit ka lang sa timog at halos ilang dipa lang ang layo mo sa amin.. text mo lang ako o kung nagpapaimpress ka, tawagan mo ‘ko. yosi tayo.

+63928 5065 XXX

.. seryoso, itext n’yo ko lagi para maisip ni lenggai na marami akong kaibigan. ktnx.

paglalakbay at pakikidigma

13 Nov

naranasan n’yo na bang ‘yung tinatawag na out of body experience o ‘mas kilala sa tawag na astral projection? ako, oo.  hmmm sige, oo, yata. hindi ako sigurado. basta ang naaalala ko lang, galing ako sa isang bertdey ng kaibigan nun at napainom ako ng sobra. nakauwi naman ako ng maayos at walang naghahatid pero hindi ko na nakuhang maligo at  ‘yung pinaghubaran ko hindi na umabot sa lalagyan ng maruming damit, nakakalat lang sa sala lahat. nasa may tv ang pantalon, nasa likod ng pinto ang kanang sapatos at nasa ilalim ng mesa ang kaliwa, nakasabit sa door knob ‘yung tshirt ko, at ang suot ko lang habang nakahiga sa kama .. boxer shorts.
(more…)

sanib

12 Nov

minsan dumadating na lang sa buhay ng mga lalaki ‘yung magigising ka na lang na aktibong aktibo ang ano mo, ‘yung tipong hindi ka naman nakapanaginip ng anuhan hindi mo naman magagamit na dahilan ‘yung ihing ihi ka lang at puno lang ang pantog mo kaya ganun dahil nakapaligo ka na at lahat ramdam mo pa rin s’ya.
madalas din na habang nasa bus ka at abala sa pakikinig sa mp3 player mo o sa pagpapahangin ng mukha mo sa labas ng bintana at kung may iniisip ka man, malayo ‘yun sa kamunduhan pero biglang may kung anong mahika ng ka elan kang mararamdaman na sasanib sa pagkatao mo at bigla ka na lang makakaramdam ng init sa batok mo at paninikip ng pantalon mo… o cycling short kung baboy kang bumibiyahe ng nakaganun.   (more…)

asawa ko nga ‘to

10 Nov

lumipat na ng trabaho si mrs. cabron, unang araw n’ya kanina pero syempre orientation pa lang ‘yun. tsaka sasamahan daw s’ya nung koreanang boss n’ya sa mall para bumili ng uniform kaya dun muna s’ya dumiretso sa condo slash office nila. at habang nasa opisina naman ako at nagpapa kondisyon para sa haharapin kong trabaho, nakatanggap ako ng text galing sa kanya.

(more…)

patalastas

9 Nov

ikaw ba ay nasa kolehiyo? gusto mo ba ng itouch? oo at oo?
pwes, pindutin mo ‘to

alam mo kung anong masaya?

9 Nov

alam mo kung anong masaya?
(more…)

pards sa unahan ng jeep

8 Nov

pauwi na ako kahapon, tanghaling tapat tirik na tirik ang araw. ilang minuto na rin akong nag aabang sa kalsadang ‘yun, pakiramdam ko umaagos na ‘yung pawis mula sa tuktok ko hanggang sa talampakan ko, wala na akong karapatan pala mamili pa ng jeep, pinara ko agad ang kauna unahang sasakyan na naligaw sa kinatatayuan ko. nakatigil na sa harapan ko ‘yung jeep ng nalaman ko na ang kaisa isang bakanteng upuan na lang pala ay ‘yung sa unahan, mapapagitnaan namin ng drayber ang isang pasaherong nauna sa akin sa pwestong ‘yun. tomboy.
(more…)

>