Archive | 2008

aja!

2 Dec

disyembre na at buhay pa rin ako, ambilis ng panahon at nage enjoy pa ‘kong mabuhay, nagbitiw pa naman ako ng salita dati na ayokong tumanda at kuntento na ‘ko sa idad na hindi lalagpas sa 35, at kung sakaling buhay pa ‘ko sa mga panahon na ‘yun, ako na mismo ang tatapos ng lahat. sa sitwasyon ngayon na bente otso na ‘ko at nageenjoy pa ‘kong mabuhay.. mukhang lalabas na sinungaling ako sa binitiwan kong salita, bahala na. ambaduy na kase magpakamatay sa mga panahon na ‘to, potangena kaseng mga kabataan ‘to na mahihilig sa itim at may mga bangs na tumatakip sa isang mga mata nila at mga mababaho ang itsura, ginawa nilang napakakorni ng pagpapakamatay.
minsan naiisip ko na may sariling paraan ang sistema ko na ibinabato ng subconscious mind ko sa kanya para mapagdaanan lahat ng problema at hindi indahin ang ’santambak na drama at issues na parang mga landslides na humaharang sa byahe ng buhay ko. siguro sanayan nga lang din, mula pa pagkabata naka program na sa isip ko na bago pa lang ako mag inat at maghikab para hudyat sa pagharap ko sa bagong umaga, gawa na at nakalista na sa isang papel ang mga bagong problemang ibabato sa akin at haharapin ko sa araw na ‘yun. at bago pa matapos ang pag ihi ko para patayin ang morning wood ko, pirmado na ‘yun sa kataas taasang konseho, nakanotaryo na, at laminated pa.
sabi nga nila hindi ka naman bibigyan ng problema na hindi mo kakayanin, pagsubok lang daw kase ‘yan. at bilang isang dalubhasa sa mga problemang nakakamatay at humihigop ng kristyanong paniniwala, iba ang tingin ko d’yan.. tipong sa dami ng pinagdaanan n’ya na alam naman natin na sobrang stressful di ba? minsan sa buhay n’ya kailangan n’ya rin maglibang, kaya minsan ibinabato ka n’ya sa gitna ng isang pagkalalim lalim na dagat at pag handa ka ng sumuko sa pagkawag, s’ya rin naman ang magbabato ng pagkakapitan mo. trip lang.
(more…)

ms. jamparound

29 Nov

alam mo ‘yung pakiramdam na bigla ka na lang natigilan sa paghinga tapos kumabog ang dibdib mo ng sunod sunod habang nakabara ‘yung paglunok mo ng laway sa lalamunan mo? at hindi ito isang usapin na tungkol sa siyensya, ito ‘yung tinatawag na pag ibig, eto ‘yung kung isalarawan nila ay pinana ka ni kupido at ito ‘yung inihahanlintulad ko sa pagtatae na walang pinipiling oras at lugar, aatake at aatake sa mga panahon, pagkakataon, at lugar na hindi mo inaasahan.
dito sa pinapasukan kong opisina, pagbaba mo ng bus obligado kang sumakay pa ng jeep para ihatid ka sa mas malapit at mula sa bababaan mo galing dun, may option ka ng pumili kung magpe pedicab ka ba o lalakarin mo na lang. malapit lang ‘yun hindi ka tatagal ng 5 minutes maglakad at ang singil ng pedicab sa maikling byahe na ‘yun, bente pesos.
pinag aagaw agawan ako ng mga pedicab drayber sa lugar na ‘yun, antawag nila sa akin “biyaya” kwarenta kase ang ibinabayad ko sa kanila, doble. ewan ko basta isang araw lang naisipan kong doble ang ibayad sa sinakyan ko tapos hindi ko na binago mula nun, ok lang naman malaking ginhawa naman sa kin na malayo pa lang ako sinusundo na nila ako bago pa ako umabot sa pila nila. tsaka malaking tulong sa akin ‘yung mga ‘yun dahil kung maglalakad ako baka bago ako umabot ng opisina, dehydrated na ‘ko sa dami ng pawis naaagos sa buong katawan ko. tsaka amoy corduroy na hindi natuyo sa araw ang labas ko nun.
(more…)

nasubukan mo na ba?

27 Nov

naranasan mo na ba ‘yung habang nasa opisina ka, hiniram ng boss mo ‘yung pc na ginagamit mo tapos biglang may nag invite ng conference sa’yo sa ym? nakakahiya di ba? e ‘yung habang katabi mo ang anak mo biglang may magbibigay sa’yo ng link ng animation ng dalawang nagtitirahan na lalaki? nakakataranta di ba?
e papa’no kung hiniram ng boss mo ‘yung pc na ginagamit mo dahil may importante daw s’yang hahanapin na file dun.. at walang anu ano, sa isang biro ng tadhana biglang may nagsend sa’yo ng mensaheng ganito..
(more…)

di ba?

26 Nov

minsan nakakapanghinayang man ang luma na nakasanayan na,
kailangan mo pa rin itong palitan..
(more…)

hoy

26 Nov

kung ikaw ay nasa opisina.
walang entry sa araw na ito, asikasuhin mo muna ‘yang trabaho mo at sulitin mo ang ibinabayad sa ‘yo ng mga nagtitiwala sa kakayahan mo . mahalin mo ang trabaho mo at isipin mo na lang ang mga aplikanteng may mga dalang folder na brown na hinahawakan nila ng mahigpit at iniiwas sa mga pasaherong nakakasabay nila sa pakikipag unahan sa bus para lang ‘wag magusot ang resume na laman nun. hindi alintana ang init ng araw o patak ng ulan para lang makapag apply sa mga kumpanyang katulad ng pinapasukan mo, at sa kasamaang palad hindi sila nabibigyan ng pagkakataon dahil sa mga katulad mong nauna ng nakapwesto d’yan.

at kung ikaw naman ay nasa bahay lang at walang hanapbuhay,
(more…)

si binibining ojt ulit

25 Nov

update lang kay binibining. ojt
nakasalubong ko s’ya kahapon nung iihi ako, tinanguan ko lang s’ya nung nag good morning s’ya sa akin with matching kaway at ngiting nakakabighani, pag balik ko s’ya pa rin ang makakasalubong ko malayo pa lang nakangiti na s’ya kaya wala akong choice kundi ngumiti na rin habang malayo pa ako..
(more…)

ojt

22 Nov

wala akong pakialam dati sa mga babaeng nago ojt dito sa hotel, minsan may nadadaanan o nakakasalubong akong magaganda at seksi pero hanggang tingin lang ako, nagbago ang lahat nung sa kinauupuan ko may inilagay na demo ng surveillance camera na pwede naming controlin ang galaw.. god mode.
dun ko s’ya unang nakita, wala s’yang gandang kumakagat o ‘yung ganda na unang tingin mo pa lang maiinlab ka na, pero nung tinutukan ko s’ya ng camera at izinoom ko habang nakatuwad s’ya at pumipirma ng attendance n’ya.. dun na nagsimulang mahulog ang loob ko sa kanya. pag naghahatid s’ya ng mga memo dito sa department namin, lagi ko s’yang pinapaalalahanan na ‘wag hapitin ang trabaho dahil hindi nauubos ‘yan. relaks lang.
(more…)

para sa inyong kaalaman

21 Nov

dumudura po s’ya sa sahig ng bus po.

‘yun lang. tnx.

darayber

20 Nov

nakakabuwisit ‘yung ang aga aga mo ng nagising, naunahan mo pa nga ‘yung tunog ng alarm clock mo, sakto sakto ang lahat pero male late ka ng dahil lang sa drayber ng jeep na parang naglalaro lang ng pac man kung mamick up ng pasahero. naranasan mo na ba ‘yung nakasakay ka sa jeep tapos kada kanto tumitigil ‘yung sasakyan tapos parang nag aabang s’ya ng kumakaluskos sa dilim sa pagbabakasaling pasahero ‘yun? tapos pag may naglalakad kahit nasa kadulu duluhan pa ‘yan hihintayin n’ya pa ‘yun.. taena’ kulang na lang katukin n’ya sa mga bahay ‘yung mga naliligong papasok ng madaling araw para sa mga pabrika tapos alukin n’yang sumakay sa sasakyan n’ya. taena! kung hindi lang mga anlalaki ng katawan at sanay sa bugbugan ‘tong mga drayber na ‘to ansarap sanang pagsasampalin sa mga batok nila habang nagmamaneho sila tapos pag lingon nila ipupulupot mo ‘yung mga good morning towel nila sa leeg nila tapos kukutusan mo sa sintido sabay sabi ng “tangena ka kanina ka pang ‘ndot ka!” … pero ‘yun nga madalas e anlalaki ng katawan n’yang mga ‘yan at mga sanay talaga sa bugbugan at paluan ng yabe tubo kaya ‘wag ka na!
at seryoso, kung meron mang may pinakamabahong sense of humor na nilalang sa mundo, sila na ‘yun.
pwera na lang kung natatawa ka sa mga banat nilang pamacho epek tulad ng:

(more…)

jon cabron po ng IT department

19 Nov

kagabi bago ako matulog nagiisip ako, tama nga ba ‘yung ginagawa kong pag iwas sa mga tao sa kumpanyang pinapasukan ko? ang katwiran ko kase dati andito ako para magtrabaho hindi para makipag kaibigan. hindi naman sa nagmamalaki ako kaya ganyan ang ikinatwiran ko sa sarili ko, ayoko lang magkaron ng kaibigan dahil ayoko na magkaron ako ng obligasyon sa kanila. delikado ang department namin, kami ang utak dito. ayokong dumating ang araw na magkaron ng laban ng tug of war ang pakikisama at ang trabaho ko. simple lang ‘yan. walang kaibigan, walang kumplikasyon.
pero minsan napapaisip ka din, nagyoyosi ka mag isa sa labas, wala kang kakwentuhan man lang. wala ka man lang kabatuhan ng mga simpleng tipikal na usapan ng magkakatrabaho tulad ng ‘putangina talaga ‘yang si ano, napakabobo” o kaya ‘yung mga tipong “napakalaki ng suso nung tao sa ganitong department, ansarap siguro anuhin nun ng paano”
kapag kakain ka mapapansin mo, punuan sa cafeteria pero laging may extra na dalawang upuan dun na walang nakaupo, ‘yung sa kaliwa at kanang upuan mo. hindi ako sumasama sa mga company outing ng kumpanya, hindi ako dumadayo sa ibang department pag merong may birthday. minsan na nakantyawan akong magpakain nung birthday ko ang ginawa ko nagpaluto ako ng pagkain at inihanda ko sa accounting department at pinalabas ko sila lahat para kumain… at ako nasa loob ng department namin at nagtatrabaho.
(more…)

>