para sa mga chinese bisnesmens

7 Dec

dear chinese bisnesmens,
sana’y nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa n’yo ang liham kong ito, ako po si jon cabron, tiga muntinlupa at nagtatrabaho sa isang hotel na mas mahal pa sa sogo hotel. hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. ang sulat kong ito ay may kinalaman sa kung ano mang kalokohan ang pumasok sa isip n’yo kung bakit n’yo tinanggal sa hanay ng mga lauriat n’yo ang sweet and sour. kung medyo hindi n’yo napapansin iyon ang pinaka best seller sa lahat ng mga paninda n’yo. ok, wala akong basehan sa sinabi ko na ‘yan pero naniniwala ako d’yan.
gusto kong ipaalam sa inyo na halos gumuho ang mundo ko nung sabihin ng bakla n’yong tiga sagot sa hotline na tinanggal n’yo na raw ito at pinalitan ng breaded pork at isda. seryoso, sinong nasa matinong pagiisip ang kakain ng isda kapartner ng pancit canton nila? THE FUCK sir, the fuck!!!
at lalo akong nadismaya nung nakuha ko ang inorder ko, wala na ang masarap na butchi at siomai. napalitan na ng isang siopao na ube na kasing liit ng dede ng tinedyer na koreana at isang piraso ng parang fortune cookie na matigas at may parang laman sa loob. at ‘yung breaded pork n’yo maniwala kayo sa ‘kin kaya kong isubo ng isang subuan lahat at habang nasa loob ng bibig ko ‘yun pwede pa ‘kong sumipol sa kakontian.
at putarages hindi pa sinamahan ng rider n’yo ng kutsara’t tinidor ‘yung order ko, kumuha pa tuloy ako sa cafeteria namin. seryoso, mr. bisnesmen eto na ang kahuli hulihang maririnig n’yo ang pangalan ko sa hotline n’yo. matagal na akong suki ng produkto n’yong ‘yan at masakit sa akin na kahit man lang isang text hindi man lang ako nasabihan na tatanggalin n’yo na pala ang kumbinasyon ng butchi, siomai, at sweet n sour. MAG ISIP NA KAYO NG BAGONG NEGOSYO!!

kung hindi kayo naniniwala na punum puno ako ng kredibilidad para magsalita at kausapin kayo tungkol dito, tignan n’yo sa database n’yo ang pangalan ko at ang bilang kung ilang ulit ako nagpadeliver ng sweet n sour lauriat na ‘yan. .. at oo nga pala, ‘kung sakaling makita n’yo ang address ko dun at kung sa’n ako matatagpuan, ‘wag n’yo kong sasaktan.

RSS feed

18 Comments »

Comment by vera
2008-12-07 22:51:08

eh? paborito ko din yun. :| this is bad. may christmas lauriat ata sila napanood ko sa commercial kanina

 
Comment by The Gasoline Dude
2008-12-07 23:06:49

Ampucha! Wala na nga ‘yung siomai at buchi! ‘Yan lang din ang inoorder ko sa Chowking nung nasa Pinas pa ko. Pagbalik ko eh hindi na din ako kakain diyan. Mukhang mas malaman pa ang Kikiam kesa sa Breaded Pork.

 
Comment by taps
2008-12-08 02:17:24

panget ng kombinasyon nila pakshet

 
Comment by Helena
2008-12-08 04:49:58

anong palaman ng siopao na ube? ube din? :no:

 
Comment by Tim Reynolds
2008-12-08 05:54:46

Nice post. Thank you for the info. Keep it up.

 
Comment by Nicole
2008-12-08 06:30:07

Mas malaki and dede ko kesa sa siopao nilang ube! Hmmp!

Comment by Jon Cabron
2008-12-08 12:24:15

hindi ako naniniwala, picture o hindi ‘yan totoo.

joncabron @ gmail .com :nod:

 
 
Comment by alas
2008-12-08 12:05:03

sasabihin ko sanang masama din ang loob ko sa pagkakatanggal ng buchi sa lauriat pero natawag ang pansin ko sa comment ni nicole ng nabasa ko ang, siopao na ube. :grin:

 
Comment by Lhay
2008-12-08 12:55:12

Tinanggal na pla jan? buti dito sa dubai, hindi pa naman, kasi naka order pa ako last week ng sweet and sour lauriat eh.. tapos may butchi pa din.. i mean yun pa rin walang nagbago maliban sa presyo na dinagdagan ng 5 dirhams or 65 pesos, dati ang presyo lang ng sweet and sour lauriat dito at 22 dirhams or 286 pesos pero ngaun ginawa na syang 27 dirhams or 351 pesos.. Yun lang ang nagbago ang presyo…
OO nga pala ang sweet and sour na tinutukoy ko dito ay fish…bawal kasi ang abboy dito..

 
Comment by feth102
2008-12-08 13:03:25

at oo nga pala, ‘kung sakaling makita n’yo ang address ko dun at kung sa’n ako matatagpuan, ‘wag n’yo kong sasaktan. —> panalo!haha

pareho tayo ng paborito,wala akong ibang inoorder jan kundi ang sweet and sour lauriat , century egg, extra soup and soft drinks.wala nang iba.nakaprogram na sakin yan na pag pumasok ako at nasa harap na ako ng counter ay kusa nang bumubuka ang aking mga bibig at yan ang maririnig ng counter sakin.tapos ganun lang pala ang gagawin nila?paksyet talaga.KFC na nga lang ako!hmmmppp…

 
Comment by angel
2008-12-08 14:10:27

bwahaha siopao na kasing liit ng dede ng teen-ager na koreana.. pwede :lol:

 
Comment by Pryss
2008-12-08 19:55:13

eh nagmura din naman ng price kaya konti na lang din…

 
Comment by foo
2008-12-09 14:04:34

fuck nga! yan din ang favorite ko pero tinanggal nila. gusto ata nila ng gera eh. :p

 
Comment by fjordz
2008-12-09 15:44:16

buti na lang hindi pa yata ako nakakakain nun, hindi tuloy ako affecte sa pagkawala nila.. pero sa inyo sir (sir talaga hehehe), super affected kayo tsk tsk..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

 
Comment by mayui
2008-12-09 18:16:05

at oo nga pala, ‘kung sakaling makita n’yo ang address ko dun at kung sa’n ako matatagpuan, ‘wag n’yo kong sasaktan

ahaha! yun yun eh!

pero, wah. gusto ko pa naman yung lauriat na yun. asar! di ba sila gumawa ng sarbey bago sila nagdesisyon? malulugi sila niyan. tsk.
yaan na, baka ibaling din yan pag maraming naghahanap nun at nagrereklamo. :nod:

 
2008-12-09 21:45:48

nakow. nagutom na tuloy ako. hmmmph!

makahanap nga ng sweet and sour.

 
Comment by kengkay
2008-12-11 23:39:33

jon, kahit na anong hitsura nila, dahil sa tagal ko ng hindi sila kinakain e natakam pa rin ako sa pechurs mo, sorry ha!

 
Comment by Dyosah
2008-12-15 08:41:36

Malay mo bukas ibalik nila yang favorite mo. Papayag ka ba, pero kailangan masaktan ka muna nila? (ano bang address mo?)heheh :blush: Malay mo bukas ibalik nila yang favorite mo. Papayag ka ba, pero kailangan masaktan ka muna nila? (ano bang address mo?)heheh

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>