aja!
2 Dec
disyembre na at buhay pa rin ako, ambilis ng panahon at nage enjoy pa ‘kong mabuhay, nagbitiw pa naman ako ng salita dati na ayokong tumanda at kuntento na ‘ko sa idad na hindi lalagpas sa 35, at kung sakaling buhay pa ‘ko sa mga panahon na ‘yun, ako na mismo ang tatapos ng lahat. sa sitwasyon ngayon na bente otso na ‘ko at nageenjoy pa ‘kong mabuhay.. mukhang lalabas na sinungaling ako sa binitiwan kong salita, bahala na. ambaduy na kase magpakamatay sa mga panahon na ‘to, potangena kaseng mga kabataan ‘to na mahihilig sa itim at may mga bangs na tumatakip sa isang mga mata nila at mga mababaho ang itsura, ginawa nilang napakakorni ng pagpapakamatay.
minsan naiisip ko na may sariling paraan ang sistema ko na ibinabato ng subconscious mind ko sa kanya para mapagdaanan lahat ng problema at hindi indahin ang ’santambak na drama at issues na parang mga landslides na humaharang sa byahe ng buhay ko. siguro sanayan nga lang din, mula pa pagkabata naka program na sa isip ko na bago pa lang ako mag inat at maghikab para hudyat sa pagharap ko sa bagong umaga, gawa na at nakalista na sa isang papel ang mga bagong problemang ibabato sa akin at haharapin ko sa araw na ‘yun. at bago pa matapos ang pag ihi ko para patayin ang morning wood ko, pirmado na ‘yun sa kataas taasang konseho, nakanotaryo na, at laminated pa.
sabi nga nila hindi ka naman bibigyan ng problema na hindi mo kakayanin, pagsubok lang daw kase ‘yan. at bilang isang dalubhasa sa mga problemang nakakamatay at humihigop ng kristyanong paniniwala, iba ang tingin ko d’yan.. tipong sa dami ng pinagdaanan n’ya na alam naman natin na sobrang stressful di ba? minsan sa buhay n’ya kailangan n’ya rin maglibang, kaya minsan ibinabato ka n’ya sa gitna ng isang pagkalalim lalim na dagat at pag handa ka ng sumuko sa pagkawag, s’ya rin naman ang magbabato ng pagkakapitan mo. trip lang.
(more…)
