ohoooookward
5 Dec
ano ang awkward?
sa isang bar sa alabang.
mga tauhan
1. ikaw
2. babaeng nalink sa ‘yo dati
3. kasalukuyang boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati
4. kapatid ng babaeng nalink sa ‘yo dati
5. boyfriend ng kapatid ng babaeng nalink sa ‘yo dati
1. ‘yung habang naguusap kayo ng kasalukuyang boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati, pinag lagay ka ng babaeng nalink sa ‘yo dati ng pulutan sa platito.
2. ‘yung habang iniaabot mo ‘yung lighter sa babaeng nalink sa ‘yo dati, aksidenteng nagkahawakan kayo ng kamay.. ilang dangkal ang layo sa mukha ng boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati.
3. ‘yung nagkakalokohan sa basketbol at alam ng lahat na hindi ka marunong nun:
babaeng nalink sa ‘yo dati: ‘yan si cabron ang magaling sa basketbol!
boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati: magaling bang magshoot?!
…… katahimikan.
ohoooookward!

sssshhheeett!!! ha haha.
ano nangyari pagkatapos!!!
hahahaha… ayun laaaang!!!
bwahahah
ohhookkwaarrdd nga!
wow. awkward nga. paano mo nilusutan yung ganyang sitwasyon?
sabi ko naman sa iyo gantihan mo e.. sos ka..
ahahaha. after ng matinding katahimikan ano nangyari?
Parang may sequel ah… maabangan nga. hehe
jan mo kailangan ang power ng pagtatae…
awkward nga.. ano naisagot mo?
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Errrmmmm… magaling ka magshoot?
*kilig*
ano sunod?hhhmmm…let me guess…
nagdahilan ka na napapatae ka sabay exit?
talagang ohoooookward kung talagang di ka magaling mag-shoot! :p
hahahaha sana
may next episode!
hahaha..astig to ah.
wahahahahaha! di ko napansin to nung araw na un..apir!!
bwahhaa taena wag kang maingay, tsismoso!