Archive | December, 2008

wag ka na!

27 Dec

matagal ko ng hindi nararamdaman ‘to. sa totoo lang ang alam ko nga pambata lang ‘yung pakiramdam na ganun na bigla ka na lang kikiligin pag nagtama ang mga mata n’yo ng isang taong hindi mo naman kakilala at unang beses mo pa lang nakita. normal akong sumakay ng jeep at nauna s’ya dun, maluwag sa jeep nung oras na ‘yun. kabilaan kami, tapatan.  pag tingin ko sa mukha n’ya nakatingin s’ya sa akin at otomatik na kumawala ang isang ngiti sa isang sulok ng mga labi ko at nagulat pa ako ng bahagya ng gumanti din s’ya ng isang ngiti. ngiti na may halong hiya. nahiya siguro s’ya na nahuli ko s’yang nakatingin sa akin o pwede din na nagulat s’ya dahil hindi n’ya akalain na ngingitian ko s’ya.
at sapat na ang palitan ng ngiting iyon para umandar ng mabilis ang utak ko sa mga posibilidad na p’wedeng mangyari. gagamitan ko s’ya ng gasgas na pakagat na:

JON: ahhhm miss, bakit ka nakatingin.. may dumi ba ako sa mukha?
MISS: ah eh wala..
JON: coffee?
MISS: k.
(more…)

palark

26 Dec

hindi ko alam kung sa’n kayo dadalhin ng impormasyon na ito
(more…)

‘krismas

24 Dec

kung tutuusin medyo hindi maganda ang nalalapit na pagwawakas ng taon, tatlong buwan mahigit na kaming hindi naguusap ni mrs. cabron ng maayos at namimiss ko rin si gng. cabron na nagbabakasyon sa china kasama ng asawa n’ya. mahirap ang buhay na walang nag aasikaso, malimit akong pumasok ng opisina na walang laman ang tiyan, bawi na lang sa mineral water o tsitsirya. malimit din akong umuwi ng bahay na wala akong taong dinadatnan, sa bahay ng nanay n’ya natutulog madalas si mrs. cabron kasama ng anak n’ya.
dinaanan ko na dati ang mismong kalsadang dinadaanan ko ngayon, sabi nga ang buhay ay parang laban ng boksing. suntok lang ng suntok, wag mong indahin ‘yung mga suntok na matatanggap mo, basta ‘wag kang susuko.
at sa sitwasyon ko ngayon, dapat alam ko na ang ginagawa ko dahil parehong laro din ‘to na natapos ko na dati pa. hindi naman ako papatol sa rematch kung parehong taktika lang din ang gagamitin ko sa naunang laban.
(more…)

pldt

23 Dec

alam mo kung anong mahirap sa pinas? lahat ng dapat ikilos kinakailangan pa ng follow up. hindi pwedeng naputulan ka ng telepono at internet pwes magbayad ka at maghintay ka ng hapon o kinabukasan. presto, may telepono at internet ka na tulad ng sinabi nung pinagbayaran mo.
simpleng simple lang e, di naman kailangan na may pumunta pa sa amin na tao para pagkunektahin ang dalawang linya ng kable na naputol, tangena lalagyan lang ng check yung pangalan ng nanay ko sa program nila tapos ikiclick nila ‘yung reactivate button. tapos. .. ok pwedeng hindi ganyan pero parang ganyan ‘yun siguro.
kung nakakasakit lang ng pisikal ang mga mura, andami ng tinamaan ng ligaw na mura sa mga tiga sagot ng telepono ng PLDT at kung nakakamatay ‘yun, aalingasaw ang opisina nila sa amoy ng mga nabubulok na bangkay kinabukasan at sa mga susunod pang araw hangga’t wala akong naririnig na dial tone sa telepono namin. (more…)

ang scorpion at ang palaka

18 Dec

ang kuwentong ito ay nanggaling sa isang hindi kilalang manunulat. isa ito sa pinakapaborito kong kwento.

isang araw humihingi ng tulong ang scorpion sa isang palaka.

scorpion: kaibigan, pwede mo ba akong matulungan na maka tawid d’yan sa kabila ng sapa?
palaka: pwede kang sumakay sa likod ko, pero papa’no ako makakatiyak na hindi mo ko papatayin n’yang panusok mo?
scorpion: pag ginamit ko sa’yo ‘to, malalason ka.. pareho tayong malulunod.

nagtiwala ang palaka at pumayag s’yang sumampa sa likod n’ya ang scorpion.
masaya silang nagkukuwentuhan habang tumatawid sa sapa, ng biglang nakaramdam si palaka ng matulis na bagay na tumusok sa likod n’ya kasabay ng dahan dahan na pamamanhid ng buo n’yang katawan.

at habang unti unti silang lumulubog na dalawa..

palaka:
akala ko ba hindi mo ‘ko lalasunin?
scorpion: pinilit ko .. pero natural ko ‘yun.

k

17 Dec

ilang beses na rin akong nakapagsulat ng ganito ang tema at alam kong malaki ang posibilidad na ang ilan sa inyo ay nabibingi na sa mga sasabihin ko sa entry na ‘to. pero wala akong magagawa, mahirap tumagal ng isang araw sa interweb ng hindi ka makakasalamuha ng mga taong tulad nila. simple lang naman ang matagal ko ng sinasabi, kung ayaw n’yo sa akin kayo na ang umiwas, burahin n’yo ko sa listahan n’yo.. antitigas ng ulo n’yo, at wala akong naiisip na ibang paraan para mapalambot kayo kundi ang ilaga kayo dito sa blog ko.
sa totoo lang nababaitan ako sa’yo, ramdam ko rin ang sinsero mong pakikipag kaibigan sa akin pero ako ang taong hindi marunong magbigay ng papuri sa katangahan, hindi ko alam kung papano gawin ‘yun. kung nasita man kita dati, wala na sa ‘kin ‘yun kaya nga lumapit ako sa ‘yo na parang wala lang pagkalipas nun dahil normal lang ‘yun at akala ko kilala mo ‘ko. hindi ko inaasahan na nagtanim ka pala ng galit sa akin. alam mo, ang isa sa pinakamalungkot na tao sa mundo ay ‘yung taong sobrang siniseryoso ang mundo ng internet. maniwala ka dun dahil sinabi ko.
sa tono ng pananalita mo, nagdududa ka sa aksyon na ginawa mo at gusto mo kong maliin na katangahan ‘yun, pwes, bibigyan kita ng ilang halimbawa.
(more…)

wating

12 Dec

ako ang taong nararamdaman ko pag may nakatitig sa akin, kahit tulog ako bigla na lang akong nagigising pag may mga matang nagmamasid sa akin. sa bus kanina hindi ako mapakali pamilyar ang pakiramdam na sumasaklob sa ‘kin. panay ang lingon ko sa kaliwa at sa kanan dahil alam ko at sigurado ako na may mga matang kanina pa tumitingin sa akin. hanggang sa maikling pakikipag usap sa kunduktor para sa bayad ko, at ng sundan ko s’ya ng tingin mula sa likod ko nadaanan ng mata ko ang isang pamilyar na mga mata na nagmumula sa isang pamilyar na mukha na pag aari ng isang pamilyar na babaeng kanina pa matalim na nakatitig sa akin.   (more…)

para sa mga chinese bisnesmens

7 Dec

(more…)

ohoooookward

5 Dec

ano ang awkward?

sa isang bar sa alabang.
mga tauhan
1. ikaw
2. babaeng nalink sa ‘yo dati
3. kasalukuyang boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati
4. kapatid ng babaeng nalink sa ‘yo dati
5. boyfriend ng kapatid ng babaeng nalink sa ‘yo dati
(more…)

dengue

5 Dec

namisinterpret yata nung boss nating lahat ‘yung huling entry ko, akala n’ya yata naghahamon ako. nasa trabaho ako nung tumawag sa celfone si mrs. cabron, kasama n’ya daw magpacheckup ang anak namin, may sintomas daw ng dengue. lilipat pa sila ng ospital para sa lab test. totoo pala ‘yung mga kakornihan na nababasa natin sa komiks, nangyayari pala talaga ‘yung parang tumitigil bigla ang mundo sa paligid mo. halos mabingi ako sa sobrang katahimikan, antagal ko na palang nakatulala.
alas siyete pa lang nun, may tatlong oras pa ‘ko para makauwi at isang oras para sa byahe, hindi ko na alam kung papano ko napadali ang isa sa pinakamatagal n a apat na oras na ‘yun sa buhay ko.
(more…)

>