si binibining ojt ulit

25 Nov

update lang kay binibining. ojt
nakasalubong ko s’ya kahapon nung iihi ako, tinanguan ko lang s’ya nung nag good morning s’ya sa akin with matching kaway at ngiting nakakabighani, pag balik ko s’ya pa rin ang makakasalubong ko malayo pa lang nakangiti na s’ya kaya wala akong choice kundi ngumiti na rin habang malayo pa ako..
pagtapat ko sa kanya, binitawan n’ya ang salitang hindi mo magugustuhang marinig sa mga panahon na ‘to na halos lahat ay may celfone na at halos lahat ng bahay ay may computer at dsl connection na. patawang sumikat nung katanyagan ng palabas na john n marsha at lahat ng bahay ay may termos pa sa kusina, negro pa si michael jackson, at hindi pa nadidiskubre ni german moreno na bading s’ya.

aba sir, bagong gupit kayo ah’ .. buhay pa ba ‘yung gumupit n’yan?

halos ganyan ang reaksyon ko nung lumingon ako sa kanya at pumasok sa tenga ko ‘yung sinabi n’ya. at hindi ko na maalala kung saan ako humugot ng kaimposiblehan para mapilit ko ang mga labi ko para magpakawala ng isang pekeng ngiti.
seryoso, kung sa mga panahon ngayon at binibitawan mo pa ‘yang patawang ‘yan, nangangahulugan lang na nabubuhay ka sa lumang kahapon at hindi ako magtataka kung nagsusuot ka pa ng lola panty at hindi ako magtataka kung nababastusan ka sa pakikipag halikan na may kasamang hawakan.. at sa madaling salita, tinatamad na sa’yo ang boyprend mo at matagal na ang tatlong buwan para iwan ka n’ya.
.. at pag nangyari ‘yun, ‘wag kang lalapit sa akin ng umiiyak.




Parang medyo katulad din na entries:

  1. binibining jeni ong’

RSS feed

14 Comments »

Comment by Dyosah
2008-11-25 08:01:59

Aaww…di nga po? Buhay pa nga ba ung gumupit? Heheh! Peace papa J0n.

 
Comment by eiyelle
2008-11-25 13:11:58

ikaw naman sir para binibiro ka lang..hehehe!
o kaya naman nagpapansin siya talaga sayo..

hmmm..nararamdaman ko mas krass yun sayo .. :grinnod:

 
Comment by vin
2008-11-25 16:24:11

ang malupit sa entry na to e may nakahandang litrato para maipakita ang naging (halos) reaksyon. :nod:

kala ko nagpakalbo ka hehe, pero matatawag ba na nagpagupit ang nagpakalbo?

sana next entry may picture na ni binibining ojt na may blue contact lens.

 
Comment by lyzius
2008-11-25 17:40:27

naks! di nga…panu kapag lumapit sya? :grin:

Comment by Jon Cabron
2008-11-26 06:43:34

e di para s’yang gamu gamo na dumikit sa sapot ng isang halimaw na gagamba

 
 
Comment by feth
2008-11-25 18:19:40

uy!bagong gupit ka nga?buhay pa ba? :cool:

 
Comment by mnel
2008-11-25 21:33:50

matagal ko nang sinasabi na di ako maniniwalang pangit yung gupit mo kung walang picture.

Comment by Jon Cabron
2008-11-26 06:38:23

pero… baka pag nakita mo ang picture ko mainlove ka sakin at masira ang pag aaral mo, malay natin di ba? at ayokong mangyari ‘yun.

 
 
Comment by antuken
2008-11-25 21:35:36

haha. halatadong nagpapa-cute sya sa yo jon. can’t you see? hehe.

Comment by Jon Cabron
2008-11-26 06:40:58

hindi sa pag aano, alam mo ba.. sanay na ‘kong maka engkuwentro ng mga ganyan

 
 
Comment by eNocH
2008-11-25 22:17:42

picture or it didn’t happen.

Comment by Jon Cabron
2008-11-26 06:41:29

picture yor feiz

 
 
Comment by prinsesa000
2008-11-26 05:13:12

post ka nga ng picture ni binibining ojt… hhahaha

 
Comment by Irvin Ryan
2008-11-26 08:12:03

asan ba yang Miss OJT na yan at mapatikim ng chorizo de bilbao!!! wahaha!!!

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>