hoy

26 Nov

kung ikaw ay nasa opisina.
walang entry sa araw na ito, asikasuhin mo muna ‘yang trabaho mo at sulitin mo ang ibinabayad sa ‘yo ng mga nagtitiwala sa kakayahan mo . mahalin mo ang trabaho mo at isipin mo na lang ang mga aplikanteng may mga dalang folder na brown na hinahawakan nila ng mahigpit at iniiwas sa mga pasaherong nakakasabay nila sa pakikipag unahan sa bus para lang ‘wag magusot ang resume na laman nun. hindi alintana ang init ng araw o patak ng ulan para lang makapag apply sa mga kumpanyang katulad ng pinapasukan mo, at sa kasamaang palad hindi sila nabibigyan ng pagkakataon dahil sa mga katulad mong nauna ng nakapwesto d’yan.

at kung ikaw naman ay nasa bahay lang at walang hanapbuhay,
pwes, patayin mo ‘yang computer mo at maghanap ka ng trabaho.. batugan!
subukan mong dumungaw sa bintana n’yo at dun mo madidiskubre na may iba pang mundo maliban sa internet.
makipag kaibigan ka sa tunay na mundo, sumubok manligaw, umasa at mabigo, mamrublema at bumangon ulit,
tsumamba sa panliligaw, makipag anuhan.. magkaanak, bumuo ng pamilya.
magkaidad, tumanda, at mamatay.

.. kailangan ko pa bang sabihin na wala akong maisip na mai entry sa mga oras na ‘to?
kaibigan ko pa rin naman kayo ‘di ba? pupunta pa rin naman kayo dito ‘di ba?  :sad:

RSS feed

12 Comments »

Comment by Nicole
2008-11-26 08:57:20

Errrmmm.. Interesado ako sa ideya ng pakikipag-anuhan..

Comment by Jon Cabron
2008-11-27 19:49:08

booooooo!

 
 
Comment by irvin ryan
2008-11-26 08:59:38

oo naman pupunta pa din naman… ^_^

 
Comment by Dyosah
2008-11-26 09:00:17

Hmmm…cge balik ulit ako bukas baka may new entry ka po ulit. Heheh joke lng.

 
Comment by jeck
2008-11-26 09:46:46

magbabasa at babalik pa rin ako dito kahit tinamaan ako sa unang paragraph ng post na ‘to. hihi

 
Comment by bera
2008-11-26 09:51:23

san ba ako nakacategorize jan? nasa bahay ako at nagtatrabaho. aksidente ko lang naclick yung link mo. :lol:

biro lang, biro lang.

 
Comment by Mr. Alembong
2008-11-26 10:22:01

Ako din tinamaan sa unang part ng post na ito. Pero dadalaw parin ako dito. :)

 
Comment by popoy
2008-11-26 15:44:36

tinamaan din ako sa unang paragraph. hahaha. babalik kami mr cabron!!!

 
Comment by lyzius
2008-11-26 17:15:44

matabang utak at matabang mama na maputi…

swak!

Comment by Jon Cabron
2008-11-27 07:25:44

isang babae at isang walang kwentang comment…. swak!

 
 
2008-11-28 14:44:01

nasa school ako at wala pa akong trabaho.

di ako kasali sa categories mo. yehey!

 
Comment by Lhay
2008-11-29 19:51:33

gusto ko ung part na makipag anuhan :grinnod:

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>