Archive | October, 2008

misyon v1.1

31 Oct

masyado akong nalibang, akala ko naman kase ok na ang lahat. nag ubos ako ng oras, nagsayang ng panahon.. akala ko tagumpay na. hindi pa pala. naaalala ko pa nung una kong tinanggap ang misyon na ‘to, sabi ko madali lang ‘to kayang kaya. nung mga nakaraang araw wala na akong nakikita e’  mali pala. mali pa lang nagsiguro ako.
(more…)

ang lihim ng 6288

27 Oct

may kasabihan na manakawan ka na, ‘wag ka lang masunugan. pero sa katulad ko minsan mas mabuti ng masunugan at least walang ebidensya kesa manakawan ka ng celfone at kumalat ang lagim. naaalala ko tinext ko pa si lenggai isang text na hindi ko na maalala sa ngayon, malamang e kaplastikang obligasyon na bati ng pakikipag kaibigan. s’ya ang huli kong tinext bago ako umakyat sa taas para mag assist sa isang koreanong hindi makakonek sa internet.
may kulang dalawang oras na ang lahat ng ‘yun at habang abala ako sa pagpa plurk, may otomatikong hinanap ang kamay at ang mga mata ko na isang parte ng sistema ko na normal na hindi nalalayo sa akin ng matagal, nawawala yata ang celphone ko.
(more…)

naisip ko lang

27 Oct

naisip ko lang, bakit kailangan nating magdasal pag linggo sa simbahan at dun natin hilingin lahat ng gusto natin sa kanya, bakit kailangan na sa araw na ‘yun tayo makipag usap sa kanya
(more…)

paalam cyber ex

27 Oct

bago ang lahat gusto kong humingi ng paumanhin sa lahat ng mga sama ng loob na hindi sinasadyang naibigay ko sa ‘yo sa loob at labas ng relasyon natin, sa mga normal na pagkakataon bihira kong ihingi ng tawad ang mga bagay na hindi sinasadyang nagawa ko, pero bilang kristyano humihingi ako ng tawad sa ‘yo. sorry kung masakit akong magsalita tulad ng sinasabi mo pero naging totoo lang ako sa sarili ko, para sa akin ang katangahan ay katangahan at ang kabobohan ay kabobohan., sorry.
hayaan mo ‘kong pag aralan muna kung papano sasahugan ng sinseridad ang paghingi ko ng tawad kung bakit hindi ko natupad ang pangako ko sa’yo na ikaw lang at wala ng susunod pa. hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag sa ‘yo na parte lang ng relasyon ang lahat ng mga sumpa at pangako at kasamang ikinukulong ‘yun sa bote at ipinapaanod sa malalim na dagat pag tapos na ang relasyon na ‘yun. (more…)

di ka na blanko, utak ay listo

23 Oct

wala na akong naiisip na mas nakakairita pa sa sitwasyon na kausap mo ang boss mo at ang apat n’yang bisita, nasa may bandang dulo ka nakaupo habang nasa may labas ng opisina n’ya ang celfone mo na nakaset sa tatlong bar ang ringtone na sumisigaw ng “it’s ringing, it’s ringing, the fucking fone is ringing!!” ng paulit ulit. napahinto ang nagsasalita at napatunganga ang lahat ng kasama mong nakikinig sa kanya habang nakapigil sa ere ang dibdib mo sa paghinga. natapos lang ang delubyo sa loob mo nung natapos na ang isang set ng ring at tumahimik na ang telepono mo. umayos ng upo ang apat na bisitang katabi mo, nakatingin sa’yo ang boss mo at tipong nagtatanong ang mga mata n’ya ng “tama ba ‘yung narinig kong sinasabi ng ringtone mo?” yumuko ka bilang hudyat ng pag sang ayon.
(more…)

luhod-mandirigma

21 Oct

anong gagawin mo pag nakadiskubre ka ng isang bagay na ikaw lang ang nakakaalam, hindi ito ginto at hindi rin naman kapangyarihan. teknik ang tawag dito, at mas importante pa ‘to kahit na anong ginto at mas malakas pa ‘to sa kahit na anong kapangyarihan.
nung isang ordinaryong tao pa lang ako at hindi ko pa nadidiskkubre ang teknik na ‘to, idinadaan ko lang ang lahat sa dasal at paghingi nga tulong sa nasa itaas.. “sana po sagipin n’yo ko sa delubyong ‘to” epektib naman s’ya nung una, hanggang sa na imune sa dasal ang tiyan ko. sinubukan kong haluan ng tipong panliligaw ang kausap ko “sana po sagipin n’yo ko sa delubyong ito, at pangakong magbibigay ako ng barya sa mga pulubi sa kalsada.” matagal kong nagamit ang orasyon na ‘yan hanggang sa siguro napansin n’yang talk shit lang ‘yan, nawalan din ng bisa pagtagal.
(more…)

meron akong ano

20 Oct

mag aalas kwatro ng madaling araw, nakikipag laban ka sa antok sa opisina. mainit pa ang kape mo kaya hindi mo pa mainom, wala ng tao sa plurk. naisipan mong magbukas ng friendster account mo para lang salubungin ng ganitong mensahe sa bulletin board.

hindi ka naman ganun ka die hard fan pero nabigla ka sa nabasa mo, napaisip ka pa nga kung saan mo ba s’ya huling nakita, naalala mo sa commercial sa tv. naisip mo mukhang malakas pa s’ya nun. hindi ka naman ganun ka die hard fan pero nagagalingan ka sa kanya. naghahalo ang pagkagulat, panghihinayang, at panlulumo sa loob mo.
kinlick mo ang istorya.
(more…)

gago!

19 Oct

sa totoo lang ayoko na talaga kitang itext pag may lakad ang tropa, sumasama lang ang loob ko at nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko pag hindi ka nagrereply. parang pakiramdam ko napakadesperado ko na maghanap ng makakasama sa inuman para sumugal lagi sa’yo kung kelan ka pwede. pero wala akong magagawa, sanay na ang tropa na ako ang laging tiga contact sa lahat pag may gimik na ganito.
nakakasama lang ng loob kse gasino na ‘yung isang text na manggagaling sa’yo para sumagot na hindi ka pwede kung ayaw mo, iniisip mo ba na kukulitin ka pa namin pag tumanggi ka? hindi naman tayo mga bata pa para sa mga kantyawan na ganun. at hindi ka naman artistahin para gumanun pa kami.
(more…)

an uber friendly reminder

16 Oct

mas matutuwa pa ako kung hindi n’yo ko masyadong seseryosohin. hindi ko naman sinasabi na bastusin n’yo ko minu minuto, iba naman ‘yung salitang respeto sa seryoso. ang sa akin lang, katulad ng ilang ulit ko ng sinabi sa inyo hindi naman ako seryosong blogger na tumatalakay sa gobyerno o patungkol sa diyos, ‘wag n’yong gamitin ang mga salita ko laban sa akin at lalo ng ‘wag n’yong ituring ang lahat ng mga sinasabi ko na para akong santo papa sa inyong harapan.
madalas, wala akong sinasabi na ikakapag pabago ng takbo ng mundo, at madalas sa hindi na magsasalita ako na ikakapag pabago ng pang araw araw na buhay mo. ‘wag mong pahagingan na ganun ang sitwasyon.
(more…)

sayang nameyn

14 Oct

sa tulad kong graveyard shift, abnormal na nagtatapos ang araw sa oras na mahiga na ako sa kama at ipikit ko ang mga mata ko, at madalas sa pagitan ng alas dose hanggang ala una ng tanghali naisasakatuparan ang lahat ng ‘yun. siguro naman hindi na magiging mortal sin para sa akin na pumili naman ako ng pasaherong makakatabi sa byahe. sinungaling ako kung sasabihin kong mas pinapaboran ko pang makatabi ang isang babaeng mukhang librarian na matandang dalaga na amoy safeguard kesa sa babaeng naka damit opisina at amoy baby cologne.
ganyan na ganyan ang naging sitwasyon kani kanina lang. sa bus.

(more…)

>