cheche
16 Sep
ito ay entry para sa mga kababaihang nagdadalantao o mga nagpaplano pa lang na bumuo ng sanggol. ito ay sumisentro sa pagpapangalan ng bata, ilang milyon ang pupwedeng pangalan na magagamit mo sa anak mo at doblehin mo pa ‘yun para sa mga kumbi kumbinasyon. dapat mong isaisip na bilang magulang obligasyon mong pumili ng pangalan na alam mong hindi n’ya ikahihiya pagdating ng panahon.
iwasan n’yo sana ang palayaw na CHE CHE, kumpletuhin n’yo kung cherrilyn ang trip n’yo, o gawin n’yong cherryl kung gusto n’yong paikliin, at gawin n’yong cherry kung medyo nahahabaan pa kayo ..pero utang na loob ‘wag che che. at iyan ang batas na nakahanda akong ipagpalit ang dalawang kamay ko o pati ang buhay ko maipatupad lang ‘yan sa buong pilipinas.
ano ang punto ko, hindi ako palalabas na tao, lumalabas lang ako pag may gimik ang tropa. hindi ako ‘yung tipo ng tao na pupunta sa ibang lugar at mandidiskubre ng mga bagong tao para mga maging bagong kaibigan. madalas nasa loob lang ako ng kwarto at nasa harap ng computer, pero ilang che che ang kakilala ko ng personal? apat.
merong che che na asawa ng isang dating barkada, pangalan ng malayong pinsan, pangalan ng nanay ng isang kaibigan, at che che ang pangalan ng naglalako ng palitaw dati sa amin na miyembro pala ng budol budol. at bukod pa d’yan ang libo libong che che na makakasalamuha mo sa chat rooms. sa madaling salita, kung magaanak ka ngayon at papangalanan mong che che, at ang anak mo ay magaanak din pagdating ng panahon at papangalanan n’yang che che ang magiging apo mo, hindi malayong sa mga susunod na dekada lahat ng babaeng makakasalamuha naming mga lalaki ay che che ang pangalan. at kung nabababawan ka sa pinupunto ko, bibigyan kita ng isang simple pero matibay na punto. kung ang kalahating bilang ng mga lalaki pagdating ng panahon na ‘yun ay katulad kong engot na ipinapa tattoo ang pangalan ng gelprend n’ya sa parte ng katawan n’ya, naiisip mo ba kung anong posibleng mangyari? kalahati ng populasyon ng mga kalalakihan sa mundo na makakasalubong mo may tattoong che che sa katawan nila, at posible pang hindi lang isang che che ang mababasa mo sa isang katawan. at seryoso, napaka pangit tignan ng “CHE CHE” bilang tattoo. ang iskwater!
si che che lazaro at si che che ng sexbomb kaya lang mga payat ‘yun dahil hindi naman sila mga normal na tao, mga personalidad sila sa tv. pero isa isahin mo ang mga che cheng kakilala mo na mga normal na tao.. malaki ang porsiyento, kung hindi man lahat ang mga matataba. at nakahanda akong magpatali sa kahit na anong puno at papayag ako na sapakin n’yo ko sa mukha sa tatlong mapapatunayan n’yong che che ang pangalan, kilala n’yo ng personal, may idad na bente sinko pataas, at hindi mataba. bihira ang may pangalang ganun na hindi malakas kumain at isang malaking pagpapatunay dun na wala kang makikitang babae na nagngangalang che che saan mang lugar sa eutopia. bakit? hindi ko rin alam. isa sa misteryong hanggang ngayong ay hinahanapan pa rin ng kasagutan ng mga siyentipiko ay kung bakit ang isang babaeng may pangalang che che ay tumataba sa idad na bente singko paitaas, at oo, kaya kong patunayan ‘yan dahil nabasa ko ‘yan… nakalimutan ko lang kung saan.
seryoso, hindi lang sa mga ina o mga nagpaplanong maging ina, pati na rin sa mga ama ng tahanan, ang kauna unahang pagpapatunay ng pagiging mabuting magulang n’yo ay nasa pagpili ng magiging pangalan ng anak n’yo.
tulungan n’yo ko sa adhikain ko na ito na sa susunod na lima o sampung taon, wala ng bagong susulpot sa mundo na may pangalang che che. hayaan na nating ‘yung mga nabubuhay ngayon sa pangalan na ‘yan ang maging mga huling magdadala ng walang kadating dating na pangalang ‘yan.

hahaha. may mga pangalan talaga na unang rinig mo palang parang alam mo na yung itsura ng tao.
che che. parang che! nang dalawang beses. di ba ibig sabihin ng che! ay “bwisit ka, wag mo kong istorbohin?” ahaha..
ano bang meron sa mga pinoy ay gustong-gusto nila yung inuulit na pangalan?
hmm.. buti wala akong kilalang cheche.
Haha, Mukang nakalimutan mo rin bro na ang literal na ibig sabihin ng CHE CHE ay pagiging suplada. Isipin mo na lng pag naka-tatoo sa lalaki ang CHE CHE – parang napaka suplado ng tattoo mo.
Cge, nagbabalak na kami ni Misis na magkaanak ng gril naman. At di namin papangalanan ng CHE-CHE. Btw – Sino nga ba si CHE CHE? may kinalaman ba sya sa buhay mo? hehe!
cheche ang tawag ng kaibigan ko sa mga taong mukhang katulong
Jon, ang tagal na nating magkaibigan at narealize ko ngayon na funny ka pala. Seryoso. Che-Che na naglalako ng palitaw na miyembro ng budol budol? Sooo funney!
E pero, pano si Che Guevara na nasa T-Shirt ng maraming tao?
pero totoong member ng budol budol yung si che cheng tindera!
at oh?! babae si che guevara?!
hmmm..parang may halong sama ng loob si sir jon kay che che ah!
siya ba ang unang babaeng sumugat sa iyong malusog na puso?
nagtatanong lang
kaya pala yung friend ko ayaw magpatawag ng che che at pinagdidiinan na cherry ang nickname niya..hahahaha! ayaw maging iskwater!
Hahaha! Tama ka ung anak ng ka opisina ni m0ther ko Che Che name, ayun napabayaan sa kusina. At bukod sa CheChe madami pa akong alam na pangalang inuulit. Hmm..buti ikaw di naging Jon-Jon heheh
Hahaha! Tama ka ung anak ng ka opisina ni m0ther ko Che Che name, ayun napabayaan sa kusina. At bukod sa CheChe madami pa akong alam na pangalang inuulit. Hmm..buti ikaw di naging Jon-Jon heheh
Isa lng ang kilala kong Che-che.. un ung kapitbahay nmin na hanggang ngayon e pinaninindigan nyang inagaw ko ang bf nya (na naging first bf ko! hihihi) Hanggang ngayon di pa rin kme friends (kahit break na kme ni 1st bf)… kaya jon, isusulong ko yang panukala mo!
may kaibigan din akong che che. call center agent, 24 years old. mataba. bwahahahaha!
kitams!
sa batch namin simula elementary hanggang highschool, lima ang michelle sa klase… at lahat sila “che-che” ang nick name…
yung iba para maiba nilalagyan ng “H” ang nick name nila..
“Cheh-Cheh”
hay naku!
magmula ngayon magda-diet na ko.
hehe 4 ang kilala kong che che na taga-dito sa amin. tama ka sa adhikain mo.
sayang,yung friend ko na hinikayat kong mgbasa ng blog mo crush na crush ka nya lalo na nung nakita ka sa flicker.cheche kasi pangalan nya.sayang,napakaganda pa naman nya,maputi,5,8 ang height,tuwid at makintab ang mahahabang buhok.at ubod ng sexy kasi alaga sa gym.ilang beses na ring nananalo sa mga beauty pageant…..che-che…………………
hindi ako makikipag kahit na anong uri ng relasyon sa babaeng may pangalang che che. kahit kailan.
at hindi ako naniniwala na may babaeng che che ang pangalan at maganda.
di ko alam baket parang may halong galit sa puso ang paninindigan mong wag ikalat ang pangalang yan..
cge po sir jon pakatandaan ko,once na me bebe na ako,ikonsulta ko sau pede ipangalan..mahirap na bka ma-murder sa blog-world..
siyur thing!
tse! tse!
paano na si junjun?
Hindi Che Che ang pangalan ko. Hindi mo din makikita sa mga baby names book or site ang pangalan ko.
Ang Kisty ay malayong palayaw sa tunay kong pangalan, ngunit ang tunay kong pangalan ay hindi mo rin makikita sa baby names book or site. Hehe!
Nagpapasalamat ako sa parents ko na kahit napaka-unique ng name ko ay hindi siya kasama sa populasyong Che Che!
Che!
LOL.. LMAo ROFL!!!!
blessy mae, stunner na pangalan.
meron akong friend na cheche. pero di naman sya fat. tapos sooper sweet pa. parang opposite ng sinasabi mo. siguro kse hindi talaga nya name yun at nickname lang.
akala ko pa naman dun sa 1st sentence ng post mo eh tungkol ito sa tip pano magka-baby. hahaha. palibhasa kse inip na ako mabuntis.
eniwei, naalala ko lang dahil ang topic mo ay tungkol sa mga pangalan. meron ako kasamahan sa work ang surname – PRING (unang pumasok nga sa isipan ko, joe pring). tapos ang first name nya. IRISH. — wala lang naman, nai-share ko lang. (sabon na sabon ang dating.hehe.)
ayoko din talaga ng che-che or kahit anong pangalang inuulit ng dalawang beses ang iisang syllabus. parang tunog doorbell eh. tulad ng ding-ding, dong-dong, bambam, bong-bong, bing-bing, ting-ting, atbp. kairita!
habang binabasa ko ang entry na to isa-isang bumandera sa utak ko ang mga pangalan ng mga kakilala ko. at yun nga, may dalawa akong kakilalang cheche. hindi pa lagpas sa 25 yung isa, pero nasa horizontally gfited side siya dahil kapapanganak lang; yung isa naman eh lagpas na sa 25 pero hindi naman katabaan. sayang. isa na lang pala at pwede na kitang ipatali sa puno. hehehe.
for the record ang nickname ko noong bata ako ay…
nel nel.
napakasayang isipin na itatali mo ako sa puno, gusto ko ‘yun
lagot kaaaa nakakita si mnel ng isa pang oh lala na cheche. handa ka na ba sa rope burns?
sige na nga, from now on, cher cher na lang ang ipangalan sa mga nais pa rin ng may dobleng “che”. cher-cher. tunog pa lang, malibog na. hehe
hahaha..oo nga ano…yung high school friend ko che che rin ang name nya and ur ryt mataba nga rin sya…isang theorya n ata ang pangalang che che na pagiging mataba.