sa babaeng naka off shoulder na pink
9 Aug
coco manggas
pacita complex
08/06/08
dumating kami, andun na sila’ hindi ko alam kung pang ilan na ‘yung bucket sa harapan nila ng san mig light pero dalawa na lang ang natitira dun, at mga normal pa silang kumilos. alam kong hindi n’yo alam pero kung ang mga bakla ay may tinatawag na gay dar, meron din ang mga lalaking radar pero nagagamit namin ‘yun sa ibang paraan, alam namin sa unang tingin pa lang kung sino ang mga babaeng kaya namin. tipong pagpasok namin ng isang lugar, otomatik na gumagala na agad ang mga mata namin n’yan at naghahanap ng mga pwede at mga pwede.
ok, alam kong medyo malabo at naiintindihan kong mga virgin at minor de idad pa ang mga mambabasa ko, kaya ang pagdedetalye ng mga bagay tungkol sa ganyan e walang pinagkaiba sa hirap ng pagpapasok ng marshmallow sa butas ng alkansya, gagawin kong simple. ito ang unang pwede na dapat masundan ng pangalawang pwede:
pwede 1 - ‘yung babaeng pasado sa panlasa mo.
pwede 2 - babaeng papasa ka sa panlasa nila.
at para mas madali, gagamitin ko ang picture sa eksatong bar na ninakaw ko sa friendster account na hindi ko na matandaan kung kanino, at wala akong pakialam.

pagpasok mo sa bar na ‘yun matapos mong malagpasan ang mga bouncers na parang kaya kang patayin sa pamamagitan lang ng larong pitik bulag, iyan ang makikita mo. at lahat ng may check na pula iyan ang otomatik na paggala ng mata ko at paglalagay ng bench mark sa mga babaeng sa tingin ko ay panalo, at kung panalo din ako sa paningin nila o kung pwede ako sa kanila, mahabang proseso ‘yun.. kailangan pa ng malalagkit na tingin, aksidenteng pagbangga sa braso habang sinadya mo silang sabayan na mag cr, panghihiram ng lighter, nalaglag na kutsara sa ilalim ng mesa nila, patext.. etc. lahat ng ‘yan depende sa magiging reaksyon nila.
may kung ilang ulit kong sinubukang hulihin ang mga maiilap na tingin ng babae sa kabilang mesa, may kung ilang ulit din na pinilit kong magyosi ng sunod sunod para lang makuha ang atensyon n’ya, pagsamahin mo kung ilang ulit ‘yang dalawang ‘yan at ganun din kadaming beses na wala sa sariling nakakagat ko ang mga ngipin ko sa tuwing dumadaan s’ya sa harapan ko para mag cr at naiiwan ang amoy n’yang nililipad ng hangin, nenuco chips pa yata.. isa sa pinakamabangong kemikal na naamoy ko sunod sa PH care.
sa kabilang mesa sa dulo andun si jamilla ocampo ng pinoy big brother, pero wala akong pakialam. ang gaganda at ang seseksi ng mga kasama n’ya pero wala akong pakialam. sumasayaw sila ng mahaharot, pero wala sa kanila ang atensyon ko, nasa kanya lang, sa babaeng naka off shoulder at may mailap na mga mata sa kabilang table.
nung minsan na nag cr s’ya at nabunggo n’ya yung tuhod ko dahil naka dekwatro ako, akala ko senyales na ‘yun na tipong “hi medyo pogi, diskartehan mo naman ako.. lasing na kse ako” pero pagkatapos n’yang mag sorry na ginantihan ko ng “ok lang” sa paos at nanginginig na boses, tumalikod na s’ya at nagmamadaling pumunta sa cr, kung natatae s’ya o nasusuka na, hindi ko na inalam pa.
pero mas ok sana kung hindi muna s’ya tumalikod at nagkaron muna kami ng kahit maiksing paguusap lang sana.
chick: sorry..
jon: ok lang, di mo naman sinasadya, mali din ako kse nakaharang ‘yung tuhod ko, kanina pa kse kita tinititigan at sa hindi maipaliwanag na dahilan e hindi ko maipagdikit ang mga paa ko ngayon habang nakaupo ako.
chick: ngeks! malaki ba ‘yan?
jon: hindi.
chick: ahhhkei. sige, kailangan ko ng mag cr
jon: ahhhhm’ may blog ako!
chick: ahh talaga.
jon: joncabron.com
chick: putangina!!! ikaw si joncabron????
jon: yep, sige na mag cr ka na..
chick: samahan mo ko.
jon: pero maliit lang ‘to
chick: wala akong pakialam, dahil ikaw si jon cabron.
iyan sana ang posibilidad na kinalabasan ng paguusap na ‘yun kung binigyan n’ya lang ang sarili n’ya ng pagkakataon na makausap ako. pero hindi, dahil matulin s’yang tumalikod papuntang cr, at ilang minuto matapos ang eksenang ‘yun, namalayan ko na lang na lumipat na ‘yung mga lalaking katabi ng table namin sa pwesto nila.
ako ba ang nawalan? hindi. dahil bukod sa ako si jon cabron, at kung nagkahulihan tayo ng loob nung gabing ‘yun at nagkasundong magpahangin sa labas, at aksidenteng naligaw sa isang pribadong lugar, nakita mo ‘yung anak ko sa flickr account ko? ang ganda di ba?
… at hindi kagandahan ang nanay n’yan,
do the math, woman!

tanang yan…
napakaswerte nga ng anak mo at malakas ang dugo ni mrs. cabron!
magaling. taas ng rating nito.
pucha! ginawang hobby ang pag iilusyon!
putragis na kalikutan ng isip yan!!!
DI ko na ma-imagine pag tayo ang nagka-anak…godd
ess ba ang kalalabasan…
Kamukha ng tatay iyong anak, wow kaya pala tumino na, hehehe.
mmmkei. bwahaha. buti ka pa may social life. parang panget naman nung babae na katabi yung nakapink na lalake sa kanan. para sa anong klaseng ‘pwede’ ba yun?
wahaahhaha! Bitterness?!
huwaw.. namiss ko yung mga ganyang banat ah ..hehehe… wala kasi mashadong social life d2
… di bale saglet na lang ren.. heheheh
kasama po ba yung lalaking naka white na shirt and cap na may check rin?
bilib din naman ako syo jon..alam moyung term na “off shoulder”..
not all men aware of that ladies’ type of clothing..
usually sasabihin lang nila “pink na blouse” or even “pink na damit”..
minsan tuloy napapisip ako syo eh..
Bitter Ocampo??!!
so talaga bang maliit ang ke jon cabron???????
Ayos, iba talaga karisma ni Papa JONCABS.
matagal tagal na din akong ndi nakakagimik.
asteeg naman ang mga ginagawa nyo kapag nagbabar kayo.
akala ko sa unang line eh cocomanggas somewhere in aklan. the best margarita i’ve tasted eh dun sa bar na yun.
kaka-miss yung mga pagtalanding sinabi mo jon c. ganyan din ako magpa-cute nung dalaga pa ako. hahaha.
siguro kung nalaman ni babae na ikaw si jon cabron.. nagtititili yun at nagpa-autograph agad…
spell B-I-T-T-E-R-N-E-S-S!
luma na daw style mo, isip na ulit ng bago! yung digital naman.. (–,)
ikaw na ang maging joncabron…size doesn’t matter…haha!
ahahhaa.. tinalikuran ka haydol?
basta ang alam ko, pogi at malakas appeal ni jon. malas na lang nung tumatalikod sa kanya
alam n’yo si kengkay lang ang may kwenta sa inyong lahat.
“dahil ikaw si jon cabron”
hanep. kakaloka ang level. gusto ko sana icopy peys comment ni kengkay para may kwenta din ako. hehe.
hahaha..
bulset na gel un!
tinalikuran pa ang grasya!
bwahahaha…
LOSERRR ka GEL NA NAKA -OFF SHOULDER!
Magkapatid yung lalakeng nakapink at babaeng nakapink na sumusupsop ng ice cream na may check sa kaliwang utong.
lahat naman ng babae sa pichur nilagyan mo ng tick marks.
at pinaiyak mo ko sa pichur ng mag-inang paniki.
sorry na
hanp ang ganda nang ratings you jejejejejejkek
hanap u aman ako bf e2 # 09079498121 yan po pro ndi me mganda jejejeje just txt me w8 q
bf hanp 09079498121
ndi lahat ng mganda pangt ang ugali ako kht pangt ako penglalaki ko jejejetxt m8 09079498121