kerido
18 Aug
isang mainit na saludo para sa lakas ng loob at tibay ng paninindigan ng lalaking bumasag sa katahimikan ko nung biyernes, at bago ko ibaba ang kanang kamay ko mula sa kilay ko.. isang matinding katok sa sintido mo, para sa lakas ng loob mong walang ibubuga at paninindigang hilaw.
tahimik akong nagba browse sa net nung gabing ‘yun, mag isa na lang ako sa opisina, nag aabang ng tawag para magtrabaho at naghihintay ng oras para sa uwian. nakabukas ang YM ko pero wala namang makausap. tahimik ang gabi at maulan sa labas. maya maya ginulat ako ng isang PM sa akin, una, dahil alam kong hindi dapat active ‘yung account na ‘yun dahil alam kong wala ‘yung may ari, at pangalawa, hindi ako sanay na kinukompronta ako.. at oo, hindi eksaherasyon ‘yan na dalawang beses akong ginulat ng isang mensahe.
ikaw ba ang bagong boyfriend ng may ari ng account na ‘to?
(more…)

gusto kong palakpakan ang kung sino mang henyong anak ng diyos na nakaimbento ng kemikal na itinitimpla dito sa bagong flavor ng baygon. isang kemikal na para lang sa mga pesteng ipis.