macgyver

22 Aug

naranasan ko na ‘to dati sa unahan ng jeep, tanghaling tapat nun at napagitnaan ako ng drayber na amoy matabang masipag at ng kaibigan n’yang amoy nasusunog na clutch ng sasakyan ang kili kili.. pero gabi na kanina, at malamig ang panahon. mas matindi ‘to at muntik na ‘kong mamatay sa pagkalunod sa sarili kong suka sa loob ng bibig ko.
napalitan ang naramdaman kong saya kanina sa pagkakasakay sa mabilis na bus ng dalawang pangunahing karakter sa nasakyan kong jeep sa alabang byaheng pa muntinlupa. dalawa lang kami ng drayber nung unang magkatabi at medyo nahalata ko na ang kakaibang tapang ni pareng drayber pero hindi ko na lang pinansin, paalis na ang sinasakyan naming jeep ng humabol ang side kick n’yang tigatawag ng pasahero, pinagitnaan nila akong dalawa at wala akong kalaban laban.
sa bawat taas ng kamay ng drayber na nakasandong blue para akong tinatarakan ng mapurol na kutsilyo sa lalamunan, hindi ko alam kung nagdedeliryo na ako sa baho o talagang may mga nakikita akong maliliit na taong mga nakasabit sa bawat hibla ng buhok n’ya sa kili kili na sabay sabay nagdidighayan ng amoy kakatapos lang malunok na langgonisa sa mga tiyan nila sa bawat abot ng drayber ng bayad at sukli.
hindi rin nagpahuli ang assistant n’yang pagke yabang yabang ng anghit, at proud na proud pa s’yang idinantay ang mga braso n’ya sa may sandalan namin na parang nakaakbay na s’ya sa ‘kin, at oo, nasa may batok ko ang kili kili n’yang amoy langka. isang mistulang nakakasulasok na gas chamber ang taenang jeep na nasakyan ko at obligadong nagbayad ako ng walumpiso at singkwenta centavos para malanghap ang mga lason na ‘yun. naisip ko na para maging katanggap tanggap ka na assistant ng drayber may mga ilang katangian na dapat taglay mo.
1. malakas ang boses – para makakuha ng atensyon sa mga posibleng pasahero.
2. matapang – para sa mga karibal sa negosyo.
3. alam ang basic ng dagdag bawas – para sa tamang pagsusukli.
at ang huli, may anghit, sa hindi malamang kadahilanan pre requisite ‘yan kung gusto mong matanggap sa trabaho.
sinubukan kong hindi huminga pero kusang natataranta ang katawan ko bago pa ‘ko abutin ng isang minuto, sinubukan kong puro pabuga lang ang gawin sa hangin at walang papasok pero namumuo ang luha sa mga mata ko,
at sa pagkakataon na ‘to na wala ka ng magagawa at sarili mo na lang ang aasahan mo para makauwi ka ng buhay at malusog sa bahay n’yo, mailalabas mo ang kakaunting gapatak ng pagkahenyo sa kadulu duluhan ng utak mo,
ala Mac Gyver.
iniluwa ko ang bubble gum na mahigit isang oras ko ng nginunguya, binilog bilog ko sa hinlalaki at hintuturo ko at inilapit ko sa ilong ko kasabay ng isang malalim at mahabang pagsinghot dito.. hindi s’ya kasing bango ng mga pangunahing pabango sa sasakyan tulad ng lito & nene o ng mga pangkaraniwang mga nakasabit na korteng pinetree at amoy lemon na nakakahilo sa tapang ng amoy, at sa katunayan sa halos isang oras ko s’yang pinaglalaruan sa bibig ko buhat pa sa opisina e medyo hindi na rin magiging katanggap tanggap ang amoy n’ya kung ordinaryong sitwasyon lang ‘to, pero masasabi kong iniligtas ako ng bubble gum na ‘to. at hindi lang yata tatlong beses na nawalan na s’ya ng amoy pero inulit ko lang ang proseso, nagipon ako ng laway, ipinasok ko ulit s’ya sa bibig ko at may tatlumpung beses ko ulit s’yang kinagat kagat, inilabas ko, binilog sa daliri ko, at inilapit sa ilong ko kasabay ng mariin at mahabang pagsinghot dito. at namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng kalsada namin. good times’
at tumawid ako ng may bilib sa sarili at buong dignidad sa pagkatao ko.

RSS feed

18 Comments »

Comment by Lenggai
2008-08-22 03:11:11

holy… nawala ang antok ko… at bigla kong nailuwa ang natutunaw nang doublemint mula sa bibig ko.

walang sense? k.

Comment by Jon Cabron
2008-08-22 18:35:39

ano ba yan, andisgusting mo naman :roll:

 
 
Comment by potsquared
2008-08-22 08:31:12

ang husay mo talaga sir jon! at napakatapang! akalain mong natiis mo ang kasulasulasok na mga amoy… pero siguro, nandiri sa iyo yung drayber at assistant, sa loob loob nila, sabi siguro nila.. “yuck! this guy is so baboy…”

Comment by Jon Cabron
2008-08-22 18:39:56

hmm naisip ko baka nga pagkatapos nung pasada, nagkuwentuhan ‘yung assistant at drayber,

driver: pare nakita mo ‘yung nasa gitna natin kanina?
ass: oo, pare ang baboy! nilabas masok nya yung babolgam sa bibig nya tapos inaamoy nya
driver: oo nga, nakakadiri muntik na nga akong masuka..
ass: o tara na mag pakapalan na tayo ng mga libag sa singit natin!
driver: k.

 
 
Comment by Liz
2008-08-22 09:16:42

honga…habang lihim kang nasusulasok sa amoy ng mga katabi mo, lihim din naman silang nasusulasok sa ginagawa mo sa babolgam mo…. :grinnod:

Comment by Jon Cabron
2008-08-22 18:40:31

hay doubt eat

 
 
Comment by lyzius
2008-08-22 10:42:18

sana tinago mo yung babol gam na nagligtas sa buhay mo. balang araw, ipakita mo sa mga lahi mo na itong babol gam na ito ang nagligtas sa buhay ko some years ago…

tsk! ang hirap tumawa ng walang sounds

Comment by Jon Cabron
2008-08-22 18:41:07

nilunok ko na e

 
 
Comment by trina
2008-08-22 16:07:13

klasipikasyon ng mga basura sa kilikili ng mga manong driver at barker.

wet – baka talagang mainit lang, kaya na incubate at nagpropagate yung mga sulfur-secreting bacteria na nagnenest sa mga armpits nila.
dry – mmmkei. mga synchronized swimmers lang ang kayang magstay sa ganitong klaseng sitwasyon. malalakas ang baga. ikaw, kahit hindi ka synchronized swimmer wag ka na kasi nagyoyosi ka.
extra dry – … paktay na. baka kamag anak nyan yung madalas maningil ng 5-6 sa kapitbahay namin.

yuck. kadirdir. babolgam? pwede ka naman magtakip ng panyo. sa mga pagkakataon na ganyan, hindi na mahalaga ang pagkalalake. buhay ang kapalit. :lol:

Comment by Jon Cabron
2008-08-22 18:42:49

pero puro kulangot na ‘yung panyo ko nung nasa opisina pa lang ako.. at isa pa, may mga anghit na kayang tumagos sa tela, baka di mo alam’

Comment by trina
2008-08-24 13:59:21

YUCK. pwede namang tissue. okaya kahit toilet paper.

malungkot kong ipinahahayag na tinatapos ko na ang pagkakaibigan natin. :lol:

(Comments wont nest below this level)
Comment by Jon Cabron
2008-08-25 00:46:46

tissue sa pangungulangot? ambakla kaya nun!

 
 
 
 
Comment by M
2008-08-22 16:09:29

Kahit si McGyver di maiisip gawing Vicks Inhaler ang nginatang babolgam. Sabagay kung susumahin mo parang do or die na. Kombohan ka ba naman ng ganun, sino bang di maalibarbaran. Palagay ko yung pinagsamang amoy nila ang tunay na dahilan ng pagkaantok ko tuwing nasa jeep.

Act of nature ang nangyareng pagsinghot mo ng babolgam. Kung ang mga butiki, kinakagat ang buntot, ikaw naman nanininghot ng 1-hour long na babolgam.

Comment by Jon Cabron
2008-08-22 18:44:31

meron pa kong isang nadiskubre para sa mga biglaang sitwasyon… laway! pwede s’yang pampadulas ng…. tsaka ko na lang sasabihin siguro’

 
 
Comment by antuken
2008-08-24 08:51:48

kung halos isang oras na ang babolgum sa bibig mo, ibig sabihin, eh halos laway mo na lang ang inaamoy mo di ba? mabuti naman at di ka natigok sa pagka-sandwich ng driver at assistant nya.

pero, nakikisimpatya ako. hindi ko yata kakayanin ang pinagdaanan mo. susko, lulundag na ako pababa ng jeep! hehe.

Comment by Jon Cabron
2008-08-25 00:45:53

kasing bango ng bambini cologne ang laway ko

 
 
Comment by angela
2008-08-24 20:23:05

ang mas nakakadiri pa kung hahawa sa suot mo yung mga anghit nila.. yuck… :no:

 
Comment by charlbert
2008-08-28 13:49:51

nakakatawa ka jon…. hanip….

ayoko basahin sa isang upuan ang iyong artikulo….

mawawala ang aking pampatanggal ng antok….

salamat…

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>