kung bakit ako bakla

13 Aug

naniniwala akong lahat tayo ay may gapatak na kabaklaan sa pagkatao natin, walang lalaki kahit na ubod ng lakas at tatag ang makakapagsabing wala silang bahid ng kabaklaan sa sistema nila. naisip mo ba ang tunay na sikreto kung bakit ayaw ipaputol ni samson ang buhok n’ya? eksakto, kalandian. sa pag aaral, iisang tao pa lang daw sa kasaysayan ang nabuhay sa mundo ng walang halong kabaklaan sa katawan, si chuck norris. at dapat mong paniwalaan ‘yan, bakit?
dahil sinabi ko.  

at bakit ako bakla?

1. mas nakikita ko ang gamit ng kotse bilang gamit sa transportasyon kesa sa pamporma at panghatak ng tsiks.
2. hindi ako marunong magbasketball
3. at napapatili ako pag sumasalo ako ng bola.
4. mahilig akong umiyak
5. at pakiramdam ko, cute ako pag umiiyak.
6. nadidiri ako sa putikan
7. at sa lupa o buhanging basa
8. ayoko sa kwentuhan na ang topic ay mga ex’
9. hindi ako kiss and tell
10. pag nagugulat ako “ay puta!” at “inaaay!” ang sinasabi ko.
11. mahina ako sa bunong braso
12. pag umuulan at suot ko ang birks ko, mas una ko pang pupunasan ng panyo ‘yun kesa ang katawan ko.
13. at hindi ako nawawalan ng panyo sa bulsa.
14. may kiliti ako sa utong.
15. mas nati threaten pa ako na lumalaki ang tiyan ko sa paginom ng alak kesa sa pagkabutas ng bituka ko.
16. kung wala rin lang pagpapa astigan, mas trip ko ang marlboro gold kesa red
17. at mas trip ko ang marlboro green na menthol kesa sa gold, kung ako lang mag isa.
18. mas marami akong barkadang babae nung high school.
19. sa barkadahan namin, dalawa lang kaming lalaki.
20. at bakla ‘yung isa :sad:
21. nung college sa IT, ako lang magisa ang lalaki.
22. at wala akong naging girlfriend sa mga ‘yun.
23. HRM ang una kong course sa kolehiyo.
24. laging nakatikwas ang hinliliit ko.
25. marunong akong sumayaw ng otcho otcho.
26. at may pakiramdam akong ang bongga ko pag sumasayaw ako ng ganun.
27. kalimutan n’yo na ‘yung huli kong sinabi.




Parang medyo katulad din na entries:

  1. listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol
  2. flickr account aka bakit mo kailangang makita ang picture ko kung wala ka namang balak makipag anuhan sakin?

RSS feed

33 Comments »

Comment by trina
2008-08-13 21:04:30

okay. *lunok laway* mas malandi ka pa sakin. bigla akong tinubuan ng hiya.
parang kahapon lang may pinagpepyestahan akong litrato ng babae.
hanggang ngayon natutulala padin ako pag naiisip ko ang hubog ng katawan nya. :wow:

otso otso… oh gad. this is madness. mataba at maputi ka kamo. syet.
naiimagine kong gumigiling yung mascot ng michellin.

(utang na loob wag mo kong papatayin. joke lang yun.)

 
Comment by Lenggai
2008-08-13 22:09:48

hindi ko mapigilan, pero sa lahat ng nag-comment sa’yo, sa linyang ito lang ako naiyak:

“…mascot ng michelin.”

WTF?! Bwahah!!! naluluha pa rin ako kakatawa…

…ok, perfect na ako… magkaibigan pa rin tayo di ba?

michelin, ampft!!!!

Comment by trina
2008-08-15 00:20:10

maraming salamat natawa ka dun. bwehehe. 50% chance na patayin ako ni jon. may kahati nako sa deathrow.
:cool:
naramdaman ko na mas madaming makakarelate sa michellin mascot kesa gamitin kong example si majimbo. majimbo nga ba spelling non? ah basta yung nasa dragon ball z na parang marshmallows.

pag nabugbog si cabron. si grimace. kulay ube naman.

pakiramdam ko mas madalas pa ako magsulat dito kesa sarili kong blog.

Comment by Jon Cabron
2008-08-16 02:38:18

ikinalulungkot kong hindi ko na maipagpapatuloy ang pakikipag kaibigan ko sa inyo.

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by Pryss
2008-08-13 22:09:59

26. at may pakiramdam akong ang bongga ko pag sumasayaw ako ng ganun.

– i cant imagine kung gano ka ka-bongga.:grin:

 
Comment by Jovi
2008-08-13 23:34:49

All I can say is… hey, it’s ok! I don’t mind that you’re gay!
You’re my friend and that’s all that should matter. (charing!) :love:

 
Comment by AZRAEL
2008-08-14 02:19:21

napapatili pag sumasalo ng bola ampft!

 
Comment by chyng
2008-08-14 03:22:18

wow, GAY and PROUD! apir! (–,)

 
Comment by MARU
2008-08-14 07:27:32

luma na para sa akin ang post na to.
dun pa lang sa pink interior ng house mo – kumpirmado na ang claim mo. :lol:

 
Comment by potsquared
2008-08-14 08:08:00

sir jon totoo ba?!??! bakit! bakit! BAKEEET!! ahahay!

 
Comment by alone
2008-08-14 08:16:45

gaylord fockers?

 
Comment by M
2008-08-14 08:23:04

Okay pa ang lebel na yan. Basta hindi ka pa napapahinga ng malalim at naglalaway sa katawan ng machong lalake, palagay ko tamang antas pa ng pagkabakla yan.

Comment by Jon Cabron
2008-08-16 02:35:38

noeeeeeeeeeees! :roll:

 
 
Comment by gmacomics
2008-08-14 14:55:13

hahahaha. ayus itong post na ito. hehehe. ang kulit nung napapatili pag sumasalo ng bola. :grinnod:

 
Comment by MINE
2008-08-14 17:27:30

14. may kiliti ako sa utong. :grin: ala lang :P

 
Comment by cecille
2008-08-14 18:55:03

3. at napapatili ako pag sumasalo ako ng bola.

naaning ako dito. di ko maimagine. wait, naiimagine ko pala.hahaha. :grinnod:

 
Comment by Leyn
2008-08-14 21:58:12

14. may kiliti ako sa utong.

hahahaha. bakla lang ba ang may kiliti sa utong? parang kay M lang, basta hindi mo pa pinagnanasaan ang mga machong katawan ng lalaki, keri pa yang mga dahilan mo. :)

Comment by Jon Cabron
2008-08-16 02:33:09

hmmm wag mong sabihin na.. ahhhhhhhh ayokong isipiiiiin!

 
 
Comment by angela
2008-08-14 22:15:54

awww cute ang guy kapag umiiyak! :blush:

 
Comment by napundingalitaptap*
2008-08-14 23:36:32

kapag sumasalo ng bola? hmmmmmm. . .

sige na nga!

teka, talaga ba?

ayan, napapaisip akong masyado. . . :roll:

 
Comment by eNocH
2008-08-15 03:00:19

kabaklaan ba ang pagdadala ng panyo? di ako alam, palage din ako may panyo.

Comment by Jon Cabron
2008-08-16 02:31:09

pwes, alam mo na. :lol:

 
 
Comment by ZaPpeD
2008-08-15 06:22:00

Nyahahaha….:lol: teka Jon Carbon, kung ang hitsura mo naman ay yung nasa profile mo… wag naman. Di bagay. Maton na maton at may bigote pa…. tapos nakapilantik yung kamay pag nagtu-toothbrush.. hehehehe,,

Sensha na di ko mapigilan magkoment sa sobrang tawa! Lagi lang akong dumadaan pero hindi ako nagkokoment (tama ba yun?) hiya ako eh.. Nyahahahaha!

Nga pala. At bakit naman si Chuck Norris lang?

:wow:

Comment by Jon Cabron
2008-08-16 02:32:02

dahil ninja si chuck norris, kaya nya lahat.

 
 
Comment by The Gasoline Dude
2008-08-15 09:23:01

Nyahaha! Trina! Tambay ka pala dito!

Natawa din ako sa Michelin. Eh kamukha lang ‘yun ni Marshmallow Man sa Ghostbusters. Haha. = D

Comment by Jon Cabron
2008-08-16 02:30:05

i hate you!

Comment by kat
2008-08-17 13:38:50

Ahm, magagalit ka ba sakin kung sabihin kong pagpunta ko sa La Mesa nung Friday ay nakakita ko ng truck na may Michelin Man at pinilit kong kuhanan ng picture dahil naalala kita at yung comment ni Trina?

Wag ka magalit, hindi ko nakuhanan.

Bogo si-peoyo Jon oppa!

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by antuken
2008-08-16 02:24:59

pareho tayo sa #s 6, 14 at 15… ibig sabihin may bahid din ako ng kabaklaan?

Comment by Jon Cabron
2008-08-16 02:29:37

yung sa 14 kse hindi natin basta basta masasabi yan e.. kailangan ng pagpapatunay dyan.

 
 
Comment by Anonymous
2008-08-16 11:38:12

kung sakali palang magbabasketball ka eh di ang ingay mo?LOLzzz

 
Comment by gasti
2008-08-19 11:04:04

pag nakipaghalikan ka sa kapwa mo lalaki at nasarapan ka dun mo lang maconfirm na bading ka…pero may bahid lang naman at sabi mo nga lahat ng lalaki ganun…

ako rin hindi ako nawawalan ng panyo sa bulsa ko..at meron din akong kiliti sa utong..hehe! sino ba wala?

 
Comment by utakmunggo
2008-08-21 18:10:21

metrosexual siguro, pwede pa. ka-level mo si david becks, damon albarn (blur/gorillaz), ewan mcgregor, justin timberlake to name a few.

atsaka wala namang baklang pinagnanasaan ang mga kasakay nila sa bus.

 
Comment by Anonymous
2008-10-11 15:11:23

:grinnod:

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>