hmmlabyumwah!

26 Aug

isa sa hindi naman karamihang bagay na hinding hindi maipapagawa sa akin ng kahit na sinong babae na boboyprend sa akin ang mapilit n’ya akong magsabi ng “i love you” sa telepono habang may katabi ako at may posibilidad na may makarinig nung sasabihin ko.
sabihin mo ng killjoy ako o paniwalain mo na ang sarili mo na ikinakahiya kita kaya hindi ko magawa ang gusto mo,  pero kailangan mong intindihin na may mga batas kaming sinusunod na mga kalalakihan at iyon ay ang hindi ka pwedeng magparinig ng mga ganung ka eklatan sa kapwa mo lalaki. seryoso, halimbawang may katabi akong kaibigan o kahit na lalaking hindi ko kakilala na may kausap sa telepono at narinig kong bubulong bulong ng mga pakilig tulad ng
“i love you na honeybibikoy.. hummmwah”

maniwala ka sa ‘kin na kung ano man ang unang unang matigas na bagay na madadampot ko, ipapalo ko sa ulo n’ya at titigil lang ako pag nasigurado ko ng isang linggo s’yang kakain sa pamamagitan ng straw.
at kung ikaw na lalaking mambabasa ko ay may kaibigan na mariringgan mo ng ganyan habang may kausap sa telepono, nasa iyo ang lahat ng karapatan para saktan ang taong ‘yun. sapakin mo sa mukha. magtawag ka, bugbugin n’yo at sa oras na magdemanda ang taong ‘yun, ipabasa n’yo sa kahit na sinong pulis ang entry ko na ‘to. banggitin n’yo ang pangalan ko sa husgado, at sabihin n’yong binibigyan ko kayo ng karapatan na gawin ‘yun. at sa maniwala ka man o sa hindi, maiintindihan ka nila.

RSS feed

30 Comments »

Comment by lush
2008-08-26 20:32:27

isa sa hindi naman karamihang bagay na hinding hindi maipapagawa sa akin ng kahit na sinong babae na boboyprend sa akin ang mapilit n’ya akong magsabi ng “i love you” sa telepono habang may katabi ako at may posibilidad na may makarinig nung sasabihin ko.

syempre namn!ikaw yata si JON CABRON!!..ahmmm..nasaktan kaba? binugbog kaba nila?! :lol:

Comment by Jon Cabron
2008-08-26 20:40:06

babae, ang sagot ay nasa tanong mo na mismo,
syempre hindi, dahil ako si jon cabron. hmmkei?

Comment by an-d.
2008-08-28 08:07:48

oh!TALAGA!!:)…eh, kaya mo naman kayang bugbugin ang sarili mo?! :lol:

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by geki
2008-08-26 21:08:17

asus! hindi ka ba nasabihan ng i love you ng nanay mo at hindi mo kayang sabihin sa ibang tao?

Comment by Jon Cabron
2008-08-26 21:21:28


nanay mo ang nag “i love you” sa ‘kin
kaya wag ka na!
:blush:

 
 
Comment by kengkay
2008-08-26 23:06:36

hay, kung hindi feel na magsabi ng i lab u, wag pilitin at mas nakakadiring pakinggan ang i lab u na pilit lang

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:54:01

tama!

 
 
Comment by lush
2008-08-26 23:53:38

babae, ang sagot ay nasa tanong mo na mismo,
syempre hindi, dahil ako si jon cabron. hmmkei?

hindi ako babae.wrong.

 
Comment by gasti
2008-08-27 09:27:38

nakakaasiwa talaga pakinggan yung sapilitang pagsabi ng “i love you” sa telepono..di ko rin ginagawa yan eh! haaays..girls talaga anglakas magtrip.

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:53:14

ginagawa ko lang ‘yan pag nambobola ako… at hindi ko na dapat sinabi pa dito ‘yang mga bagay na ‘yan

 
 
Comment by caryn
2008-08-27 09:58:22

heehee. napangiti ako sa post na ito, kasi my hubby used to be anti, but now, its such a part of his system that out of habit, nasasabi nya minsan sa mga kaibigan nya, “o sige parts, halong, love you.” then he would stare at the phone in his hand, askance at what he just said ;-) wahahaa!

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:43:30

wala kang idea kung papanong binibisita s’ya ng pagsisisi sa nagawa nya bago s’ya matulog sa gabi :no:

 
 
Comment by Liz
2008-08-27 09:58:29

pero hindi mo ba naisip kung anong klaseng kaligayahan ang idudulot ng pagsasabi mo ng i lab u sa gelpren mo…kahit PAMINSANMINSAN lang??? :)

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:41:19

hindi

 
 
Comment by chyng
2008-08-27 10:17:32

di ko kaya magsbe ng i love you pag may ibang nakikinig!! baka lagnatin ako!

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:45:49

dahil katulad ng bakuna, nakakalagnat din ang kabaduyan… at wala akong pruweba sa sinabi ko na ‘yan :sad:

 
 
Comment by menggay
2008-08-27 12:48:14

hehehe!!

ok lang ngayon naliwanagan na ko…

maiintindihan ko na siya hehehe :nod:

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:52:02

good for you, pero teka… wala ka namang boypren ah?

 
 
Comment by potsquared
2008-08-27 14:24:29

naku buti wala pang nakakarinig sa aking gumagawa niyan.. ehehehehe baka nga magulpi ako ng di oras… hayaan ninyo sir jon, mag-iingat po ako.. salamat sa tip.. ehehehehe lab you pare!

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:46:55

i love you too, basta wag ka na lang maingay

 
 
Comment by eiyelle
2008-08-27 17:39:10

wow sabaw! buti nalang napadpad ako dito..hahahaha!!
buti nalang yung bopren ko hindi pa sabog sabog ang mukha..:love:
pero nahihiya naman siyang magsabi sa akin ng alabyu sa telepono kapag katabi niya nanay niya..baka daw magselos hahahaha!!!

pwede po ba kitang i-link? salamat po..

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:48:47

i link as in malink tayo sa isa’t isa at kung saan saan tayo makakarating? hindi, dahil may pamilya na ako

joke, oo naman.

Comment by eiyelle
2008-08-28 08:26:09

wahahaha! tumbling!

ayoko po malink tayo sa isa’t isa kase malamang hindi mo ako sasabihan ng i wab you..hehehe! :P
at wow naman talaga! loyal..burger! burger!

na add ko na po kayo sa blogroll ko..salamat salamat!

(Comments wont nest below this level)
 
 
 
Comment by yey
2008-08-27 20:39:44

isa lang napagtanto ko..

hinding-hindi ko na pilitin asawa ko mag- iluvyou sakin..
ayoko maga maging biyuda..

maraming salamat po sa pagmumulat sakin..

kung kmi ba mag sabi ng luv you mr.jon cabron may tendency mabugbog din??? :love: :blush:

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:50:29

ikaw naman ano ba namang klaseng tanong ‘yan, bakit ka naman mabubugbog kung tayong dalawa lang naman sa isang pribadong lugar at sasabihin mo sakin ‘yan? :wink:

 
 
Comment by eNocH
2008-08-28 00:30:27

magsabi nga ng i love you, naaasiwa ako eh, pag may nakakarinig pa kaya? :cool:

Comment by Jon Cabron
2008-08-28 02:50:58

iyaaaaaaaaan ang tunay na lalaki!

 
 
Comment by ayreen elque
2008-08-28 15:16:46

i love you?? sa tv ko nalang ata naririnig yan..tagalog pa..mahal kita…awwww! poor me.. :no:

 
Comment by mike
2008-08-28 17:56:47

ayoko din, corny, baduy, jologs, pasikat. kase kung lalaki ka at may gf ka o asawa, wala akong pake kung mahal mo siya, lalo na kung di kita kilala. :lol:

 
Comment by glesy the great
2008-09-06 01:04:09

nyahaha… let me see, madalas na sinasabi sakin ng lola ko eh wag daw ako magsalita ng tapos… ewan ko sa inyo, baka lunukin nyo sinabi nyo…

pero ako, ayaw ko talaga ng mushy na usapan… kinikilabutan ako… ewan ko sa akin, baka lunukin ko mga sinabi ko(wag naman sana)… :no:

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>