plurk
30 Aug
nag paplurk ka ba?
oo - add mo ko – plurk.com/user/joncabron
hindi – ikinalulungkot kong hindi ko na maitutuloy ang kahit na anong uri ng pakikipag kaibigan sa’yo.
30 Aug
nag paplurk ka ba?
oo - add mo ko – plurk.com/user/joncabron
hindi – ikinalulungkot kong hindi ko na maitutuloy ang kahit na anong uri ng pakikipag kaibigan sa’yo.
29 Aug
halos dalawang taon o eksaktong dalawampu’t dalawang buwan binuksan ko sa mga internet users ang blog ko, nabuksan sa kanila ang nilalaman ng utak ng isang taong nagtatrabaho sa isang hotel na mas mahal pa sa sogo hotel, laging sira ang tiyan, at may matinding takot sa ipis.. naging isa ang blog na ito sa ilang mga blog na nagdomina sa BOTD ng wordpress nung unang panahon, hanggang nag feeling asenso at nagdotcom, nagyabang at tumigas ang bungo kasabay ng lalong pagtalas ng dila.. at isinilang ang “teh mighty jon cabron show”
(more…)
28 Aug
naisip ko lang bilang sagot sa tanong ni enoch sa grocery entry ko.
Q. ano ang pinagkaiba ng siko sa betlog?
27 Aug
26 Aug
isa sa hindi naman karamihang bagay na hinding hindi maipapagawa sa akin ng kahit na sinong babae na boboyprend sa akin ang mapilit n’ya akong magsabi ng “i love you” sa telepono habang may katabi ako at may posibilidad na may makarinig nung sasabihin ko.
sabihin mo ng killjoy ako o paniwalain mo na ang sarili mo na ikinakahiya kita kaya hindi ko magawa ang gusto mo, pero kailangan mong intindihin na may mga batas kaming sinusunod na mga kalalakihan at iyon ay ang hindi ka pwedeng magparinig ng mga ganung ka eklatan sa kapwa mo lalaki. seryoso, halimbawang may katabi akong kaibigan o kahit na lalaking hindi ko kakilala na may kausap sa telepono at narinig kong bubulong bulong ng mga pakilig tulad ng
“i love you na honeybibikoy.. hummmwah”
(more…)
26 Aug
noobs,
maligayang pagdating sa inyo sa mundo ng interweb, nagagalak ako na ako ang naatasan ng pagkakataon para sumalubong at mag estima sa inyo sa bago n’yong mundo. ako nga pala si ginoong jon cabron, may asawa at anak, isang blogger, bastos at walang modo.
tatalakayin natin ngayon ang kung bakit bigla na lang akong hindi namamansin matapos ang lahat. at ang paksang ‘yan ay nahahati sa tatlo.
1. linya
2. interes
3. katotohanan
(more…)
24 Aug
bago umalis kanina.
Jon Cabron: isusuot ko ‘yung hoodie ko, naguuulan naman e’
Mrs. Cabron: yuck! ambaduy mo, ang init init na’ wala ng ulan.
Jon Cabron: bakit ba e sa giniginaw ako?
Polin: daddy, akala mo ang gwapo mo? mukha kang may trangkaso’
Jon Cabron: oo na, huhubarin ko na’
… nasa SM na kami nung napansin kong pareho silang naka sweater na dalawa at ako lang ang naka tshirt.
(more…)
24 Aug
inabutan ko sa tv ang XXX ni julius babao at pinky web kagabi, hindi ko masyadong naumpisahan pero ang istorya ay tungkol sa video scandal at pamba blackmail gamit ang video clips o pictures ng biktima. bilang ama at isang kaibigan ng marami rami ding kababaihan, nagkaron ako ng takot habang nanonood ng palabas na ‘to at hindi ako paladasal na tao pero otomatik na humiling akong ‘wag sanang mangyari sa lahat ng mga mahal ko sa buhay ang sinapit nitong mga neneng ‘to. pero sa kalagitnaan ng palabas hanggang sa matapos, isang bagay ang napansin ko.
(more…)
22 Aug
naranasan ko na ‘to dati sa unahan ng jeep, tanghaling tapat nun at napagitnaan ako ng drayber na amoy matabang masipag at ng kaibigan n’yang amoy nasusunog na clutch ng sasakyan ang kili kili.. pero gabi na kanina, at malamig ang panahon. mas matindi ‘to at muntik na ‘kong mamatay sa pagkalunod sa sarili kong suka sa loob ng bibig ko.
napalitan ang naramdaman kong saya kanina sa pagkakasakay sa mabilis na bus ng dalawang pangunahing karakter sa nasakyan kong jeep sa alabang byaheng pa muntinlupa. dalawa lang kami ng drayber nung unang magkatabi at medyo nahalata ko na ang kakaibang tapang ni pareng drayber pero hindi ko na lang pinansin, paalis na ang sinasakyan naming jeep ng humabol ang side kick n’yang tigatawag ng pasahero, pinagitnaan nila akong dalawa at wala akong kalaban laban.
(more…)
20 Aug
at matapos kong ilabas ang opinyon ko na kabaduyan ang pelikula ni john lloyd at sarah, matapos naming magtalo ng bahagya para sa isang makabuluhang paksa:
Arlene: sus walang masama sa pag-ibig…
Jon Cabron: meron.. ang pagibig mismo ay isang kasamaan
Arlene: libog ang tinutukoy mo.
Jon Cabron: ang pagibig ay libog na nagkaron ng konting malasakit
at matapos n’yang klaruhin na hindi s’ya nakadama ng pagmamahal sa akin kahit minsan,
Jon Cabron: kung narereinverse ang mga load na sinayang ko para diligan ang pagmamahal na akala kong umuusbong dyan sa puso mo para sakin, gagawin ko
Arlene: reimburse
Jon Cabron: ahhhm.. pwede bang kalimutan na natin yun? at tutal magkaibigan naman tayo.. pwede bang kung mangongorek tayo e hinay hinay naman? (more…)