sa lunes ng gabi

26 Jul

nakatanggap ako ng text kahapon lang galing sa isang kaibigan nung high school at kumpare dahil ninong s’ya ng anak ko. gimik daw sa sabado ng gabi kasama ‘yung isa pang kaibigan nung high school at kumpare din dahil ninong din s’ya ng anak ko. nagreply ako, sabi ko sa monday na lang ng gabi dahil tuesday ang off ko. sumagot s’ya, sige daw.
paguwi ko ng bahay kagabi dun lang lumiwanag sa akin ang lahat. yung isang kasama namin hindi umiinom kahit nung unang panahon pa, at itong nagtext matagal na rin na tumiwalag sa alak buhat nung yumakap s’ya sa isang relihiyon na sikat sa tv. naisip ko na ok nga ‘yun dahil tulad ng sabi ko sa dating entry ko at ipinangako ko sa sarili ko, hindi na ‘ko magiinom. ‘doh nakakadalawang suway na ‘ko sa ipinangako ko, seryoso pa rin ako na tuparin ko ‘yung bagay na ‘yun. pero naisip ko na kung gigimik kaming tatlo sa luner ng gabi, sa’n naman kami pupunta? 

  1. mag iikot sa mall? yuck! ambaduy.
  2. mag iistarbucks? ambakla!
  3. kakain sa jollibee, tapos maglalaro sa padulasan at swimming pool ng mga bola kasama ng mga batang amoy medyas?
  4. magpipiknik sa park at maghahabulan?
  5. raratrat ng bato? pero.. di na ‘ko gumagamit.
  6. pupunta sa bar, manonood lang ng banda at iced tea lang ang iinumin? demet! nakakatae ‘yun.

ewan ko, ayokong lumabas na masamang kaibigan pero seryoso, kung sa paglibot libot n’yong dalawa sa interweb at sa hindi inaasahang pagkakataon ay mapadpad kayo sa blog na ito at mahulaan n’yo na kayong dalawa ang tinutukoy ko.. nakikiusap ako. bigyan natin ng pabor ang isa’t isa, tigilan natin ang lakad na ‘yan. sa nakikita ko ngayon parang mas gugustuhin ko pang umupo na lang sa isang sulok sa gabi ng lunes, humawak ng yelo at pagmasdan kung papa’nong unti unting natutunaw sa kamay ko ang yelong ‘yun.. seryoso, pakiramdam ko mas mageenjoy pa ‘ko sa gagawin kong ‘yun.

RSS feed | Trackback URI

8 Comments »

Comment by neptune
2008-07-26 07:41:49

ikaw naman, give them a shot. baka naman talagang enjoy silang kasama, hindi man sila umiinom. pwede naman kayong:

1. magsine (pero kung manyak sila wag na)
2. magbaraha at mamulutan (coke na lang ipantulak nyo)
3. mag-malling (pero isama mo si little cabron para makasingil sya sa ninong nya)

pero kung wala ka talagang maisip na activity, magkunwari ka na lang na nagtatae ka. :grin:

Comment by Jon Cabron
2008-07-28 06:42:52

1. ambakla at hindi ako mahilig manood ng sine.
2. ahhm ano ‘yun lamay? kakagaling ko lang sa patay na lolo ko di ba?
3. kabaklaan.

ahhm sagradong bagay sa akin ang pagtatae.

 
 
Comment by trina
2008-07-26 09:53:08

uhmm..naisip ko nga, baka prayer meeting yan.

samahan mo narin ng SMB yung natutunaw na yelo.
pero. lagukin mo. wag mo lang panoorin.

(nagiging suki mo na ako dito.) :lol:

Comment by Jon Cabron
2008-07-28 06:44:09

kung prayer meeting ‘yan e magdadasal na lang akong mag isa sa kwarto.
ayoko ng mag inom e :sad:

(salamat)

 
 
Comment by feth102
2008-07-27 13:26:27

pwede mo silang imbitahan sa bahay mo tapos isali mo sila sa panonood ng yelong natutunaw…

Comment by Jon Cabron
2008-07-28 06:47:39

nice idea! ..pero alam mo kung anong mas maganda? punuin mo ng maraming maraming yelo ang bibig mo para brain freeze, papano makakatulong ‘yun sa’yo? .. tsaka mo na malalaman. :nod:

 
 
Comment by gasti
2008-07-28 16:18:17

wala rin akong ibang maisip na makabuluhang bagay na pwede nyo gawin ng hindi umiinom ng alak.

pero malay mo naman..lasenggo na sila. pero ganun pa rin wala pa ring buting maidudulot yun sayo.

 
Comment by Peli
2008-07-29 21:04:26

ah eh… mag text nalang kayo. wag na kayo magkita. hehe. :nod:

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>