Archive | July, 2008

kinis guapo!

31 Jul

naranasan mo na ba na sobrang emergency na, kritikal, at kailangang kailangan mo nang magdesisyon pero wala ka ng pagpipilian kundi kunsintihin ang nararamdaman mo, wala ka ng panahon na mag alinlangan, wala kang pinagkaiba sa isang suicide bomber. ilang minuto lang sasabog ka na. at alam mong hindi lang ikaw ang maaapektuhan. pagkatapos. nagmamadali mong kinuha ang kikay kit mo sa bag mo sabay takbo sa pinakamalapit na cr. napangiti ka pa nung inabutan mong walang tao sa loob, walang nananalamin, walang kaagaw sa upuan. napangiti ka ulit at kinikilig na naibulong mo sa sarili mo “ahhhh maaga pa kase.” (more…)

payong

29 Jul

kahit umulan man o umaraw payong ko’y iyong maaasahan.. hindi ka na mababasa ng ulan, hindi ka na mababasa ng ulan.. hindi na, hindi na, di na.. di na.. hinde! hinde!  de! eh! eh!

jesas, mary, and joel! sino ‘tong babaeng ‘to na sumisigaw sa radio? maaga akong gumising dahil dayoff ko at ako ang naka tokang mag ayos sa anak ni mrs. cabron para pumasok sa school. habang nagluluto ako ng noodles na binasagan ko ng itlog habang kumukulo, naisipan kong isalpak ang headset ng celfone ko sa tenga ko at nagbrowse sa fm, at dahil malimit akong kantahan ni cyber ex ng umbrella nung para pa kaming sila dingdong dantes at marian rivera napangiti ako sa pamilyar na tono ng kantang pinapatugtog sa istasyon na ‘yun, napapikit pa nga ako at napahawak sa dibdib ko habang ninanamnam ang pamilyar na himig na ‘yun na minsan ding naging bahagi ng buhay ko   (more…)

friendstrrrr

27 Jul

dahil sunday ngayon at walang magawa dito sa opisina, ginawa ko ang pinaka lohikal na ginagawa ng isang normal na empleyado.. ang mag browse sa net at madalas dumadating sa punto na pag sobrang babad ka na sa interweb nauubusan ka rin ng mga website na mapupuntahan, kaya naisipan ko na lang na galugarin ang pinaka sikat na social networking site sa buong asya. ang friendster.

at ito ang ilan sa mga napuna ko.   (more…)

toink

26 Jul

]

(more…)

sa lunes ng gabi

26 Jul

nakatanggap ako ng text kahapon lang galing sa isang kaibigan nung high school at kumpare dahil ninong s’ya ng anak ko. gimik daw sa sabado ng gabi kasama ‘yung isa pang kaibigan nung high school at kumpare din dahil ninong din s’ya ng anak ko. nagreply ako, sabi ko sa monday na lang ng gabi dahil tuesday ang off ko. sumagot s’ya, sige daw.
paguwi ko ng bahay kagabi dun lang lumiwanag sa akin ang lahat. yung isang kasama namin hindi umiinom kahit nung unang panahon pa, at itong nagtext matagal na rin na tumiwalag sa alak buhat nung yumakap s’ya sa isang relihiyon na sikat sa tv. naisip ko na ok nga ‘yun dahil tulad ng sabi ko sa dating entry ko at ipinangako ko sa sarili ko, hindi na ‘ko magiinom. ‘doh nakakadalawang suway na ‘ko sa ipinangako ko, seryoso pa rin ako na tuparin ko ‘yung bagay na ‘yun. pero naisip ko na kung gigimik kaming tatlo sa luner ng gabi, sa’n naman kami pupunta?  (more…)

sa babaeng gusto kong anakan… sa bus

24 Jul

kung mapapansin n’yo, bihira akong mag entry ng halos magkasunod na iisang tema lang, .. pero naisip ko na maliit ang posibilidad na mapansin n’yo ‘yun dahil aminin na natin na wala naman kayong mga pakialam sa’kin, mga demet!
dalawang magkasunod na araw na akong pumapasok ng nakatayo sa bus, pinaupo ko kse kahapon ‘yung nanay na may kasamang bata na papasok sa eskuwelahan ang itsura, at kanina dahil late na ako at wala na akong panahon para pumili ng masasakyan. habang nakatayo at pupungas pungas dahil nasobrahan sa tulog, ( alas otso pa lang kagabi tulog na ‘ko ) napalingon ako sa likuran at nakita kong nakaupo dun ang masasabi kong pinakamagandang babaeng nakasabay ko sa bus sa buong dalawampu’t walong taon ng buhay ko dito sa mundo. (more…)

honda jazz

22 Jul

kanina lang..

from: +639185882892
CONGRTLTIONS!!! You Have won 300th\HONDA JAZZ Last May,17,2008 ur Cell # as Home Partner winner. call ds # 4details ds is Bert Ayalde of Phil.Com.Center….
(more…)

magingat sa manyakis

22 Jul

naunang sumakay ng bus sa akin ang mamang ito, medyo punuan na nung hapon na ‘yun. swerte ko ng naka tsamba pa ako ng upuan. pagupo ko pa lang sa tabi n’ya tinitigan n’ya na ako ng masama, ‘yung titig na mata sa mata. minukhaan ko ‘yung tao, inisip ko kung kakilala ko ba ‘to o nakaaway.. pero hindi s’ya pamilyar sa akin. at nauna akong umiwas ng tingin.
nung kinukuha ko na ‘yung pitaka sa bulsa ko at bahagyang tumama ang siko ko sa may tagiliran n’ya, tinapunan n’ya ulit ako ng isang tingin. at kung nakakalason lang ang masamang tingin.. malamang sa mga oras na ‘yun bumula na ang bibig ko at natumba na ako sa kinauupuan ko. naisip ko na wala naman akong ginagawa sa taong ‘to, ano kayang problema nito? (more…)

kung gusto mong maglaro, sa netopia ka magtrabaho!

20 Jul

pinilit kong iwasan na mapunta sa akin ang utos na umiikot sa department namin, hindi sa natatakot ako o tinatamad pero alam kong marami akong makakabangga, at alam ko rin na hindi ako magiging parehas sa lahat dahil sa aminin man natin o hindi, kung gusto mong maging masaya ang buhay mo sa loob ng isang kumpanya, kailangan mong ilagan ang mga taong kinakailangang iwasan at saluduhan ang kinakailangang saluduhan.
at buti na lang hindi s’ya kasama dun sa mga taong dapat iwasan at dapat saluduhan, simple lang naman ang gagawin ko kailangan kong maginstall ng isang software sa pc n’ya para hindi s’ya makapag bago ng settings o makapag install ng kung anu ano, nagalit s’ya nagwala.. at pag ang pinaguusapan ay babae at sinabi kong nagwala ang ibig sabihin nun ay nagbunganga. kesyo wala kaming kwenta, bakit daw ‘yung iba hindi namin magalaw ‘yung pc, bakit daw ‘yung iba mga wala namang ginagawa pero may internet connection pa. sa lahat ng ‘yan isang beses lang ako nagtaas ng boses sinabi ko sa kanya na wala akong gagalawin sa pc n’ya na makakaapekto sa trabaho n’ya, ang gagawin ko tatanggalin ko lang ‘yung mga bagay na hindi kailangan, kesyo unahin ko daw ‘yung ibang matataas.. etcetera etcetera.   (more…)

isang maikling mensahe para sa isang kaibigang babae

18 Jul

iha,

i don’t want to be rude
but i’m not really good at goodbyes,
so please just bugger off, retard!

Jon Cabron

>