dalawa sa pinakanakakatawang joke sa buong mundo

14 Jun

paalala:
ang susunod na joke na matutunghayan n’yo sa entry na ito ay mula sa kagila gilalas na isip ng may akda, ang sino man na gagamit ng joke na ito sa kahit na saang lugar, okasyon, o dayalekto ay maaring mapatawan ng kaukulang parusa.
copyright 2008 angkin ang lahat ng karapan.

naranasan n’yo na ba ‘yung isang ordinaryong oras, at bigla na lang may sisinding ilaw sa sintido mo, tanda ng isang idea sa isang bagay na bigla mo na lang naisip? ipagpatawad n’yo sana ang paalala sa itaas, nagkataon lang na minsan kinakailangan nating pag ingatan ang isang bagay na hindi man ginto ay itinuturing pa rin nating isang kayamanan. katulad ng dalawang joke na ito na bigla na lang dumaan sa isip ko, isang ordinaryong araw.
nakarinig na ba kayo ng joke na pakiramdam n’yo sasabog na ang bituka n’yo sa pagtawa dahil sa sobrang tuwa na hatid sa’yo nun? at nakapag kuwento na ba kayo ng joke na sa sobrang benta, hindi mo alam kung papa’no mo maihahatid sa kausap mo ‘yung joke ng hindi lolobo ang sipon mo, puputok ang tiyan, at sasabog ang mga litid sa leeg mo sa pagpipigil ng tawa?
halos buong magdamag na kaming pakurot kurot na naguusap sa YM ni lenggai kagabi, at dala siguro ng antok at pagod, bigla na lang kaming bumitiw sa isa’t isa, at sa hindi inaasahang pagkakataon matapos n’yang bitawan ang hudyat ng pagtatapos ng usapan, tsaka naman pumasok sa isip ko ang idea ng dalawa sa pinakanakakatawang joke sa buong mundo.

matapos ang ilang intelihenteng paguusap
Jon Cabron: :no: sumuka ako ng kape
Jon Cabron: :nod: ansarap
Jon Cabron: nasobrahan siguro ako sa tubig amfpt
Jon Cabron: pag dighay ko lumabas
Lenggai: putris
Lenggai: naiimagine ko
Lenggai: namannnn
Jon Cabron: iniisip ko, bakit may kanin? e nung tanghalian pa ko huling nagkanin
Lenggai: putris
Lenggai: di nadigest ng husto
Lenggai: kadiri ka jon!

alas singko ng umaga
Lenggai: uy antok na ko
Jon Cabron: teka last na may naisip ako
Jon Cabron: psssst
Lenggai: o?
Jon Cabron: ano ang kabaliktaran ng umuulan?
Lenggai: putris jon
Jon Cabron: bilis
Jon Cabron: saabog ang sipon mo dito
Lenggai: seryoso?
Lenggai: o ano?
Jon Cabron: OO
Jon Cabron: sus sagutin mo andali dali e
Lenggai: umaaraw
Jon Cabron: mali, ang kabaliktaran ng umaaraw ay hmm kumukulimlim
Lenggai: o? umuulan ano?
Jon Cabron: ano ang kabaliktaran ng umuulan?
Jon Cabron: sirit na?
Lenggai: game

ang kabaliktaran ng umuulan ay……. HINDI UMUULAN!!

Lenggai: shet u
Jon Cabron: bwahhaahhahahh!
Lenggai: ang corny
Jon Cabron: tumigil ka, inaantok ka lang kaya wala ka sa mood
Jon Cabron: matulog ka na
Lenggai: kung nakakatawa yan magigising ako
Jon Cabron: iba blog ko yan at aakit ng limandaang komento yan
Lenggai: magcocomment sila kasi idol ka nila
Jon Cabron: hindi, dahil may sense of humor sila!
Lenggai: at para sa kin corny pa rin
Jon Cabron: shadapyorfeizzz
Lenggai: corny
Lenggai: ge
Jon Cabron: ok
Lenggai: nyt
Jon Cabron: also, shit
Lenggai: salamat!
Jon Cabron: psst last na
Jon Cabron: pramis
Lenggai: leche pag corny pa rin yan
Lenggai: tatanggalin mo antok ko eh

at binitawan ko ang pangalawang pamatay na joke

Jon Cabron: use kapre in a sentence
Jon Cabron: anoooooooooo?
Jon Cabron: eto for sure tanggal ang antok mo
Jon Cabron: use kapre in a sentence
Lenggai: o?
Lenggai: ano?!
Jon Cabron: mangingilabot ka dito kse nakakatawa talaga
Jon Cabron: game?
Lenggai: ge

tumawag si pedro kay juan
pedro: ano pare sasabay ka ba sakin pauwi?
juan: hindi na mauna KA na PRE

Lenggai: kapre eh
Jon Cabron: bwhahhahahahhaah im so funeeyyyyyyy
Lenggai: shet
Jon Cabron: kiliting kiliti ako ngayon
Lenggai: sumuka ka lang ng kape corny ka na
Jon Cabron: masyado kang moderno at malalim
Jon Cabron: wala kang sense of humor kakatrabaho mo

maliwanag na hindi n’ya naappreciate ‘yung jokes ko, siguro talagang inaantok na s’ya or pagod lang talaga.. pero ilalaban ko ng patayan ang joke na ‘yun at kahit makipagpalit pa ako ng kaluluwa ko sa kaluluwa ng kulisap, alam ko na nakaimbento ako ng isang nakakaaliw at pabolosong patawa. at sigurado ako dun dahil hindi pangkaraniwang lakas ang inipon ko para lang hindi malaglag sa silyang kinauupuan ko habang inilalahad ko kay lenggai yan, at sa katunayan hanggang ngayon na inaayos ko itong blog ko para sa entry na ito.. halos mamatay matay na naman ako sa kiliti. at dahil sa kaligayahang dulot sakin n’yan, sandali kong nakakalimutan ang mga problema ko sa buhay at mga kapighatiang itinatago ko sa likod ng pagkatao ko.. tulad nung niyayaya ako ng tiyuhin ko nung grade 1 pa lang ako, magpapalaki daw kami ng muscles at binubuhat n’ya ko, hawak ang bewang ko papalapit sa bibig n’ya habang nakahiga s’ya.




Parang medyo katulad din na entries:

  1. killer joke

RSS feed | Trackback URI

35 Comments »

Comment by mine
2008-06-14 08:44:27

so sick … tsk tsk tsk

 
Comment by Jon Cabron
2008-06-14 08:45:49

@ mine
robot lang ang hindi matatawa sa joke ko na yan.

 
Comment by weng
2008-06-14 08:59:38

okay, hindi ko toh kokopyahin. hahaha :P

Comment by hmmmp
2010-06-17 08:40:20

ang pangit ng joke moh…. hindi nakakatawa….

 
 
Comment by miss choi
2008-06-14 09:01:53

Parang mas nakakatawa tong joke na to:

Anong hayop ang laging ayos?
E di OX.

 
Comment by Jon Cabron
2008-06-14 09:08:57

@ weng
good for you

miss choi
sa totoo lang, pakiramdam ko nagdilim ang mundo ko dun sa joke mo.

Comment by bea Subscribed to comments via email
2009-12-09 14:39:59

hi! your joke is to funny i think i will see this to my friend’s i hope they die just kiting hey pls add me pinkemo_lhadybea@yahoo.com and ym to! ok byethats all folks! :P :wink: bea cute

 
 
Comment by MARU
2008-06-14 10:03:42

:sad:

 
Comment by pongpagong
2008-06-14 10:39:35

eto natawa ako sa joke na to narining ko radyo kahapon:

character 1: alam mo ang bait talaga ng daddy ko niregaluhan nya ako ng 2 yate (yacht) nung birthday ko.
character 2: wala ka sa daddy ko, ako niregaluhan ng 3 barko hindi yate ah. Tatlong malalaking barko nung birthday ko!
character 3: ang yayabang nyo! Yaya… pakilinis nga yung dagat na niregalo sa kin ng daddy nung birthday ko at pakitanggal yung 2 yate at 3 barko dun. Magswiswimming lang ako!

heheheh

happy fathers day!

 
Comment by Jon Cabron
2008-06-14 10:44:30

pongpagong
kayang bugbugin ng joke ko yung joke mo, hindi man lang papawisan yun.

 
Comment by alone
2008-06-14 12:27:28

ang pot@ng joke….

 
Comment by Pryss
2008-06-14 12:37:05

patawarin mo ako…marahil ay pagod din ako sa eskwela at sa mga gawaing bahay…patawad mahal ko ngunit hindi rin ako natawa…

though natawa din naman ako dito
“Lenggai: [b]sumuka ka lang ng kape corny ka na[/b]” :lol:

kala ko natawa ka din sa joke ko?…ur so gay… :no:

 
Comment by Banana
2008-06-14 13:51:53

too much coffee

 
Comment by Lenggai
2008-06-14 15:07:07

edited na ang conversation…

at tama si banana… too much coffee. :no:

==
ahhhm pag may istorya ka sa tv nageedit ka ba para kumasya sa time frame? oo? owwkei..

 
Comment by ellieshe
2008-06-14 17:00:14

natawa naman ako :wink: …. konti….konti lang… :

 
Comment by Pryss
2008-06-14 18:03:09

true….too much caffeine sa dugo na lang yan…nakaka-high din kasi yon eh…kaya ako hindi mahilig sa kape eh…pag nasobrahan ka,isusuka ng katawan mo yan…look what happened to jon…tsk tsk tsk… :sad:

 
Comment by feth102
2008-06-14 19:39:08

hinihintay ko po yung joke eh.asan na?pero natatawa ako sa conversation niyo ni lenggai.ganda ng entry…

p.s.
idol pa rin kita kahit nagkakaganyan ka na….bawas sa kape ha.

 
Comment by Jon Cabron
2008-06-14 22:25:42

MGA IPOKRITO! :roll:

 
Comment by mine
2008-06-15 01:57:12

ahmm naisip ko, mejo ok na nga din pla yang joke mo kc naalala ko yung joke ni def . mas malala!

Ano daw magiging 1st album ni David Cook?
Ans: Kitchen … Feauturing duet wuth Kitchen Nadal :sad:

:no: :no: :no:

 
Comment by kengkay
2008-06-15 04:36:46

mwahahahaa, miss ko na yang mga gayang pinoy jokes, batuhan mo pa ako, sige na plis! parang awa mo na :P

 
Comment by Jon Cabron
2008-06-15 10:28:16

@ kengkay
damang dama ko ang pangungulila mo sa pilipinas at ang sarcasm sa sinasabi mo :sad:

mine
lumuwag ang hawak ko sa kristyanismo dahil sa joke ni def

 
Comment by gasti
2008-06-16 08:53:49

mas natawa ako dun sa eksena mo nung tiyuhin mo nung grade 1 ka pa lang…

pero for the record nga ang 2 pamatay na joke mo…nakamamatay… :no:

 
Comment by arj
2008-06-18 02:04:31

:|

 
Comment by ayreen elque
2008-06-18 14:39:34

maniwala man sila o hindi….natawa ako (ng malakas)! syet! nkita pa ako ni boss tawa ng tawa. cgro ang taas ng expectation ko kse may disclaimer pang nagaganap tapos biglang qwang! ahahah! o pwede rin ang simpleng dahilang mababaw ako! balik-baikan ko ang blog mo! :grinnod: :lol: :grinnod: :lol:

Comment by Anonymous
2010-08-28 09:47:05

really?

 
 
Comment by calneil
2008-06-19 12:11:04

funny sarcastic entry….forte mo talaga.
pero bumaba ng dalawang porsyento ang rating mo sa akin dahil sa dalawang joke na yun.
makakabawi ka rin.

==
ahhhm pero marami pa akong kayang gawin para umangat ulit ng porsiyento ang pagtingin mo sakin, pero iyon e kung babae ka, at kung lalaki ka.. kalimutan mo na yung sinabi ko.

 
Comment by Anonymous
2008-07-23 20:31:22

patawarin nyo po ang gumawa ng joke na 2 wla lang po xa sa tamang pag iisip!…

:no: :no: :no: :no: :no: :no: :no: :no: tsk tsk tsk… sana ndi ko nlang nabasa^^

 
Comment by paris
2008-10-31 10:59:16

hmmm.. too much coffee lang yan.. dapat natulog ka na lang… :no:

 
Comment by iPhil
2009-06-14 20:08:03

nabadtrip lang ako. wag mo nang uulitin yon.
:|

 
Comment by Anonymous
2009-09-23 20:29:47

ang corny booooo!!!!!!
add mo na lng ako sa friendster
emo013demon66@yahoo.com

 
Comment by Lyzius
2009-11-04 23:58:39

pa 28 pa lang tong comment ko… kelangan pa ng 472 commenter para makumpleto yung 500…

 
Comment by Lyzius
2009-11-04 23:59:25

pa 29 to… pasasaan ba at maatim mo na rin yun…

 
Comment by wtf?!
2010-06-09 20:01:19

hayyyzzzzzzzz…. masyado ka kasing assuming na matatawa kami sa jokes mo… maaawa pa sana ako sayo ee… kaso nabasa ko na “iba blog ko yan at aakit ng limandaang komento yan” tsss…. FEELER mo pre!
hayzzz… wrong move na ipinost mo yung joke mo sa blog mo… kawawa ka lang…
tsaka yung dun sa “paalala” mo… eww! as if! haha.. wala talagang kukuha ng joke mo! kung gusto mo! SAYONG SAYO NA! hayzz… pero salamat na rin kasi may nagawa ako ngayong oras na to… bored kasi ako at naghahanap ng joke… pero hayzz..

 
Comment by OL
2010-06-20 20:29:20

:no: :roll: tsk tsk tsk di naman nakakatawa ung mga jokes mo

 
Comment by Rey Pinyoko Subscribed to comments via email
2010-08-06 19:25:18

natawa ako, pero di dun sa joke..dun sa buong istorya ako natawa :) galing mo pre!!! hehehehe

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>