Archive | June, 2008

kupal magnet

30 Jun

mula nung isinilang ako sa mundo ng internet, kasabay nun na nagsulputan ang mga kupal na aali-aligid sa likod ko at sa gilid ko na parang kakambal na ng pagkatao ko at mga nagmimistulang kakabit na ng pusod ko. masasabi kong sanggol pa ‘ko nung nagsimula akong makipag gerahan sa mga kupal na ‘to gamit ang keyboard at harap ng monitor ko at buong yabang kong ipinagmamalaki na ni isa wala man lang nagtagumpay na magalusan ako sa pamamagitan ng pagpapausok ng ilong ko sa galit gamit ang mga salita nilang iniisip nilang matitindi, binibitawan nilang brutal pero parang musikang dumadaan sa kaliwang tenga ko, lagpas sa kabila. (more…)

cyber ex

28 Jun

patawarin mo ‘ko kung nasabihan kita na ‘wag ka ng magpi pm at ‘wag mo na ‘kong itetext. ang gusto ko talagang sabihin nun ay umalis ka na sa buhay ko. patawarin mo ‘ko kung hindi ko nasabi sa iyo ng diretso ‘yun, pinahahalagahan ko lang ang damdamin mo dahil s’yempre may pinagsamahan din naman tayo. at parang ang ungentleman ko naman kung sasabihin ko sa’yo ‘yun. nalulungkot akong iniisip mo na masakit akong magsalita, antagal din nating nagsama hanggang ngayon pala hindi mo pa rin ako nakilala ng lubusan, hindi mo pa rin pala alam na para sa akin ang tanga ay tanga, ang gago ay gago. hindi mo pala naiintindihan ‘yun. (more…)

ay gawa ng diyos, di kumukupas

27 Jun

naranasan n’yo na ba ‘yung tipong may nakapulupot na malaking sawa sa buong katawan mo? hindi ka makahinga, hindi ka makagalaw ng maayos, butil butil ang pawis sa noo at leeg mo, pakiramdam ko katapusan mo na. naranasan ko ang ganyang pakiramdam kani kanina lang sa bus habang papauwi. bago ako umalis sa opisina kanina pinakiramdaman ko pa s’ya, ok naman. walang kasinto sintomas ng paghihimagsik. eksaktong kakaalis lang ng bus nung una s’yang nagparamdam, hindi ko pinansin at nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga magagandang tanawin sa labas ng bintana na hatid sa atin ng ubod linis na siyudad ng maynila. hanggang sa grumabe na s’ya ng gumrabe at hindi na nga ako makakilos. sinubukan kong libangin ang sarili ko sa pagdadasal, sa pagkanta ng mga awitin sa simbahan.. pero wala pa din. ang katotohanan ay nasa harapan ko pa rin.  (more…)

kitchie nadal and barbie

26 Jun

alam n’yo bang magkapatid si kitchie nadal at si barbie..

(more…)

lorna tolentino

26 Jun

nasa pangalawang upuan sa pangdalawahang tao ako sa kanan ng drayber ng bus, ilang upuan na lang ang bakante sa likod ko at paalis na ang bus sa bagong terminal sa alabang ng sumakay ang babaeng ito, walang ektra ordinaryo sa kanya bukod sa malaking nunal n’ya sa may nguso na nahahawig kay lorna tolentino. naka suot s’ya ng pang corporate attire, nasa liyebo trenta na siguro ang idad, at may dalang isang hand bag at isang paper bag, tipikal na itsura ng galing sa opisina. hawak ko ang malaking ID ko at ginagamit kong pamaypay, wala na kse ang bagyo at balik na naman sa init ang panahon kahit sa mga oras na ‘yun na alas nuwebe na ng gabi. may dinukot s’ya sa paper bag na nasa kandungan n’ya at inilabas n’ya yung pamaypay n’ya, nagkatinginan kami at otomatik na nagkangitian. (more…)

sawsawan

24 Jun

hindi ka ba makakain ng walang sawsawan? natatabangan ka ba sa pritong manok pag walang ketchup? o nakukulangan sa alat pag walang sawsawang patis ang sinigang.
ang susunod na tanong ko ay may kinalaman sa paksa natin ngayon, (more…)

pormula

23 Jun

ikaw na babaeng may nanay na kamukha ni joy viado, ikaw na babaeng minahal ko pero nagpaapekto sa sulsol ng nanay n’ya na isa akong walang kwentang lalaki, mukhang durugistang walang mararating, at hindi dapat binibigyang halaga. gusto lang kitang kamustahin, makalipas ang halos sampung taon, ano na bang nagbago? ganun pa rin ba ang nanay mo? masungit pa rin ba sa ibang tao maliban sa manliligaw mong estudyante ng medisina? ako eto, hindi na masyadong mukhang durugista, nagkalaman na ang katawan at wala ng mga hikaw sa mukha. may maayos din akong trabaho sa ngayon na salungat sa sinabi ng nanay mo dati na wala akong mararating. may asawa at isang anak, at maraming babae sa net.
actually, matagal na kitang gustong gawan ng entry lalo na ang mga mapapait na sinapit ko sa nanay mo. wala pa lang akong naiisip na simula at wakas ng kwentong inihahanda ko para sa inyong mag ina.
nagsimula ‘yun nung nakita ko ang primary pict mo sa friendster, naka private profile ka kaya ‘yun lang ang nakita ko, pero sapat na ang nagiisang larawan na ‘yun para makita ko kung gaano ka kasaya sa buhay mo ngayon. sapat na ang nagiisang larawan na ‘yun para ilang gabing magulo ang isip ko na papa’no kaya kung hindi ka nakinig sa sulsol ng nanay mo, at papa’no kaya kung ako ang kasama mo sa picture na ‘yun, imbis na ‘yung asawa mong balbon na parang tinigilan ng evolution. hindi rin pala ‘yung duktor na manok ng nanay mo ang naka tuluyan mo, siguro nagsawa din sa pag iintindi sa kung anong nanay meron ka, at siguro nakapag isip din sa impiyernong sasapitin n’ya pag naging biyenan n’ya ang nanay mo. (more…)

dignidad

21 Jun

siguro nga may kinalaman ang entry ko tungkol sa dalawa sa pinakanakakatawang joke kaya nangalahati ang hits ng blog ko, at kung hindi ko pa ilalagay sa forums at sa yahoo groups na blog ito tungkol sa mga scandals ng mga artista ay hindi pa aangat ang hits ko na tulad ng isang normal na blog. marahil ito rin ang dahilan ng mga pagabandona sa akin ng mga twitter friends ko. at mga anonymous emails tulad ng ” wala ka pala e! ” ewan ko.
pero kinakailangan kong bumawi at ibangon ang aking magandang nasimulan. at magagawa ko lang ‘yan kung magiging maingat ako sa mga bagay na gagawin at sasabihin ko, at naniniwala ako na ilang panahon lang at maibabalik ko na ang respeto at pagmamahal sa akin ng mga giliw kong mambabasa. (more…)

sana

21 Jun

kung ang puwet ko ay ang utak ko at ang tae ang mga ideya
lagi sanang updated ang blog ko.

kristine hermosa ces drilon at loren legarda

19 Jun

patulog na sana ako nun, pero naisipan ko pang magkumpleto ng antok bago mahiga. binuksan ko ang tv at nagplanong sumilip saglit, isang ikot lang ng channel pag walang interesanteng mapapanood matutulog na ‘ko. pinukaw ng wowowee ang diwa ko, wala akong pakialam kay revillame at sa mga dancers n’ya at sa dalawang babaeng pag tinitigan mo boobs at bunganga lang ang tututukan ng mata mo. guest co host nila si kristine hermosa, amputi at ang kulit n’ya nung tanghaling ‘yun. nawala ang antok ko kakahintay ng mga magagandang anggulo ni kristine, ng biglang sa kalagitnaan naputol ang palabas.
(more…)

>