shu mod

30 May

at dahil panggabi na ako at matagal ng napatunayan ng mundo na kakambal ng puyat at byahe ang tigyawat, kinontak ko ang isang kaibigan na may malaking kredibilidad tungkol sa mga bagay na ito. hindi s’ya derma at hindi s’ya intsik, hindi s’ya nagbebenta ng mga creme na galing china at hindi s’ya nagtapos ng medisina sa mukha.. isa s’yang bakla.
isa s’ya sa maraming mga bakla na biniyayaan ng makinis at mamula mulang mukha. tinext ko s’ya kagabi pagkauwi ko galing trabaho kung ano ang mabisang pampahid sa mukha para maiwasan ang tigyawat at kaninang tanghali ko lang natanggap ang sagot n’ya. baka busy s’ya o puyat sa kabaklaan, hindi ko na inalam pa.
ang sagot n’ya “try mo ang shu mod” sinagot ko ng “saan nakakabili, magkano at pa’no ang paggamit?” at matulin s’yang sumagot ng “mura lang, sa watson meron, keri na ang umaga at gabi pero mas winner pag mas madalas” at dahil bukod dun e wala na akong naiisip na kailangan pa sa kanya, pinutol ko ang ugnayan namin sa isang simpleng “ktnx”
tinamad akong umalis kanina, madami akong kailangang lakarin. sa husgado para ifollowup yung kaso nung poging bumasag sa ilong ko, sa banko para sa application ko ng union account, at sa mall para bumili ng napagusapang gamot sa mukha. pero dahil sa champion ako pagdating sa obli obligasyon, wala ako ni isang natapos sa mga ‘yan. hiwa hiwalay kse at pakiramdam ko e hindi kakayanin ng isang lakaran lang. narinig ko sa pamangkin ko na umalis ang nanay ko, pumunta sa mall para magbayad sa telepono ng asawa n’ya. tinext ko agad para sa gamot at para kahit papa’no naman e may ma accomplish ako. ” ma, daan ka watson o mercury bili mo ko SHU MOD pampahid daw sa mukha ‘yun, dito kita babayaran” hindi ko inaasahan ang reply nya dahil ganun naman ‘yun pag may ibinibilin ako, ang reply pag may balita na sa pinapagawa mo.
at kanina lang, ilang oras bago ako magpasyang umidlip para may panlaban sana sa magdamagang puyatan, nag ring ang celfone ko, pupungas pungas pa ‘ko nung sagutin ko, para lang mawala ang kahit na gapatak na antok na natitira sa pagkatao ko sa boses ni gng. cabron na galit na galit at ipinahiya ko daw s’ya at pinagtawanan daw s’ya sa watson.. tinatanong ko s’ya kung anong problema pero hindi n’ya naman masabi sa akin kung anong kinakagalit n’ya. pakiramdam ko na gulpi de gulat ako dahil hanggang sa patayin n’ya na lang ang celfone hindi ako nakakibo, pakiramdam ko lumilipad pa rin ang diwa ko kakaisip kung ano na namang kagaguhan ang nagawa ko.

RSS feed | Trackback URI

32 Comments »

Comment by wey
2008-05-30 20:22:04

Ayos to! haha! simula pa lang ng kwento natatawa nako dahil sa title pa lang, at sa kaibigan mong bakla.. hahaha! shu mod amp!

 
Comment by pongpagong
2008-05-30 21:37:46

di ko nagets?
ano yung moral lesson? wag magpapaniwala sa bakla?

ano ba yung shu mod?

 
Comment by gingmaganda
2008-05-30 22:14:38

tamod?

==
watta dirty mouth.

 
Comment by denzyou
2008-05-30 23:15:51

ano nga kaya yung shu mod? di ako maka relate :D

akala ko may product ka nang ie endorse eh.. :grin:

 
Comment by mine
2008-05-30 23:41:12

ahh mainam nga daw talaga yang shu mod, akshuli, 2nd yr. HS ata aq ng una kong madinig yan. yan daw kc ang regimen ni charito solis sa kanyang face…

bat nga ba di ko ni try sa pimpols ko :|

may iba pa ding name kilala yan, kyumodz naman! Lols :lol:

==
kyumodz? hmmm parang tunog syumod ng mga robot a!

 
Comment by MARU
2008-05-31 01:40:52

uyyyy! imperness, mabisa nga raw yun na pampakinis ng mukha. college pa lang ako narinig ko na yan eh. buti na lang at di ko kelangan yan…la naman akong pimpols sa mukha.
hmmmmn….kaya pala nararamdaman ko na makinis ang lalamunan ko….pampakinis nga pala talaga yan. lols!

 
Comment by weng
2008-05-31 01:43:51

shu mod? interesting.. pero ni-try kong mag google, lumalabas e pang patch daw sa azureus. haysss.

 
Comment by ellieshe
2008-05-31 01:57:34

,iba yung nasa isip ko…pero bka mali ako. :grin:

 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 02:11:33

@ ellieshe
pero pwede nating subukan muna, at pag hindi kuminis.. tsaka na natin alamin kung mali nga ang naiisip mo.

@ weng
nerd.

@ maru
idetalye mo pa please kung papano kuminis ang lalamunan mo. :grin:

 
Comment by annie
2008-05-31 02:11:43

simula pa lang ng post sobrang natawa na ako.. :lol:
kaya lang parang nawirduhan naman ako syo Jon na hindi mo alam yung SHU MOD :grinnod:

 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 02:56:57

@ annie
ahhhm, nawirduhan? so ibig mo bang sabihin, dapat alam ko yun dahil nababaklaan ka sakin? :sad:

 
Comment by annie
2008-05-31 04:06:27

oi jon hindi naman sa ganun! :grinnod:
its just weird na hindi mo alam yung SHU MOD..eh halos lahat ng boys dyan sa atin eh alam yun.. kahit na sabihin mong salitang bakla yun.. di ba? :wink:

 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 04:14:49

laking seminaryo ako at pinapalo ng nanay ko ang bibig ko ng panyo ng el shaddai pag nagsasalita ako ng mga bastos. :sad:

 
Comment by Mr. Fu
2008-05-31 08:04:19

kung akin lang lugar sayo, akin suntok bakla sa ilong…

ikaw wag na niwala bading…. ikaw niwala lagi intsik.. ikaw tingin intsik, lagi kinis kutis…. akin pakita sayo ano ikaw gamit, basta ikaw bili sakin…

 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 08:05:37

@ mr fu
basta walang kinalaman sa shu mod yan at walang orasyon, sige. :nod:

 
Comment by Anonymous
2008-05-31 09:12:12

eh ako nga ngayon ko lang yan nadinig. ngayon alam ko na… sabi kasi ng partner ko sarap daw nyan i-swallow, pag kana inum ka at yosi ng ilang araw bago ang labanan. malangsa daw…. ^_^

 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 09:12:29

@ anonymous
kung babae ka.. = :wink:
kung bakla ka = :sad:

tsaka kung babae ka, asl pls.

 
Comment by jeck
2008-05-31 09:41:02

wahahaha. nanay mo pa ang nabiktima. nagpaliwanag ka na ba? isama mo yung kaibigan mong bakla, sila pag-awayin mo! hahahahaha

 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 09:41:40

@ jeck
actually tinext ko na yung kaibigan ko, sabi ko magluluto ang nanay ko sa isang araw at iniimbitahan sya, samin na sya maghapunan. :nod:

 
Comment by miss choi
2008-05-31 14:18:03

ang engot ko. kung hindi pa ko nagbasa ng comments di ko magets. kulang ako sa kaalaman at iodized salt.

 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 14:18:17

@ miss choi
kulang sa kaalaman :wink: * wink * wink *sabay basa ng lips

 
Comment by feth102
2008-05-31 19:47:43

haha!huli na nung ne getz ko kung ano ang shu mod.mali kasi ang pronounce ko nung una kong binasa.shoe-mod…..nagtaka pa ako nung huli kung bakit nagalit si gng. cabron.haha!!!me pogi points ka nanaman sa nanay mo!ewan ko pero pumasok sa utak ko si dennis the mennace. :grin:

 
Comment by linglingbells
2008-06-01 12:35:17

bakit ngayon ko lang nalaman na pampakinis yun ng mukha??

 
Comment by Jon Cabron
2008-06-01 17:20:18

@ linglingbells
hindi pa huli ang lahat, kung alam mo lang laruin ang laro mo. :wink:

 
Comment by gasti
2008-06-02 09:48:56

ang bilis talaga mag isip ng utak ko pagdating sa mga double meaning…bastos agad naisip ko pero nagkaron pa rin ako ng kaunting pagdududa dahil nabibili pala sa watsons yun..biglang nag iba pananaw ko sa tindera ng watsons. lols!

naaliw din ako sa mga comments..andami palang “aral” sa mga fans mo..hehe!

 
Comment by apollo
2008-06-02 10:46:36

ayos! may napulot na naman akong magandang aral mula sa yo boss jon! lols!

==
at hindi lang dyan nagtatapos yan kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon… ahhhhm’ yun e kung babae ka ha!

 
Comment by calneil
2008-06-02 11:36:38

di ko naisip yun ah? yun pala yun? mas malakas sana pagtawa ko kung alam ko beforehand..well gaya mo di ko alam yung shu mod na yan..pero malabong magpabili ako sa iba ng mga gamit sa mukha etc.. wawa naman si mam cabron? ano kaya naisip ng watsons saleslady?

==
ahhhm’ siguro naisip nila na isang matrona si gng. cabron. yun lang ang naiisip ko.

 
Comment by Anonymous
2008-06-02 18:12:16

@ anonymous kung babae ka.. = :wink: kung bakla ka =
Jon Cabron | May 31, 2008 | 9:12 am

@ anonymous
kung babae ka.. = :wink:
kung bakla ka = :sad:

tsaka kung babae ka, asl pls.

de pot@, nag iba na pala ang site mo di gaya ng dati na na-save na ang name ko sa baba….eto anonymous ang nalabas pag na iwang blanko. hahahahahahha

sarap daw sabi ng partner ko i-swallow, yum yum inum muna ako sabaw ng buko 3 then laban na…

alone ^_^’V

==
heheh, nung isang araw lang kita naisip’ sabi ko mukhang naiwan ka sa kabila at hindi ka nagpaparamdam

 
Comment by alone
2008-06-03 08:24:05

hahahaha oo nga eh…. ^_^

 
Comment by sommer
2008-06-03 16:42:59

…totoo pala yun? kaya pala walang pimples ang tyan at likod ko.tsk!

 
Comment by Jon Cabron
2008-06-03 18:26:16

@ sommer
oooooooh’ pwede bang idetalye mo pa yang sinabi mo?

 
Comment by antuken
2008-06-03 22:32:24

ngayon ko lang din yan narinig. so ibig sabihin, hindi mo na kelangan bumili di ba? hehe.

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>