mahirap na version ni rhian ramos

27 May

nabubuwisit akong nakasakay sa jeep na pabyaheng opisina nung sabado, kakababa ko lang sa bus na mainit at pinamamahalaan ng kunduktor at drayber na hayuk na hayok kumita ng malaki at walang pakialam sa mga pasahero nilang male late na sa mga pupuntahan.
dagdag inis pa na yung earfone na kakabili ko lang para sa mp3 player ko, hindi na gumagana yung kaliwa, paksyet naman!
nakayuko akong kinakalikot yung saksakan at pakiramdam ko e parang may naputol sa loob ng kable kaya may pag ikot ako na gumagana s’ya, tsumatsamba. nang biglang tumigil ang jeep na sinasakyan ko at pumasok ang isang babaeng nagpatibok ng puso ko at nagpatigil sandali ng mundo ko, isang babaeng nakadilaw. at ni sa panaginip hindi ko naisip na ganun katindi ang magiging epekto sa akin ng kulay na iyon, natulala ako at otomatikong naglakbay ang utak ko sa mga posibilidad na puweng mangyari.
at nagtama ang tingin namin ng kasama n’ya, at doon na naguluhan ang puso ko.. sa unang tingin para lang silang magkapatid o magkaibigan na may medyo malaking agwat ng idad pero sa ilang kilos nila natiyak ko na mag ina sila.
saglit kong tinimbang kung kanino ako papanig kung sakaling mag away sila dahil sa akin, at walang duda. nalito lang ako ng saglit pero ang anak ang napili ko. tinitigan ko s’ya ng mabuti at pinipilit hulihin ng mga mata kong otomatik na pumungay ang mga mata n’yang maiilap at tagusan kung tumingin sa akin. pinagmasdan ko s’ya at naisip kong may kamukha s’yang artista, kamukha n’ya si rhian ramos. mukha s’yang mahirap na version. siguro dala na rin ng mga peklat n’ya sa braso at likuran at ng pedicure n’ya sa hinliliit n’yang dumudungaw sa sandals n’yang medyo namumuti sa alikabok at maliit ng konti sa kanya. pero ganun pa man hindi kayang itago nun ang natural n’yang ganda. ang gandang inosente at para lang sa akin. at mamaya sigurado ako ang pangatlong araw na muli nanaman akong wala sa oras na magigising mula sa pagtulog, hahagilapin ng kamay ko ang celfone ko para makita at mahalikan ang larawan n’yang nakatalikod. hindi ko alam kung kelan ko ulit sila makakasakay sa jeep, at hindi ako sigurado kung hanggang kailan n’ya patitigilin ang mundo ko, at hanggang kailan n’ya istorbohin ang paliligo ko.

RSS feed | Trackback URI

16 Comments »

Comment by mean jolene
2008-05-27 05:16:14

may peklat ba? sa picture mukha namang makinis ah… :P

 
Comment by jeck
2008-05-27 06:58:37

hayupf sa pag-istorbo ah. haha. pakilala mo sa akin yung MILF. mom i like to f**k. niyahaha.

pwede pong pa-update ng link? hehe. tenks.

 
Comment by madbong
2008-05-27 07:02:17

kund pwede lang sana tuhigin ng sabay hehe

 
Comment by Jon Cabron
2008-05-27 09:11:55

mga bastos! :wow:

 
Comment by rofel
2008-05-27 10:35:41

“saglit kong tinimbang kung kanino ako papanig kung sakaling mag away sila dahil sa akin” -astig
wahehehehehe! panalo!

 
Comment by gasti
2008-05-27 12:01:02

haha! bihira mangyari ang ganyang oportunidad..amp nalito ka pa kung sino sa kanila type mo natural dun ka sa mas bata…sayang nga lang at likod lang ang nakuhanan mo. pero naniniwala naman ako na may hawig nga sya kay rhian ramos..pwede pwede! lols!

 
Comment by gingmaganda
2008-05-27 12:23:36

ang stalker mo talaga cabron!

 
Comment by mine
2008-05-27 12:41:56

grabeng maka kilatis

ultimo nakapanungaw lang na hinliliit napansin :lol:

 
Comment by Pryss
2008-05-27 12:58:05

wala nga eh,di ko nakita…. :|

 
Comment by Lyzius
2008-05-27 13:04:23

at talagang kinunan mo ng pichur bossing…in ferness maganda ngang tingnan sa talikuran…

 
Comment by mnel
2008-05-27 13:44:29

bilib akong nakakuha ka ng picture nila kahit nakatalikod ng hindi pinandidilatan ng mga katabi mo sa jeep. hahaha. :lol:

==
hindi mo alam ang kapasidad ko, iha.

 
Comment by kengkay
2008-05-27 15:39:55

talagang may ebidensya pa ha.

 
Comment by feth101
2008-05-27 20:53:09

galing mo,nakunan mo ng picture.magaling nga ba talaga ang tawag dun o makapal?hehe,joke.natawa ako dun sa iistorbohin pagnaliligo ha.haha. :lol:

 
Comment by neex
2008-05-27 22:19:13

inlab si kuya jon?

 
Comment by christine
2008-05-27 22:45:09

buti di selosa si mrs. cabron….

 
Comment by anon iledan
2008-05-28 18:27:34

ahm, sehr mga ilang buwan na din sinusubaybayan ko yung blag mo pero me tanong lang po sana ako, bakit po ba yung mga ‘taga’ IT e malilibog? :cool:

==
baka dahil sa radiation ng monitor.

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>