wag ka na!
27 Dec
matagal ko ng hindi nararamdaman ‘to. sa totoo lang ang alam ko nga pambata lang ‘yung pakiramdam na ganun na bigla ka na lang kikiligin pag nagtama ang mga mata n’yo ng isang taong hindi mo naman kakilala at unang beses mo pa lang nakita. normal akong sumakay ng jeep at nauna s’ya dun, maluwag sa jeep nung oras na ‘yun. kabilaan kami, tapatan. pag tingin ko sa mukha n’ya nakatingin s’ya sa akin at otomatik na kumawala ang isang ngiti sa isang sulok ng mga labi ko at nagulat pa ako ng bahagya ng gumanti din s’ya ng isang ngiti. ngiti na may halong hiya. nahiya siguro s’ya na nahuli ko s’yang nakatingin sa akin o pwede din na nagulat s’ya dahil hindi n’ya akalain na ngingitian ko s’ya.
at sapat na ang palitan ng ngiting iyon para umandar ng mabilis ang utak ko sa mga posibilidad na p’wedeng mangyari. gagamitan ko s’ya ng gasgas na pakagat na:
JON: ahhhm miss, bakit ka nakatingin.. may dumi ba ako sa mukha?
MISS: ah eh wala..
JON: coffee?
MISS: k.
(more…)

