isntitironic.. dont u think?
19 Dec
aka my very own murphy’s law – “Whatever can go wrong will go wrong, and at the worst possible time, in the worst possible way”
1. pag nagmamadali ka para pumunta sa isang importanteng appointment, matitiyempo ka sa drayber na tikal ang mukha, lahat ng nakatayo sa kalsada tinitigilan.
2. bumibilis ang oras pag malelate ka na, at bumabagal pag naghihintay ka na ng uwian.
3. pag pinaplano mong magsuot ng shades, pagkatapos mong maligo paglabas mo sa banyo, kukulimlim ang langit.
4. pag pinlano mong magsuot ng jacket o sweater, pag nasa sasakyan ka na biglang titirik ang araw.
5. pag gusto mong pumasok ng normal lang, matatae ka sa byahe.
6. sa isang linggo, anim na araw ka makakakita ng pakalat kalat na bolpen sa lugar mo, pero isang beses mo lang kakailanganin yun.. yun yung isang araw na wala kang makikita kahit bali baliktarin mo yung mundo mo.
7. malalaman mong rereglahin na ang babae pag sumasakit na yung boobs nila, at pag naka skedyul kayong mag anuhan kinabukasan.
8. kahit ilang oras ka humarap sa salamin bago ka umalis ng bahay nyo, mararamdaman mo lang na may kulangot ka pag kausap mo na ang boss mo.
9. malalaman mo lang na ubos na pala ang gel mo sa bahay, pag kinakailangan mong pumorma sa lakad mo’
10. maghapon kang nakatunganga sa opisina ng mag isa, walang tumatawag, walang trabaho.. pag nasa estado ka ng natatae ka na at nagtatalo pa yung isip mo kung matitiis mo pa ba o ilalabas mo na sa cr, bago ka makapag desisyon.. tsaka may tatawag na kinakailangan ng mabilisang aksyon.
11. bago ka makaupo sa harap ng pc mo para igoogle yung title ng kantang narinig mo sa bus, nakalimutan mo na yung saktong lyrics.
12. maaalala mo lang yun pag nasa byahe ka na ulit.
13. hindi pwedeng walang lalaking naghihilamos, nagtetext, nagsusuklay, nagchecheck ng kulangot sa banyo.. pag nahihiya ka at gusto mong mapag isa sa pagtae.
14. sa 711 malamang sa hindi na yung taong sinusundan mo sa counter limandaan ang pera, pambayad sa wala pang isandaang pisong pinamili nya.
15. at papartneran yun ng cashier na mabagal mag isip.
16. at kinakailangan nya pang magpapalit sa kabilang kaha.
17. lahat yan pag late na late ka na sa trabaho.
18. wala ang boss pag maaga ka dumating sa opisina.
19. otomatik na andun yun pag late ka na.
20. mararamdaman mo lang na kailangan mo ng kumambyo, pag naka upo ka na sa siksikang bus.
21. apat na bagay ang siguradong hindi ka mawawalan
pag papunta ka na sa date mo,celfone, panyo, tigyawat, at badbreath.
‘ yan lang muna.. at tulad ng dati,
yang ang nangyayari sa isang normal na taong tulad ko, so malamang pag wala kahit isa dyan ang nangyari na sayo.. sorry friend, malamang sa hindi, retarded ka!
.. at ang boring ng buhay mo’

Haha, as usual you made me laugh again. You might want to link up my bestfriend’s new blog. It was inspired by your famous blog.
hahahaha tama! retarded nga ang magsasabing wla p syang naranasan sa mga ayan!! nice bolg dude!!
11 at 12.. yan… hehehe..
saktong sakto nga ang pagkakadescribe mo..andami talagang kups na driver na nagkalat sa lansangan. malas nga!
1/2/4/5/6/11/12/13/14…yan madalas yan hahahahaha!!!!
KINABAGAN ULIT AKO DITO… hahahaha….bakit nga tlaga ganyan nangyayari noh??
ahahah! 1-13 na eexperience ko yan
kailangan talaga may ‘obstacles’ na mangyayari sa araw araw pam pa badtrip noh?:)
may isa akong gusto idagdag based on experience
…sasabihin mo na na crush mo ang isang chikababes…kasabay ng sampu pang lalaking ganun din ang gustong sabihin at that given time… watakoinsidens!!! lol
astig! galing mo!
haha. hindi ako retarded! unang-una pa lang sa list mo, hindi na boring ang buhay ko! this post is soooo funny.
and true.
number 7 — bakit naman naka iskedyul, hindi ba talaga spontaneous yon. haneps, baka mabatukan ako ni kengkoy kapag nilistahan ko sya ng iskedyul
hahahaha!! oo nga.. nakakainis pag ganun!! nangyayari din sakin yung ilan jan/11 ahahaha!! badtrip amp…
5. pag gusto mong pumasok ng normal lang, matatae ka sa byahe.
haha. badtrip tong ganito. ung nararamdaman mo, woohoo, ayan na sia. it’s coming! hahahaha. at may interview ka pa nung araw na yun. LOL.