Archive | December, 2007

alaala ng isang malaswang larawan mula sa karachi

31 Dec

naaliw ako, nabuksan ko ulit yung account ko sa yahoo na ginagamit ko nung dating dati pa.. isa yun sa mga nauna kaya newbie pa talaga ako sa YM galing ng MSN. halos karamihan ng nasa friends list nung account di na active.. or pwedeng nagpalit na rin ng account. browse ko yung email at saglit na tumigil ang mundo ko sa nakita ko.. nagbalik ang mga alaala ng isang pag iibigan na malalim na karagatan at nakapupuwing na disyerto ang pagitan, at isang relihiyon at kaugalian ang humahadlang…
nakilala ko sya sa MSN.. konting palitan ng “whisper” at nakapalagayang loob, taga karachi sya.. galing sa isang mahirap na pamilya, mula sa isang mahirap na bansa. pagtagal, napagpasyahan namin na lumipat sa yahoo.. at dun lalong tumibay ang pagkakaibigan namin na nauwi sa palitan ng “i love you” sa PM at sa email.
halos alam nya na ang lahat sa akin, ganun din ako sa kanya.. alam ko na teacher ang tatay nya at mga kapatid na lalaki, alam ko na lupa lang ang sahig nila.. at alam ko rin kung gaano kahigpit ang tatay nya at mga kapatid sa kanya, lalo na pagdating sa lalaki.. masyadong conservative ang relihiyon nila pagdating sa bagay na yun.
tinanong ko sya isang araw kung papano sya makakapag asawa ng gusto nyang lalaki.. ang sabi nya, wala daw paraan.. kaya nagdadasal na lang sila ng nagdadasal na magkakaibigan na sana ang makasundo ng pamilya nila sa pagbibigay ng dote.. yun yung lalaking gusto nila… binibili ang babae sa kanila.
naging obligasyon na sa aming dalawa ang pagoonline ng ayon sa skedyul nya ng paghawak ng computer sa kanila at sa eskuwelahan, naging batas na rin na magiwan ng offline pag sakaling hindi makakapag online ang isa..
isang bagay lang ang hinihiling ko sa kanya, ang padalhan nya ko ng picture nya.. sa tagal ng paguusap namin, ni minsan hindi ko pa nakikita ang picture nya.. wala daw kse syang digicam o scanner man lang.. hiyang hiya nyang ipinaliwanag yun kaya hindi ko na inulit yung hiling ko, pero nangako pa rin sya na pag nakapunta sya sa kaeskwela nya na medyo may kaya at may digicam, magpapakuha sya agad at papadalhan nya agad ako..
hanggang sa dumating ang isang pagsubok na nagpabago sa pagtitinginan namin.
andun sya sa bahay ng mga kaibigan nya nun.. magkachat kami at napagtripan nilang magkakaibigan na magbigay ako ng picture ko na hubo’t hubad.. nung una nag alangan ako.. ayokong magbigay ng picture ko ng nakahubo.. lalo na sa isang taong hindi ko pa nakikita ang itsura, pero nangako sya na pag natanggap nila ang picture ko.. magpapakuha rin sila ng mga kaibigan nya ng seksi. curious lang daw sila ng itsura ng lalaking nakahubo, dahil sa pagkaconservative ng bansa nila, pati mga website na may mga ganun, nahaharang.
.. hinawakan ko ang pangako nya na magpapadala sila ng picture na magkakasama at seksi din, kahit nagaalangan.. pumwesto ako sa may kama at isinet sa otomatik yung digicam.. at bumukaka’ .. isinend ko ang picture sa kanila, at naghintay sa isesend nila.
ipinadala nya ang picture na to na magkakasama sila.. sya daw yung pangatlo’

click here

.. sa bansa daw nila, mahalay na pag nakita mo yung kamay ng babae.. itago ko daw at mangako ako na pakakaingatan yung picture nila’ hiyang hiya daw sila sa lalaking kumuha nun. nakita ko na lang ang sarili ko na minumura sya at ang mga kaibigan nya.. nakapag bitiw din ako ng mga salita tungkol sa 5-6, mapanghi, at hindi naliligo, hanggang sa maglog out sila. at simula nun hindi ko na sya nakitang nag online, hanggang sa nagpalit na nga ako ng account.
at kanina nga nung napag isipan kong buksan ang account na yun, nagbalik ang isang ala ala.. at kung tatanungin mo ko kung bakit kasama sa picture yung kumukuha ng larawan… hindi ko rin alam.. hindi ko rin alam..

happy new year and everything!

huling wala sa lugar na pag ire sa 2007

31 Dec

tumatakbo akong pababa sa tollgate.. bawal daw sabi ng kunduktor, wala akong pakialam! kumaripas at sumabay sa mga ilang nainip din at tumawid, humarang sa kasalubong na bus, pabalik.
sobrang trapik, may buwakanangenang nagwewelga pa.. lock – out ng empleyado ng skyway daw , kagaguhan na kaming mga pasahero ang abalahin nyo dyan sa
ipinaglalaban nyo! .. andun yung abs-cbn.
.. malayo pa ang byahe, halos pagitna palang.. mahaba pa rin ang trapik, hindi makita sa kinauupuan ko yung dulo’
‘taeng tae na ko, at mas mabuting sa daan pauwi na ko abutin, kesa sa daan paopisina..
isinugal ko na ang buo kong pagkatao.. wala ng natitirang moral sakin ng pumasok ako sa banyo ng palengke ng alabang, dun sa may yelohan, napakapanghi at napakabaho…. limampiso ang bayad’ .. may mga pagkakataon na maiisip mo talaga, magdududa ka kung totoong katulad ng mga normal ang tiyan na makakasalubong mo… anak ka rin ba ng diyos?!

charlie

29 Dec

sabi ko dati hindi ako magpopost ng youtube video dito sa blog ko’
This video was embedded using the YouTuber plugin by Roy Tanck. Adobe Flash Player is required to view the video.
natuwa lang ako nung nahalungkat ko sa video archives ng pamilya namin tong video namin ng bunso kong kapatid.. si charlie,
ok’ wala akong bunsong kapatid, hindi kami close ng kuya ko at hindi ko kilala yang dalawang yan’
akala nyo talaga ako yan?! bwahahaha! naloko ko kayo no? hindi? k.
.. happy new year, geniuses!

ok, happy new year na lang my ass!

29 Dec

hindi naman ako masamang tao na maghahangad ng masama sa isang taong naging bahagi rin ng buhay ko, pero sana lang kung may maganda mang nangyayari sa buhay mo wag mo ng iparating sakin, kung sa tingin mo naka moved on ka na, pwes’ di mo na kailangang patunayan sakin yun.. maayos akong nag pm sa messenger kanina

 JON: kamusta?
 EX: ok lang, kaw?
 JON: ok lang din.. balita ko in demand ka daw ah?
 EX: sus! di totoo yun
 JON: o sige na baka nakakaistorbo na at sabihin pa nandadaya ako na kinakausap ka ng walang appointment…
ang lukaret na babae sumagot!
EX: ok, happy new year na lang.

- tama ba namang patulan yung sinabi ko? kung isa kang babaeng may pagpapahalaga sa pinag samahan nyo, ang tamang sagot dyan “ sus hindi naman, okei lang, la din naman akong ginagawa..” o kaya kung medyo gusto mong lumabas na malambing “yabang mo naman, jon.. kaw pa, lagi naman akong may time sayo” or kung talagang ayaw mo na kong kausap “ngeks, di naman jon medyo busy lang, pero dyan ka lang.. pagkatapos ko nito usap tayo” .. pag ganyan kahit hindi mo na ko balikan, maiintindihan ko, at hindi sasama ang loob ko’ pero yung putulin mo yung usapan sa  ok, happy new year na lang, malaking kabastusan yan, at dahil dyan, ewan ko kung pano ko pa titignan ng normal ang sarili ko ng mata sa mata sa harap ng salamin, wala na kong dangal, binasag mo ang kakapirasong ego na itinabi ko para sa sarili ko at tira tirahan nung ipinagsigawan ko sa buong cyber world na mahal kita..

bertdey nya!!! at ‘di ako imbitado.

26 Dec

umiinom ako sa kahit na anong araw may okasyon o wala, umiinom ako kahit eleksyon’ wala akong pakialam sa liquor ban.. umiinom din ako kahit mahal na araw.
nakakasama ng loob na birthday nya pero pakiramdam ko hindi ako imbitado para makipag sayahan sa ibang mga tao, kaarawan nya pero hindi ako pwedeng uminom ng alak, andaming pagkain sa mesa pero hindi ako pwedeng kumain basta basta.. andaming nagtetext na kaibigan at mga pinsan pero may batas sa gabing iyon, buhat pa nung isang araw na hindi ako pwedeng lumayo sa pinto ng kubeta ng ilang kilometro.. kaarawan nya pero imbis na magpaka lunod ako sa alak katulad ng ibang mga normal na nilalang.. mas pinili nyang maiwan akong mag isa sa isang sulok.. magtae ng parang abukadong dinurog na malansa’ maraming salamat po!

bading na bading (bag tag)

24 Dec

sa lahat ng itinag sakin, dito lang ako talagang nakaramdam ng excitement.. ewan ko kung bakit’ pero talagang kakaririn ko to!!

kk
ito ang bag na pasan pasan ko, anim na araw isang linggo
at sa likod ng pambaklang bag na yan, dun sa tinatawag kong mga delikadong bagay,

kk1
makikita ang..
1. wallet ko
2. 2gig creative stone plus (mp3 player)
3. 1pack / 7 sticks wrigley’s doublemint chewing gum - para sa mga biglaang lips to lips
4. data cable nung mp3
5. 6288 fone
- iba lang housing, balik nokia na ko’
6. empty plactic bottles - ng chinese med para sa pagtatae
7. resibo ng 711
8. blutut
9. charger ng fone
10. coin purse na may..
11. mr. bean na keychain –
wala kang pakialam!
12. 512mb flashdisk - para magmukhang IT ang dating

at eto naman sa harap, eto yung tinatawag kong mga pambiglaang bunot..
(more…)

binibining jeni ong’

24 Dec

jeniong kanina ko lang napansin, galing sa gmail ko ibinato ng multiply..

jeniong,
sensya na at ngayon ko lang nabigyang pansin tong message mo’ ginagamit ko lang talaga kse yung multiply account ko, para makapang abuso sa pag download ng mga kanta.. nababaklaan kse ako sa mga multiply blogs.. pero marami akong kaibigan / readers na may account dun kaya kalimutan nyo na yung sinabi ko.
sa totoo nung una kang lumabas as “referrer” sa control panel ng worpdress ko, nagulat at medyo nag isip din ako ng masama’ pero may tatlong bagay na nagpahinahon sa loob ko:
una. andun naman yung link ko as original author.
pangalawa. nag effort ka pa para itranslate sa english yung entry ko.
pangatlo. may soft spot kse talaga ako sa mga chinita.
.. ewan ko kung nabanggit ko na dito yun’
sa totoo nyan, kung dalaga ka pa at walang boyfriend, nasa hustong gulang.. mga trese hanggang disi sais anyos, baka ang katapus tapusan nito.. maging tayo pa’ ewan ko ha, ewan ko.

.. and, oh’ maligayang pasko sa lahat!!!

naisip ko lang..

23 Dec

pag nasa byahe talaga ko papasok ng trabaho, sakay ng bus.. sobrang bilis tumakbo ng isip ko para sa blog entries, minsan lang talaga kulang sa sipag para ihain lahat pagharap ko sa pc, pero kanina ewan ko kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang dalawang taong ito at ang isang idea..
redford and wilma
naisip ko lang na pag nagkatuluyan si redford white at wilma doesnt, ang magiging buong pangalan ng babae ay… Wilma Doesnt White roflcopter!!
.. mga kaibigan ko pa rin naman kayo di ba?

alamat ng santol

21 Dec

.. may dalawang mag utol na naglalakad sa gubat’

pedro: bilisan natin maglakad tol, mukhang uulan na
juan: eto nga tol, halos tumatakbo na ko’

.. ng biglang may nalalaglag na bunga mula sa mataas na puno

juan: tol.. tignan mo may nalaglag na bunga, ano kayang itatawag natin dyan?

pedro: saan tol?

baduy? pwes, hindi ko trabaho sa mundo ang pasayahin ang mga malulungkot na taong katulad mo dito sa internet, at isa pa sa loob ng mahigit isang taon, siguro naman may karapatan din akong magbitaw ng mga basurang jokes paminsan minsan.. at pwede ba kung gusto mo ng tunay na kaligayahan, wag mo hanapin sa internet yun.. lumabas ka ng bahay, magpaligaw o manligaw, mag asawa, magkaanak, at akayin mo ang pamilya mo, lalo na ang anak mo patungo sa kaniya.. at maging mabubuting kristyano kayo.. yun ang tunay na kaligayahan.. mga retardedssss!

isntitironic.. dont u think?

19 Dec

aka my very own murphy’s law“Whatever can go wrong will go wrong, and at the worst possible time, in the worst possible way”

1. pag nagmamadali ka para pumunta sa isang importanteng appointment, matitiyempo ka sa drayber na tikal ang mukha, lahat ng nakatayo sa kalsada tinitigilan.
2. bumibilis ang oras pag malelate ka na, at bumabagal pag naghihintay ka na ng uwian.
3. pag pinaplano mong magsuot ng shades, pagkatapos mong maligo paglabas mo sa banyo, kukulimlim ang langit.
4. pag pinlano mong magsuot ng jacket o sweater, pag nasa sasakyan ka na biglang titirik ang araw.
5. pag gusto mong pumasok ng normal lang, matatae ka sa byahe.
6. sa isang linggo, anim na araw ka makakakita ng pakalat kalat na bolpen sa lugar mo, pero isang beses mo lang kakailanganin yun.. yun yung isang araw na wala kang makikita kahit bali baliktarin mo yung mundo mo.
7. malalaman mong rereglahin na ang babae pag sumasakit na yung boobs nila, at pag naka skedyul kayong mag anuhan kinabukasan.
8. kahit ilang oras ka humarap sa salamin bago ka umalis ng bahay nyo, mararamdaman mo lang na may kulangot ka pag kausap mo na ang boss mo.
9. malalaman mo lang na ubos na pala ang gel mo sa bahay, pag kinakailangan mong pumorma sa lakad mo’
10. maghapon kang nakatunganga sa opisina ng mag isa, walang tumatawag, walang trabaho.. pag nasa estado ka ng natatae ka na at nagtatalo pa yung isip mo kung matitiis mo pa ba o ilalabas mo na sa cr, bago ka makapag desisyon.. tsaka may tatawag na kinakailangan ng mabilisang aksyon.
11. bago ka makaupo sa harap ng pc mo para igoogle yung title ng kantang narinig mo sa bus, nakalimutan mo na yung saktong lyrics.
12. maaalala mo lang yun pag nasa byahe ka na ulit.
13. hindi pwedeng walang lalaking naghihilamos, nagtetext, nagsusuklay, nagchecheck ng kulangot sa banyo.. pag nahihiya ka at gusto mong mapag isa sa pagtae.
14. sa 711 malamang sa hindi na yung taong sinusundan mo sa counter limandaan ang pera, pambayad sa wala pang isandaang pisong pinamili nya.
15. at papartneran yun ng cashier na mabagal mag isip.
16. at kinakailangan nya pang magpapalit sa kabilang kaha.
17. lahat yan pag late na late ka na sa trabaho.
18. wala ang boss pag maaga ka dumating sa opisina.
19. otomatik na andun yun pag late ka na.
20. mararamdaman mo lang na kailangan mo ng kumambyo, pag naka upo ka na sa siksikang bus.
21. apat na bagay ang siguradong hindi ka mawawalan
pag papunta ka na sa date mo,celfone, panyo, tigyawat, at badbreath.

‘ yan lang muna.. at tulad ng dati,
yang ang nangyayari sa isang normal na taong tulad ko, so malamang pag wala kahit isa dyan ang nangyari na sayo.. sorry friend, malamang sa hindi, retarded ka!
.. at ang boring ng buhay mo’

>