Archive | October, 2007

itz mai waifs bertdeis!

31 Oct

wifeysa babaeng ininuman ko ng eskinol nung iniwan ako, sa nanay ng anak ko at magiging mga anak ko pa, sa lola ng mga magiging apo ko, sa babaeng hindi nakakasawang titigan sa higaan kahit nakanganga matulog, sa babaeng maingay ang bunganga, sa babaeng masarap suntukin sa bibig pag nagaaway kami, masakit magsalita, matangos ang ilong, mukhang suplada, maporma, masarap yakapin, hindi nakakasawa halikan, mahilig mangurot at manampal, sinipa ako dati sa leeg habang nagaaway kami ng nakahiga.. hindi ako nakahinga, sumuka ako sa kama, napraning nung nanganak, may makulay na buhay pamilya, mapagmahal sa magulang at mga kapatid, marespeto sa matatanda, maawain, galante, maganda ang buhok, singkit, maliit na babae, seksi, masarap maging kaibigan, babaeng may paninindigan at semi engot sa computer, adik sa ebay, masarap magluto, online casino dealer, partner in crime, kaibigan, laging nakakontra, mabagal magkuwento, loyalistang tagahanga, ang aking ingat yaman, asawa ko, ang babaeng mahal na mahal ko.. hapi bertdei!

para sayo ang mga salitang ito,
ang bato man na sobrang tibay, natitibag din
bakal man na sobrang tatag, kinakalawang din
si jordan man, sumasablay din, natatapal din..
patawarin mo ko sa mga naging kasalanan ko at magiging kasalanan ko pa’
lagi mong iisipin na makuha man nila ang buong karikitan ng katawan ko.. sayo lang ang puso ko… wraaaaar!

pumunta ko sa watson para bumili ng condom, kakahiya naman babae pa yung cashier,
inilapag ko yung condom.. patay malisya binulong ko “panregalo lang”napangiti yung cashier..

cashier: panregalo.. hmm sir igigiftwrap naba natin?
JON: ha?
cashier: sir ibabalot na ba natin?
JON: wag na, actually yan na nga yung pambalot ko sa regalo ko e’

.. korni di ba? ang gusto ko lang naman talaga batiin yung asawa ko e, tsaka magkaron ng mga bisita sa blog ko na may respeto sakin, alam ko di ko na dapat binitawan pa yung joke na yun, sorry na’ tsaka mahal ko kayo!

* kahapon pa ito dapat naipost, dahil 30 ang bertdei ni mrs. cabron,
alam nyo na busy and everything’

listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol

29 Oct

dahil pansamantalang tumigil ang mundo ko dahil sa nangyari sa isang kaibigan at ngayon ko lang ulit naisipan magblog ng tungkol sa byahe ng buhay ni jon cabron, nanibago ako.. nakakailang draft na ko ng entry pero di ko matapos tapos.. at dahil dun imbis na magkuwento’ bubuwelo muna ko ng mga listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol,
at dahil alam kong kapansin pansin na sa intro pa lang e bukayo na ang pasok ko at hindi katakatakang major bukayo ang entry na’to mula simula hanggang wakas, hahayaan kitang gamitin ang karapatan mo para iclose ang blog ko at bumalik na lang pag may entry na ulit ako na kapaki pakinabang at tulad ng dating entries na makakatulong sa pagpapalaganap ng kristyanismo sa mundo.. at tsaka wala akong pakialam sayo at wala pa kong tulog, pakyu!

bakit malaki ang chance na maging parang iguana akong hindi gumagalaw at nagsasalita pag nakipag eyebol ako?

1. dahil kinakabahan ako tuwing lumabalabas ako ng bahay ng malayuan at sa kinakapwestuhan ko e wala akong makikitang banyo na sa tantya ko ay:

a. kaya kong takbuhin ng madahan sa loob ng tatlong minuto
b. hindi pasukin ng tao
c. may tubig
d. may tissue paper
e. walang residue ng huling gumamit
f. hindi mainit sa loob

2. dahil hindi ako pwede sa mga tipikal na topic ng mga lalaki na maganda sanang daan para magkahulihan ng loob, hindi kse ako pwede sa topic na:

a. basketball – masyado akong suplado nung bata ako, ayokong napapawisan at nadidikitan ng kalaro kong pinapawisan kaya hindi ako natuto magbasketbol
(ang totoo may luslos kse ako nung bata ako, walang nakakatawa sa sakit ko, ok’)
b. chicks - sa maniwala kayo at sa hindi pag iyan na ang usapan, talo na ko sa kwentuhan’ mahilig lang ako makipaglandian pero takot ako sa ganyan at mas madalas na nae el pako pag hinahaplos ko yung keyboard ko kesa lumabas kasama ng iba’t ibang babae..
(alam ko marami akong babaeng readers na nasaktan at nadisappoint sa sinabi ko, sorry na! lols)
c. kotse – hindi ako marunong magdrive at wala kaming sasakyan!
(pero namigay ng pickup ang tatay ko sa ibang tao nung last na uwi nya.. anong klase yun!)
d. hangouts – kelan lang ako nag enjoy mag barhopping, dati masaya na ko sa padis point, umubos ng barrel barrel na draft beer, magyosi na parang tsimeniya at umuwi pag lasing na, kelan ko lang nadiskubre na enjoy din pala makipag kuwentuhan sa kainuman mo o iappreciate ang mga tipsy na babaeng nakatakdang magsisi kinabukasan pagkagising kinaumagahan na nakaunan sa mataba at wala kong muscle na braso..
e. music – hindi ako marunong tumugtog ng kahit na anong instrumento, maliban sa bumbuga at pagsipol, at isa pa’ maiskwatiran ka na sakin kung maiiskwatiran ka pero nageenjoy ako sa mga gangsta rap, ghettodoggz deathtreath mah men!
(kaibigan ko pa rin naman kayo di ba?)

3.hindi ako pala salita sa harap ng mga bagong mukha dahil

a. nana nonsensan ako sa sarili ko’
b. mas gusto ko tumahimik muna, makiramdam at manantya’
c. bulol ako at lalong nabubulol pag naaalala ko na bulol ako bago ako magsalita
d. pakiramdam ko laging tatalsik ang laway ko pag nagsalita ako sa harap ng mga bagong kakilala
e. madalas na nakakalimutan ko yung sinasabi ko sa kalagitnaan ng kwento kaya madalas din na nagmumukha akong sira ulo’

.. maiintindihan ko ang wordpress barkada kung magkakaron ng eb at sa pm na lang sila magpaplano, mahal ko kayo at inaantok na ko!

back

27 Oct

im back! yung dalawang magkasunod na huling balitang natanggap ko tungkol kay ronnel, mukhang okei na.. una di na raw sya kailangang operahin dahil tumigil na yung pagbi bleed sa loob, nilagyan na lang sya ng maliit na tubo sa may baga pandrain daw yata sa tubig o sa dugo sa loob, at pangalawa nakakausap na raw ng maayos, medyo malakas na at nakakakain na ng soft foods, salamat naman’
sabi ko nga sa dasal ko, bihira naman ako magdasal.. bihira rin ako humiling ng kahit na ano, mareklamo lang ako pero tinatanggap ko naman lahat ng hinaharang sakin.. sana lang maging maayos na yung kaibigan ko, tanggap kong kasama sa buhay yung nawawalan ka ng kaibigan, naniniwala akong lahat ng bagay nagdadaan lang pero sana naman wag yung ganun kabrutal at wag naman biglaan.. gusto kong isipin na nagpapalakas na lang sya dun sa PERApetual at ilang araw o linggo lang back to normal na lahat. alam ko rin may posibilidad na ipatapon na sya sa malayong lugar at mas malabo na magkita kami ng madalas pero okei lang yun atleast alam kong buhay sya at nasa earth pa rin..
gusto ko ring matapos na yung 2007, gusto kong maniwala na matatapos na lahat to pagkatapos ng taon. sana dire diretso na’

zamora

25 Oct

kulang ako sa tulog, anim na oras lang’ pagcheck ko sa fone ko may dalawang messages, yung isa nagpapaalala ng bertdey ng isang kaibigan, yung isa simpleng mensahe lang pero humigop sa natititirang lakas ko na tira tirahan na nga lang ng antok at pagod sa byahe..

"pre patay na nga si ronnel?"

taragis’ parang naging kasing gaan ng lobo yung ulo ko at nanginig yung mga kamay ko, nakadalawang ulit kong binasa yung message.. taragis kumpirmado si ronnel nga’ ninong sya ng anak ko, kasa kasama ko sa lahat ng kalokohan, sa away, sa lahat ng pagti trip, sa pagdalaw sa munisipyo at mga baranggay, sya yung dinadaanan ko minsan bago ako umuwi galing trabaho dahil yung pwesto nila sa palengke ng mga gulay e nadadaanan bago ako sumakay ng jip, yosi lang kami tapos konting kwentuhan, pag nakita ko na busy na masyado sa pwesto nila magpapaalam nako’ tapos tatakbuhin ako nun sa jip para ihatid ako..
ayokong tanggapin na ganun lang kse wala pang dalawang linggo nagkita pa kami nun at nagkayayaan na maginom, di nga lang natuloy’
tumawag ako sa fone nya.. walang sumasagot’ sa isip ko mukhang totoo nga’ putangena! tawag ako dun sa nag text para magpakwento, di rin sinasagot.. putangena ulit!
umiiyak nako’ taragis nakaharap ako sa pc habang tumatawag sa celfone nya, yung bart simpson na manika sa pc ko, sya nagbigay nun.. kamukha nya yun’ .. taragis wala talagang sumasagot, di ako pwedeng dumaan ngayon dun, male late ako ng sobra’
tumunog yung celfone ko, may text galing sa number nya..

"pare nasa ospital pa si nel"

yung utol nya to’ .. ano ibig sabihin ng nasa ospital pa? nililinis pa? iniembalsamo pa yung kaibigan ko? putangena! .. tumawag ako, pinagkwento ko sya’ wala akong masyadong naintidihan kse nga magulo isip ko masyado at umiiyak nako..
basta ang mga naaalala ko lang
buhay pa si ronnel, tatlo ang saksak sa tagiliran, may tama rin tong kapatid pero pinalabas na ng ospital, tinanong ko kung nakakausap ba naman si ronnel, hindi ako sinagot o hindi ko naintindihan basta ang sabi.. nagpapahinga at naghihilik pa’

ngayon lang ako nakaramdam ng gantong emosyon na naaawa at naiinis ako sa iisang tao at sa iisang dahilan lang.. naiinis ako kay ronnel kse hanggang ngayon ganun pa rin ang buhay nya, may dalawa na syang anak, pareho pang babae at kakaisang taon lang nung bunso, tumanda na sya sa ganung magulo at masikip na mundo, naaawa rin ako sa kanya sa parehong dahilan..

sana lang makarekober ka ng maayos pre at sana tigilan mo na yan’ hindi totoo yung sinasabi nila na may taong lapitin talaga ng gulo, nasa atin ang lahat ng paraan para umiwas sa away, kung gugustuhin rin lang natin.. wag ka maniwala sa mga napapanood mo sa sine at tv, hindi totoong susugod si robin padilla sa away kung magisa lang sya at hindi totoong sumasagupa si cesar montano sa isang buong sindikato ng isang hand gun lang ang dala nya.. maniwala ka sakin’

magkikita pa tayo pre, hintay ka lang lumuwag sked ko dito sa trabaho, tangena kailangan paraho tayong nakadilat nun ha at walang salamin sa gitna, pakyu ka..

ang commsat talaga samin, palpak.

update:
galing ako dun kanina, walo ang tama ng saksak sa likod ng kumpare ko, butas ang baga, maga ang mukha sa palo ng bato, basag ang nguso, puro tahi sa ulo… kaaway nya nung high school pa yung gumawa nun.. sayang ang buhay’ buti na lang buhay ang kaibigan ko,
pagkakita sakin kinawayan agad ako, pinipilit nyang dumilat, paglapit ko binulungan ako, “pasensya na di ako makapagsalita”

eto yung mga pagkakataon na masarap maglaro ng GTA San Andreas, putangina!

famine

24 Oct

famine isang larawan ng isang dalagita sa bansa ng ethiopia,
labis akong nalungkot nung nakita ko ang picture na to dahil sa ito ay naglalarawan kung gaano kahirap ang kanilang bansa.. at naihahambing ko rin ang estado ng sexlife ko sa kalusugan ng dalagang ito,

.. kaawaan sana ang dalagitang ito.

.. at ako’

.. sa lalong madaling panahon.

sikretong makapangyarihang tao

24 Oct

sa isang malayong kaharian

sikretong makapangyarihang tao: napapansin kong dahil sa sobrang init ng panahon natutuyo na ang mga palayan sa bulacan, kailangan ng ulan!!!!
.. umulan!

sikretong makapangyarihang tao:
napapansin kong maraming tao na naman ang nakakalimot sakin at inuuna pa ang mga luho at kalayawan, kailangan ko na namang magparamdam!!!
.. tadtad ng masamang balita ang dyaryo!

sikretong makapangyarihang tao:
napapansin kong kumikinis na naman ang mukha ni jon, hindi pwede yan!
.. bumukol ang tigisang tigyawat sa noo at sa pisngi, at tigtatlo sa may leeg at isang malaki sa likod!

.. tapos nun ang sikretong makapangyarihang tao ay pilyong napangiti at umidlip.

chatroom warriors

22 Oct

online fight tagal na rin ako hindi pumapasok sa chat rooms’ isa yun sa kinalimutan ko nung nagbagong anyo ako, sumusulyap pa rin ako dati pero pacute lang, kadalasan tambay, basa basa lang.
dahil sobrang nakakabato ang midnight shift ng mag isa ka lang, sinubukan ko ulit pumasok ilang araw na, nagulat ako sa mga chatters ngayon, ang tatapang! nakakatuwang isipin na ngayon binubully bully na lang ako sa chatroom, binu boot out at binabastos, hindi mo iisipin na dati may pangalan ako na iginagalang sa online world lalo na sa chatrooms, inisip kong magipon ulit ng mga tools, balikan yung dati at gumawa ulit ng pangalan, pero naisip ko na wala na kong pagsisingitang oras’ okupado na ni jon na empleyado, tatay, asawa, boyfriend, blogger, katropa, kainuman, etc. naisip ko na sa kanila na lang yun’ tapos na ko sa ganun..
kanina lang nasa opisina ako, may nambu boot at nagla lock ng chatroom’ tinanong ko sya kung ano napapala nya sa ganun, kung lumalaki ba ang tite nya pagnambu boot sya? kung napupunan ba yung mga pagkukulang ng tatay nya nung bata pa sya pag nakakapag palaglag sya ng chatter? ang sagot nya sakin.. isusunod na kita cabron! naisip ko nasa opisina ako, yari ako laglag ako agad panigurado.. nagtype ako “nasa opisina ako wala akong laban sayo, one click laglag ako.. pero eto na lang isipin mo sa akinse at katapusan susuweldo na ko.. madami na naman akong pera, e ikaw sa ganung mga petsa, booter ka pa rin!!!” di sya nakasagot.. nalaglag nga ako’
bago ako umuwi kanina pinagtulungan ako ng dalawang chatter, kung anu ano ang pinagsasabi sakin, ang masama “ghost” sila sakin di ko sila makita sa chatroom, lalong nakakapikon; nanggigil ako, sabi ko sa sarili ko hintayin nyo ko makauwi, kahit mamaga mga mata natin sa puyat di ko kayo titigilan.. pero kanina habang nasa bus ako napaisip ako, gagalitin mo sarili mo.. manggagalaiti ka, nanginginig daliri mo kakatype ng mga masasakit at magagaling na salita, ginagalit mo sarili mo sa harap ng pc pero alin lang sa dalawa ang mapapatunayan mo, either ikaw ang mas magaling mang asar o ikaw ang may mas mahabang oras na pwedeng sayangin sa harap ng monitor mo’
ilang taon ng ganun ang ginagawa ko, walang pinapalagpas online.. ngayon napagisip isip ko hindi na ko papatol sa away sa chatroom.. iiwan ko na sa mga baguhan yung mga ganun, lahat naman tayo dumaan sa pagka newbie, lahat naman tayo nagka thirst for power.. tapos na ko sa ganun’

.. at isa pa alam ko naman na hindi nila ko kaya’

umagang kayganda

20 Oct

session8:30 ng umaga
bagong dyaryo
pritong manok
kalahating
kahang
marlboro
redhorse

i love you, sweet jebus!

maling paniniwala

19 Oct

habang nagkakaidad tayo, andami nating napapatunayan na maling paniniwala nung mga bata pa tayo, tulad na lang ng aswang, ng mga kutong tatangayin ka sa isang isla pag di ka nagpahinguto sa nanay mo, at ng mga bumbay na nangingidnap ng mga batang gutom kaya kailangan mong kumain sa oras..
hindi lang siguro dahil mas nagiging matalino na tayo ngayon, siguro dahil din sa dami ng mga pinagdadaanan natin kaya nagigising na tayo sa mga kwento ng mga matatandang walang magawa sa buhay kundi suminghot ng mga apyan nila at maggawa ng mga kung anu anong kwento,
sa panahon ngayon na may asawa at pitong taon na anak na ako.. hindi ko inisip na may mga madidiskubre pa akong mga tututol sa kwento ng mga unang tao

1. hindi totoong lalabo ang mata mo pag natulog ka ng basa ang buhok.
2. hindi totoo na hindi ka pwedeng magdemanda pag nasagasaan ka sa kalsada at wala ka sa pedestrian lane.
3. walang siyentipikong pagpapatunay na makakatulong ang paglalagay mo ng asin sa pusod mo pag binabalisawsaw ka.

at higit sa lahat….

4. alamat lang ang babaeng gigising ng umaga para lang pagsilbihan ng almusal ang asawa nyang magdamag nagtrabaho sa opisina.

superherong may dahon sa dibdib

17 Oct

gusto kong iset sa vibrate yung fone mo, tapos ipapasok ko sa pwet mo at tatawagan ko ng tatawagan hanggang mapatid yang mga litid sa leeg mo sa sobrang kiliti!

   sa schedule kong 10pm hanggang 6am, nakakauwi ako nyan sa bahay quarter to eight na’ hindi naman ako si gandhi para hindi magutom, at hindi naman ako makina para hindi mapagod at lalong hindi naman ako robot para hindi antukin, sa kasamaang palad hindi rin trenta oras ang oras ko sa isang buong araw kaya pagkauwi, ang pamamahinga, pagkain ng almusal at pagpapaantok e kailangan kong pagkasyahin sa loob lang ng isang oras at kalahati, kakatapos ko lang maligo at naghahanap na ng magandang posisyon sa kama para matulog ng tumunog ang celfone ko, ayoko na sanang tignan pero naisip ko na baka sa opisina yung text..

pinsang bata: gudam’ kuya  jon, eto ang number ko pasave! tnx!

.. okei’ walang problema sakin yun kahit na naputol yung panliligaw ko sa antok.. sinave ko yung number at nagreply ako “noted, tnx!

pinsang bata: kuya jon, sinong superhero ang may “S” sa dibdib?

.. anaknangtokwa!  gusto kong insultuhin ang buo nyang pagkatao sa text, dahil sa walang kwentang text na to pero.. dose anyos lang to, ano pa aasahan ko at naisip ko na baka namiss lang ako nitong gagong to..

JON: si super man!
 .. pagkasend ko, pwesto na ulit ako ng higa.. yun na siguro yung joke nya! papansin lang’
wala pang limang minuto:

pinsang bata:
galeng! e yung may “paniki” sa dibdib?

.. gusto kong magimbento na lang ng istorya na, wag mo kong itext kse ampon ka lang hindi mo ko talaga pinsan, para matigil lang pero bata nga e.. sinagot ko “si bat man

mas mabilis ang reply

pinsang bata: galing mo talaga! o last na.. sino ang superhero na may “dahon” sa dibdib?

yes sa wakas last na! isang sagot na lang.. pwede na kong matulog, pero potah napaisip ako.. wala yata akong natatandaan na superhero na may dahon sa dibdib.. hmmm’ nawala antok ko! labas ako tinanong ko si gng. cabron, si mrs. cabron pati ang anak ko.. walang makasagot.. isip ako habang nakahiga’
mya mya nainip siguro ang gago, nagtext:

pinsang bata: mamayang ala una ko sasabihin sayo ang sagot.. heheheh!
.. putangena! kabastusan na to! magaalas diyes pa lang, hindi ako makakatulog! tumawag ako sa landline nila pero nanay nya ang nakasagot, nasa eskuwelahan pala ang kupal!
di ako nagtext sa kanya dahil alam kong maiisip nya na nakaiskor sya sakin at hindi ko papayagan yun!

.. ilang oras na kong nakahiga at nakapikit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kakaisip kung sino ang superhero na may dahon sa dibdib.. kinailangan ko pang maghandog ng kalahating tableta ng pampatulog para sagutin ng antok,
pagkagising ko, groge pa rin ako dahil sa gamot na pampatulog at dahil sa kulang na tulog.. nawala na sa loob ko yung puzzle nung pinsan ko, tsaka kailangan ko ng magmadali dahil male late na naman ako, di na nga ako nakakain ng hapunan.. habang nasa bus dun ko lang nakapa na wala pala sa bulsa ng pantalon ko yung celfone ko.. putarages!
bigla ko din naisip yung puzzle, sumakit nanaman ang ulo ko’ pagdating ko ng opisina tawag agad ako sa bahay.. pinahanap ko yung fone ko, nasa may computer table pala’ tinanong ko kung may message, meron daw sabi ni gng. cabron.. sabi ko basahin mo nga

batang pinsan: ang sagot, sinong superhero ang may “dahon” sa dibdib
.. si HALA MAN!

>