1 am t3h 6oD

20 Jul

tinawagan ko yung duktor namin’ malayong kamag anak namin yun pero no discount’ may maliit na clinic sya, isang sakay dito samin.. ang nakausap ko yung asawa nya’ pedia naman yun’ wala daw si dok.. nagpakilala ako’ sinabi ko yung problema’ lagi masakit ang tyan ko..baka daw may nakain ako’ sabi ko wala naman siguro.
tuwing kelan daw sumasakit.. sinagot ko:

* pag umiinom ng malamig
* umiinom ng kape
* pag giniginaw
* pag nagugulat
* naeexcite
* nahihiya
* madalas eksakto pag paalis na at papunta sa importanteng lakad
* pagkagising
* natatae pag gutom
* pag busog
* pag puyat
* pagnakakain ng maasim
* pagnatututukan ng electric fan
* pag nagyoyosi ng magisa
* etc. etc.
.. sabi sakin baka daw kabag’ or baka daw psychological, tinanong ko kung papano yun? baka daw lagi ko kse naiisip kaya laging sumasakit ang tyan ko.. biglang may sumilip na demonyong ngiti sa labi ko.. naisip ko lang’ kung ganun na kaya kong pasakitin ang tiyan ko sa pamamagitan ng isip ko.. hmmm pano kaya pag natutunan ko na tiyan ng iba ang pasakitin ko.. wow! please allow me to say this, the possibilities are endless, yo! astig yun! usap pa kami ni doktora saglit tapos binaba na namin yung fone pero di na importante sakin yung mga pinagsasabi nya.. lumilipad na yung isip ko sa mga pwedeng mangyari’ naisip ko din na kung sa pamamagitan ng isip ko kaya kong pasakitin ang tiyan ko at durugin ang tae sa tyan ko hanggang magpumilit syang lumabas.. ibig sabihin hindi malabo na matutunan kong maglakad sa ibabaw ng tubig pagdating ng araw.. hmmm pero walang masyadong maitutulong sakin yun’ teka baka puwede ko rin gawing alak ang bariles ng tubig, tangena! matutuwa ang mga kaibigan ko nito..

RSS feed | Trackback URI

12 Comments »

Comment by gingmaganda
2007-07-21 11:12:30

ang tawag diyan, Irritable Bowel Syndrome. look it up. :-)

 
Comment by defpotec
2007-07-21 11:16:18

tana jon, tigilan mo na paggamit ng powers mo… sumasakit na tyan ko katatawa..

stuff it!!!

 
Comment by Jon Cabron
2007-07-21 11:33:43

/ging
taragis oo nga ms. ging’ ang galing mo! .. at ang sosyal naman ng pwet ko!

/def
ako sumasakit na yung pwet ko kakairi.. darn it!

 
Comment by MARU
2007-07-21 17:18:56

idol, miss ko na yung naunang header mo. yung naka upo ka sa trono mo. “i am t3h 6oD” talaga dating mo dun. maalala ko, makahulugan nga pala talaga yung pic na yun.

 
Comment by A Z R A E L
2007-07-21 17:28:37

madami dami na rin ako nabasa na posts ni ginoong cabron na patungkol sa laging pagsakit ng tyan nya. tuwing nakikita ko ang pic nya sa header na kita ang mga mata, at magkadikit ang mga kamay na parang nagdarasal, parang alam ko na ang dahilan.

peace meyn.. :D

 
Comment by MARU
2007-07-21 21:58:04

honga nga ano? ahh… tsaka kaya pala tinatakpan ang ilong. :D

 
Comment by Jon Cabron
2007-07-21 22:35:34

/maru
bwahah’ tama!

/az
isa lang naman ang dasal ko eh.. please naman baby jesus, wag ngayon’ ..lolerz

/maru
actually ang mukha ko ang tinatakpan ko talaga.. baka may makakilala eh’ pag naglalakad ako sa mall pinagbubulungan na pala ko .. yan si jon oh’ yung laging natatae..

 
Comment by nimpa
2007-07-31 13:59:06

haha hindi pala ako nagiisa sa kalbaryong tinatahak ko, pareho tayo ng sumpang daladala, pero hindi naman ganun kagrabe ang pagtatae ko katulad ng sayo, ngayon kaya ko pang pigilan. tama si Ate IBS malamang ang tawag sa sumpa satin. hahaha

 
Comment by Jon Cabron
2007-07-31 14:01:52

bwahahahah badtrip nga e.. wanna go out?
… lols’

 
Comment by nimpa
2007-07-31 14:03:39

sige san Cr? g4? hahahaha

 
Comment by Jon Cabron
2007-07-31 14:08:50

bwahaha.. andyan ka pa pala nahiya tuloy ako.. :oops:
aslzsvsfa ..mo pala?

(age,sex,location. zodiac sign, vital stats, friendster account)

 
Comment by nimpa
2007-07-31 15:37:37

haha bago yan ha, lols.

22, M/F, cavity, scorpio, 38′36′38, rhandelleam16@yahoo.com

hahaha. eh u?

 
Name
E-mail
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

You can add images to your comment by clicking here.

Trackback responses to this post

>