Archive | May, 2007

omen

30 May

gndmamadalas dinidipende ko yung magiging takbo ng araw ko sa taong makakatabi ko sa bus.. katuwaan lang’ panlibang lang sa sarili ko para sa halos isang oras na byahe sa umaga, madalas din umaayon naman talaga’ siguro syempre pag maganda at sexy yung katabi ko naiinspire ako magtrabaho’ magaan ang pakiramdam ko’ yun na siguro yung eksplenasyon nun’ kaninang umaga, kulang nanaman ako sa tulog’ halos limang oras lang.. sabi ko sa sarili ko pagbaba ko sa bus’ at naghihintay ng bus.. sana may makatabi kong maganda, sexy at mabango’ para yun na lang yung inspirasyon ko at makuhanan ng energy at positive aura sa trabaho.. sa kasamaang palad, this lady broke my crayons, big time!
hindi imposibleng matapunan ko ng kape yung server namin mamaya o may maiformat akong laptop ng isang vip guest habang tinutulungan ko sya irun yung slideshow ng powerpoint nya.. darn it! i am destined to be doomed.. stay.away.from.me.

big C couple

27 May

c1 ala singko ng umaga.. habang pupungas pungas ako sa bus’
habang nagdadasal na hindi sana masyado matrapik, wag sana malate, wala sanang masyadong tawag sa trabaho, at sana magkasundo na yung mga namumuno sa gobyerno.. sumakay ‘tong dalawang bakal ang mukha na to’
pinutol ko saglit yung pagdadasal ko para pasimple silang kuhanan ng pict gamit ang camerafone ko.. tinapunan sila ng matalim na tingin at isang malutong na palatak, di sila natinag.. tapos iiling iling akong bumalik sa pakikipag talastasan sa panginoon.. sana po malunok nila yung yosi nila.. amen’

atm

26 May

nakakabuwisit yung sobrang tagal gumamit ng atm machine’ nambaka alam ng ang haba haba na ng pila eh’ parang .. kailangan pa ba  isave yung princess para makuha mo yung pera mo?!

digicam

24 May

   sabi nila masama daw magsumpa.. sabi ko naman masama rin magnakaw’ nadukutan nanay ko kanina.. kawawa naman’ nawala yung digicam nya, regalo nya pa naman sa sarili nya yun nung bday nya’ ginagamit nya yun pag may gimik sila nung mga classmate nya nung high school.. di nya alam kung san nadukot’ nalaman nya na lang pag uwi nya’ .. tangina talaga, hindi rason ang kahirapan para gumawa ng kalokohan’ kung mahirap ka magsumikap ka umunlad hindi yung mang aagrabyado ka ng kapwa mo.. sinusumpa ko na mamaga sana yang tonsil mo na kasing laki ng bola ng bowling ; hindi ka makakalunok maski sabaw o tubig tapos sana magtae ka ng apat na buwan!
   dun naman sa bibili nyang camera na yan’ wag kang magpasalamat na nakamura ka dahil isinusumpa ko na masunugan sana kayo ng bahay at wala ka sanang mailigtas kundi yang camera na yan! at isa pa sana maging malabo sana lahat ng ipapadevelop mong pictures sa buong buhay mo!

pseudo-friendship

21 May

   isang beses lang ako manalamin sa buong araw’ pagkatapos lang maligo.. pagkatapos nun inaasa ko na lang sa mga nakakasalubong ko sa maghapon lalo na sa mga kaibigan ko na sabihin sakin kung may kulangot ba ko, muta o dumi sa mukha’ ganun ako tiwala sa isang kaibigan’ tapat akong makisama kaya umaasa ako na yung mga kaibigan ko ganun din sa kin.. nung pumasok ako sa kumpanyang to sinabi ko na ng paulit ulit’ andito ko para magtrabaho hindi para maghanap ng kaibigan.. kung ayaw nyo sa kin, okei lang.. kung gusto nyo ko maging kaibigan, swerte nyo! dahil iba akong makisama!
  bukod sa mga ka department ko ikaw lang yung tinanggap kong maging kaibigan’ wala akong pinakitang masama sayo.. nakisama ako ng maayos’ andami nating pinagsamahan at pinagusapang matindihan kaya di pumasok sa isip ko na kasing babaw lang pala ng platito yung friendship na inoffer mo sakin.. nakakatuwang isipin na dahil lang hindi kita nabigyan ng PRINGLES magkakasira na tayo.. hellooooo! opisina to pare’ hindi tayo highskool students para sa mga pacutiepie tampuhan na ganyan and hindi kita anak.. grow up! ang di ko magets yung tipong nakahold yung friendship natin hanggang di ako magbibigay ng hinihingi mo.. paksyet! thats the most bullshitiest thing you can do to a friend’ nakakatuwa pa na after almost a week all of a sudden pagkatapos natin magdedmahan ng isang linggo bigla mo kong kakausapin na tipong gusto mong sumabay kumain sa kin.. ano ini expect mo ngingiti ako at sasabay kumain sayo.. uupo ka lang then ako na pipili ng ulam mo, dadalhin ko yung tray sa mesa mo.. tapos habang kumakain tayo magtutubig yung mata ko tapos bubulungan kita ng “salamat binati mo na ko” .. duhh’ hindi mangyayari yun’
  i dont need your pseudo-friendship.. basta mula ngayon kung hindi rin lang tungkol sa trabaho.. tigilan mo ko’ andito ko para magtrabaho at para kumita’ bonus na lang kung makakuha ako ng mga kaibigan dahil kung ang intensyon ko rin lang naman eh maghanap ng kaibigan.. sana di na ko gumigising ng maaga, sana di na ko nag iislacks at nagpo polo, sana di na ko nagkakanda bulol bumati ng “good morning mam/sir”, di na sana ako araw araw na nakikipag siksikan sa bus..
kung ganun rin lang sana nag friendster na lang ako!

yosi kadiri

16 May

there is no self respecting man na maninigarilyo sa pampublikong sasakyan, at ang gagawa nun definitely deserves na insultuhin sa kahit na anong paraan! akala yata nitong mamang to sya lang ang may baga sa dyip na yun’ hindi mo kailangan maging henyo para maisip na nakakahiya at nakakasuklam yung manigarilyo sa loob ng pampublikong sasakyan’ may katabi ka na posibleng may asthma, may katabi ka na papasok ng trabaho, at walang papasok ng trabaho na gustong amoy usok sya ng sigarilyo.. lalo na usok ng yosi ng ibang tao’ magkano ba yang yosi na yan para hindi mo maitapon? kung nasa fighting mood ako nung umagang yun o kung malaki ang katawan ko.. aabutan kita ng dalawang piso tapos sasabihin kong babayaran ko na lang yung yosi mo, itapon mo lang.. then pag nagalit ka at dahil malaki ang katawan ko’ sasakalin kita habang pinagsususuntok ko yung mukha mo habang bumibiyahe tayo tapos pag dating ko sa taft bago ako bumaba dadamputin ko yung yosi, maghuhubad ako ng tshirt para makita mo yung mga tattoo ko, tapos papatayin ko yung baga ng yosi sa dila ko’ ayos ba yun?! hindi?! oh alam mo na dapat ang gagawin sa susunod.. good boy’

badinger-z (victim #3)

12 May

f1 unang kwento:
dalawang baklang mag jowa
bakla1: baby, pakikamot nga yung pwet ko kse nangangati
bakla2: okei.. <kamot> <kamot>
bakla1: yan sige idiin mo pa..
bakla2: okei ayan na.. <kamot> <kamot>
bakla1: ang kati kati.. ipasok mo na sa loob ng butas yung daliri mo..
bakla2: okei baby, ayan nakapasok na.. <kamot> <kamot>
bakla1: ikot ikutin mo habang kinakamot mo..
bakla2: sige.. <ikot, kamot> <ikot, kamot> wait teka may nakakapa ako..
bakla1: sige pa ibaon mo pa ipasok mo na buong kamay mo…
bakla2: okei.. siyet ano tong nasa loob ng pwet mo?! wow rolex?!
bakla1: surprise!!! happy anniversary baby!

pangalawang kuwento:
nagsi swimming ang grupo ng mga bakla ng biglang may lumutang na condom
f2sigawan ang mga jokla..
tangena sinong umutoooooot!!?!?!?

pangatlo:

f3 tanong: papano mo malalaman kung bakla yung nagtitinda ng hotdog?!
sagot: pag may tae yung hotdog!

pangapat:
sa palengke
jokla: manong pabili ng isang talong yung medyo mahaba
tindero: pumili ka na bading, hihiwain ko na ba?!
jokla: bwiset! anong akala mo sa pwet ko alkansya?!

panglima:
f4

namamalengke ang dalawang bakla
badaf1: oh siyet pagnakakakita ako ng patatas naaalala ko yung betlog nung ex boyfriend ko..
badaf2: oh bakit mama?! ganyan ba kalaki?!
badaf1: hindi naman.. pero ganyan kadumi!

note:

.. tangang bakla lang ang pwedeng magalit sa post na ito’

ZZZzzzz v1

10 May

a couple of couples sleeping on a public vehicle’

ang sweet!!!

at isang binata

at eto ang mga nauna na..

.. sa maniwala ka man o sa hindi’ wala silang kinalaman sa
pagpalit ko ng layout.. naggandahan lang ako kaya nagpalit ako,
and parang sawa na ko dun sa tipong grunge na layout natin..
yung nasa banner na guwapo?! ako yun’ nilagay ko lang dyan kse nung
pinicturan ko yung sarili ko nung isang araw nakatchamba.. medyo maayos ako dyan noh?! ganyan pala tamang anggulo sakin tatakpan ko yung ilong ko.. sana pwede kong laging naka ganyan lang.. sana kahit sa trabaho magawa ko yung mga task kahit nakaganyan lang ako.. haaay’

happy week end mga bro!

emo

9 May

i went to festival mall with my family last month.. and i saw this guy sitting there alone.. nag grocery na kami pagbalik namin andun pa rin sya… parang iguana ganun pa rin pwesto nya.. tagal na ng pict na to sa fone ko daming pagkakataon na maipost pero ngayon lang nagkaroon ng paggagamitang rason para maipost.. parang sasabog ang dibdib ko everytime na makikita ko ‘tong pict na to sa fone ko.. hindi dahil sa lungkot sa mata nya o sa kasiguraduhang dumanas sya ng sari saring lupit nung kabataan nya.. nalulungkot ako dahil naiisip ko na ang seckslife ko ay kasing uncool ng taong ito..

i am so fuckin emo and my metaphors sucks..

HI-C

8 May

session kasama ang regular attendees ng inuman sessions.. si benjie, nick, at baldo’ alas siyete na kami nagsimula sa regular hangout place namin, bahay nila benjie’ naka isang case lang kami ng redhorse mucho.. masaya yung inuman napunta yung usapan kung saan saan.. sa politika, kwentong showbiz, sa mga kamunduhan, sa music, etc. then syempre sa chicks’ sino daw yung mga nasa music scene ang mga hotties’ kanya kanyang bigayan ng mga trip nila.. lumabas pangalan nila kitchie, barbie, bokalista ng moonstar88, etc.. then natahimik lahat kaya nagkaron ako ng pagkakataon na ipasok naman yung manok ko.. sa boses na punum puno ng kumpiyansa at pagasa na sasaludo sila lahat sakin.. “si HI-C!” .. nagtinginan sila lahat.. tapos sabay sabay “sino yun?!” naisip ko ahh di lang siguro nila alam yung pangalan.. si HI-C for your guys info is yung babae sa dice and k9.. idiots! hi-c sabay sabay sila ulit nagtinginan tapos sabay sabay din umasim ang mga mukha at nagsabi “yuck ambaduy mo jon’ mukhang mabaho yun!!” parang may gumuhit na malamig na pawis sa likod ko tapos parang namamaga yung mga pisngi ko kasabay ng pagbagsak ng balikat ko at pamamasa ng dalawa kong mata.. para kong pinagtulungan ng pagkapahiya at panghihinayang.. panghihinayang na sana hindi ko na lang sinabi yung mga bagay na yun.. at panghihinayang sa ilang taon na pagsasama sama naming magkakaibigan na nagkaron ng lamat nung gabing yun.. pagkatapos nilang magtawanan ng halos dalawang minutong walang hingahan habang nakatingin sakin.. sa wakas nakapag ipon ulit ako ng lakas para maibuka ang bibig ko.. “but.. but you’re still my friends, right?!” hindi ko alam kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari kung may sumagot ba sa tanong ko o wala lang.. basta ang naaalala ko pagkasabi ko nun tumayo si nick hinimas ako sa likod sabay sabi “lasing ka na jon.. pahinga ka na sa loob” tapos inakay nya ko papasok sa loob ng bahay habang nakatingin yung dalawa na napapailing at nagbubulungan.. “HI-C ng DICE and K9 daw pare… tsk tsk”
.. hey party poopers i have ONE word for you guys.. tanginanyopakyu!

>